NAABUTAN ko si Phillip sa kwarto ko, nakahiga sa kama habang nanunod ng palabas sa tv. I locked the door after I went in. Mukhang maayos naman siya. Mukhang wala naman akong kailangang ipag-alala. "Hindi ka na ba galit sa akin?" Malambing kong tanong nang makaupo na ako sa tabi niya. He stared at me. "Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal. It scares me." Kumunot ang noo ko. "It scares you?" Tumango siya. "You might not look for me if I'm gone for too long. You might not miss me. You might forget I'm even mad. To be honest, I was glad you called me first. I walked out from you but I was waiting for you to call me like a fool." Umusog ako palapit sa kanya saka niyakap siya. "Eto ang unang beses na talagang nagalit ka sa akin kaya wala akong ideya kung anong gagawin mo. I was really wo

