Patricia's P.O.V.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba si Ivan o hindi. Nahihiya ako at nagsisisi sa aking ginawa. Parang nasayang lang ang ilang taon kong pag alisa para sa wala.
I know that I have a fault. Naging sarado ang isipan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko noon. Naging makasarili nga ba ako at mahina?
Gusto ko nalang tuloy sabunutan ang sarili ko sa sobrang frustration.
"Mommy are you listening to me?" Blake asked. Doon lang ako natigil sa pag-iisp. Napatingin ako sa kaniya at nakatitig lamang sa akin. Nagtataka sa aking ginagawa.
Napakamot ako sa batok ko at nilapitan siya. "Ano bang sinasabi ng baby ko?" malambing kong tanong at niyakap siya.
Niyakap naman niya ako pabalik at humiwalay ng kaunti sa akin at tumingala. "Ano ba kasing iniisip niyo po?" inosente niyang tanong.
I kissed his cheek. "Nothing, Baby. It's just some random things," sagot ko nalang upang hindi na siya mag alala.
Tumango siya. "Okay, Mommy," he said. "I was talking about if I can buy ice cream downstair?" he asked. Humihingi ng permisyon.
Napa isip naman ako ng kaunti at tumango rin. "Wait I'll just get money from my pocket," tumayo na ako at nagtungo kung saan ang aking bag. Kumuha ako ng one hundred doon. "Huwag kang lalabas ng building," paalala ko sa kaniya.
Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. "Yes po. Baba na po ako," he said.
Meron na bang mga store sa first floor ng mga pagkain kaya hindi na niya kailangang lumabas pa ng building na ito.
Tumayo na ako at pumunta na sa kusina. Mag ta try kasi ako ng bagong sangkap para sa cake.
Sa totoo kasi niyan ay may pinapatayo na akong coffee shop. Para na rin meron akong mapagkuhanan ng pera.
Naasikaso ko na ang papel para sa nakuha kong pwesto.
Ivan's P.O.V.
Papasok na ako sa elevator ng mabangga ako ng isang bata. Natapon ang ice cream na hawak niya sa laylayan ng kulay puti kong long sleeve.
Napa urong naman siya ng kaunti. "I'm sorry, Sir," paghingi niya n tawad. Magalang pero para bang natatakot.
Kung iba lang siguro itong bata ay baka napagalitan ko na. Pero hindi ko magawa dahil sa hindi ko malamang dahilan. Parang may nararamdaman akong lukso ng dugo. Sugro dahil kasing edad niya ang anak namin ni Patch. Oo, kaya nga siguro ganoon.
Pumiling ako at ngumiti sa kaniya para mawala na ang kaniyang takot. "No it's fine," I said. Lumuhod ako at pinagpantay ang mga mukha namin.
Nakita ko ang malungkot niyang matang nakatingin sa nahulog na ice cream. Nanghihinayang siya.
"Do you want to buy again?" I asked.
Napatingin naman siya sa akin at mabilis na tumango. "Yes, I want," ngunit nag alinlangan siya bigla. "But my Mommy told me that I shouldn't go with a stranger," he said. Ayos iyo at least ay hindi siya agad makukuha kahit nino.
Napatango naman ako. "Okay. My name is Ivan Dorschner. I am not a stranger anymore. How about you? What's your name?"
Napangiti naman siya. "We have the same surname po. My name is Blake Dorschner," pakilala niya at nilahad niya ang kaniyang kamay.
"Really?" nakangiti kong saad. Kinuha ko ang kamay niya at nakipag shake hands sa kaniya. "So pwede na ba kitang samahan bumili? I am not a stranger anymore," yakag ko sa kaniya.
Tumango naman siya ng mabilis. "Yes po."
Hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming nagtungo sa bilihan ng ice cream. Katulad kanina ay chocolate flavor ulit ang kaniyang pinili.
Magkasa pa rin kami habang kumakain siya.
"Hindi ka pa hinahanap ng mommy mo niyan?" I asked.
Pumasok na kami sa loob ng elevator. "Ay oo nga po at baka nag aalala na iyon. By the way can I ask a question po ba?" inosente niyang tanong habang kumakain pa rin. Nabigyan pa tuloy ng dumi ang gilid ng labi niya.
