NAKAUPO lang si Martin doon habang hinihintay na ma-confirm na natanggap ko na ang binibigay niya sa akin. Napansin kong may tumaway kay Detective Lance. Mukhang mula ito sa grupo na pinadala niya sa bahay ni Martin dahil tumingin siya sa gawi ko na parang kinokompirma sa amin na nabuksan na nila yung safe. What is so important about that anyway? It's starting to annoy me. "Nahatid na ng mga kasama ko ang laman ng safe. Ngayon, magsalita ka na." "I need to talk to her to make sure." Inis na hinampas ni Det. Lance ang mga papel na nasa mesa. "You're asking for a lot. Sa totoo lang wala ka sa posisyon para mag-request. Saka tingin mo ba gusto kang makausap ng biktima? Nakakalimutan mo na ba ang ginawa mo??" Humingang malalim si Martin. Yumuko siya saglit. Hindi ko alam kung anong iniisip

