DI ako lumabas ng kwarto kahit anong katok ng mga kaibigan ko. Matapos kong itapon lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin kay Phillip, humiga ako sa kama at hanggang ngayon di pa rin ako tumatayo. How could I? He's gone. Narinig ko ang mga kaibigan ko na nagpaalam kanina na papasok na sa kanya-kanyang trabaho kaya ako na lang mag-isa dito ngayon. I don't think they took what I said seriously. I don't think they believe we broke up. Tumayo ako for the first time at nagtungo sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Parang kinagat ang mga mata ko sa sobrang pamamaga nito. Sinubukan kong magsalita para tingnan kung bumalik na ba boses ko. "Do... Re M-Mi..." I cleared my throat. "Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do." Nakahinga akong maluwag. Medyo paos pa rin pero at least nakakapagsalit

