"IS THIS a kink? I mean, writing stories about your boyfriend's exes? Coz this is getting weird, Shantal." Naiiling na wika ni Martin habang naglalakad kami patungo sa kwarto ni Marina. Hindi ako sumagot. Saglit akong huminto nang makarating sa harap ng kwarto ni Marina. Inayos ko ang sarili ko saka kinuha yung fruit basket na dala ni Martin. Kumatok na muna ako bago ko binuksan ang pinto. Nasilayan ko sa loob si Marina na nakahiga sa kama habang nakaupo ang isang lalaki sa tabi nito at hawak ang kamay niya. Agad ko siyang nakilala. It's her husband. Damn, he's more good-looking in person. Bumati kami ni Martin sa kanila. Tumayo ang asawa ni Marina. "Who are you?" He asked. Tumikhim ako. "I'm Shantal San Jose. I'm a friend of your wife." Kumunot ang noo nito. Mukhang di naniniwala kay