Pinunasan ko iyon gamit ang maduming laylayan ng aking damit. "Ano ba iyon?" tanong ko.
"Can I call you Daddy po ba? If you don't mind," lumungkot ang kaniyang tinig.
Mabilis naman akong sumagot. "Wala ka bang daddy?" tanong ko na mas lalong nagpa lungkot sa kaniya.
"I think I have but my Mommy doesn't want me to know about my Daddy. Naiintindihan ko naman po siya. Baka may dahilan lang talaga kaya bakit ganoon. But I want to have a daddy. Someday po siguro ay makikilala ko rin siya," kwento niya sa akin.
Napatango naman ako at hinaplos ang kaniyang buhok. "Then you can call me Daddy habang wala pa ang totoo mong ama," sagot ko na nagpabalik ulit sa kaniyang ngiti.
Nakaka touch naman ang ganitong bata. Napaka understanding. Dinala ko muna siya sa kwarto ko para mas malinis ko ang kaniyang mukha. Malagkit iyon at baka kapitan pa ng mga dumi.
"Hatid na kita sa room niyo. Ano bang number?"
"Room number 143 po," sagot niya.
"We're neighbors pala," saad ko. "My room is number 144," I said.
Oo at may condo unit ako rito. Hindi na ako umu uwi sa bahay namin dati. Mas nakakalungkot kasi roon. Pero madalas pa rin naman akong bumisita.
Pagkatapos kos iyang hugasan ay iniwan ko muna siya saglit para mapalitan ang aking maduming damit.
Pagkabalik ko ay nakatulog na pala siya sa sofa. Napatitig tuloy ako sa kaniya. Pamilyar ang kaniyang mukha at tila ba kilala ko ito. Hindi ko lang ma isip kung sino nga ba iyon,
Napatigil naman ako sa pagmamasid sa kaniya ng tumunog ang cell phone galing sa kaniyang bulsa. Kinuha ko iyon at sinagot. Tumatawag ang Mommy niya.
Patricia's P.O.V
Kanina ko pa hinhintay ang anak ko at hindi pa rin siya nakakabalik. Natapos ko na ang ginawa kong cake at balak na ipatikim sa kaniya iyon.
Kinuha ko ang cell phone ko na nakapatong sa la mesa. Pinindot ko iyon at hinanap ang number ni Blake.
Binili ko siya ng cell phone for purposes. Katulad nalang ngayon. para agad ko siyang matanong kung saan na nga ba siya.
Nag ring iyon at agad naman niya itong sinagot.
"Baby saan ka na ba?" nag aalal kong tanong.
Iba naman ang sumagot. Lalaki iyon. "Ahm miss nandito sa unit ko ang anak mo. Nakatulog kasi siya pagkatapos niyang kumain ng ice cream," sagot nito. Pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko na iyon pinansin. Ang importante ay mapuntahan ko na ang anak ko.
"Ano ang room number mo? Pupunta ako diyan," saad ko.
"Room 144," sagot niya.
Pagkatapos niyon ay pinatay ko na. Katabing unit lang pala. Pero nag aalala pa rin ako. Hindi mo naman iyon matatanggal sa akin.
Lumabas na ako sa unit namin at pumunta na roon. Pinindot ko na ang buzzer.
Mabilis naman iyong bumukas. Pero literal yatang nalaglag ang panga ko ng makita ko kung sino iyon.
"Ivan..." mahina kong sambit.
Nakita ko rin ang pagkabigla nito. "What a small world, Patricia," he said. Mas lalo niyang pinalawak ang pintuan.
Nakita kong natutulog nga nag anak ko sa sofa niya.
Napalunok ako at napatingin muli sa kaniya. Balik balik ang tingin niya sa akin at sa anak ko. Na para bang may napagtanto.
Napatango siya ng kaunti at parang alam ko nga ang nasa kanyang isipan. Nakabuo na siya ng konklusyon sa kaniyang utak. Paano ko pa nga ba iyon matatanggi? Hindi ko na magagawa iyon.
Kitang kita na ng dalawa niyang mata ang ebidensya.