Patricia's P.O.V.
Pagkatapos ng mahaba habang byahe na iyon ay nandito na kami sa bahay ng mga magulang ko.
Nag taxi lang kami papunta rito. Hindi na kami nag pasundo dahil ayaw ko rin naman na makaabala pa.
Masaya kaming sinalubong ni Mommy. "Ito na ba ang apo namin?" tanong niya at agad na lumapit sa aking anak. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. Gigil na gigil. Sabik na sabik.
Masaya akong tumango. "Yes po," sagot ko at lumapit na rin sa kaniya.
Niyakapa ko silang dalawa ni Daddy.
He smiled. "Ang laki na ng apo namin," nakangiti nitong sambit at tila maiiyak pa.
Humagikgik naman si Blake sa naging reaksyon ng lolo at lola niya. Hunarap siya sa akin. "Mommy sila po ba ang lolo at lola ko?" tanong nito.
Mabilis naman akong tumango sa kaniya. "Yes, Baby. Now bless to them and kiss them too," sagot ko.
Mabilis naman siyang kumilos at nagmano sa mga magulang ko. Pilit niya pang inabot ang mga pisngi nila para mahalikan.
Pumasok na kami. Talaga ngang pinaghandaan ang pagdating namin. Nay mga pagkain doon. Ang ilan ay mga paborito ko at ang iba naman ay paborito ng aking anak.
"Saan niyo balak tumira niyan anak?" tanong ni Mommy habang kumakain kami.
Nilunok ko muna ang kinakain ko at uminom ng tubig. "Actually po I already found a condo unit for the two of us. Bago pa kami makabalik dito ay sinettle ko na iyon," pag sagot ko.
Mabilis naman na bumaling sa akin ang anak ko. "Hindi po tayo rito titira?" takang tanong niya.
Pumiling ako. "No, Baby. Meron na tayong matitirahan. But we can always visit here."
Napalitan naman ng tuwa ang kaniyang mukha. "Talaga po? Yehey may house na tayo then we can always visit pa rito," pumalakpak pa siya pagkatapos ay kumain na ulit.
Binaling ko ang tingin ko sa mga magulang ko na tuwang tuwa sa reaksyon ng aking anak. Wala rito ngayon ang kapatid ko na si Kyle. Ang alam ko ay hindi na siya rito nakatira. Busy talaga siguro iyon. Baka sa lovelife o kung ano pa man.
"Pagkatapos po rito ay baka umalis na kami. Kailangan ko pa kasing asikasuhin iyong bago naming titirahan," paalam ko.
Tumango na lamang sila at nagpatuloy na kami sa pag uusap. Ouno ng ngiti ang kanilang mukha. Kita rin ang saya sa kanilang mga mata dahil na rin sa.pagbabalik ko at sa wakas ay nakita at nakilala na nila ang kanilang apo. Blake is really a ball of sunshine.
Nahpahinga lang kami saglit pagkatapos kumain. Tapos ay nagpaalam na kami para maka uwi na.
"Bye po. See you again," masiglang saad ng anak ko at humalik sa pisngi ng grabd parents niya.
Niyakap ko sila at nagpaalam na rin. Nagbilin pa sila ng kung ano ano sa akin. Tumango nalang ako upang mapanagag na sila at hindi na mag alala pa man.
Sumakay lang kami ng taxi papunta sa condo. Iyong sasakyan ko ay nasa bahay pa ni Ivan at hindi ko alam kung makakapgmaneho pa ba ako. Matagal tagal na panahon na rin iyon. Hindi naman ako gaanong nagmamaneho sa States dahil mas busy nga ako sa trabaho at sa anak ko.
Nang makatuntong kami sa palapag ng aming condo ay agad na nakatulog sa sofa ang aking anak. May jetlag pa siguro.
Kinuha ko siya at binuhat papunta sa kwarto. Pinagmasdan ko muna saglit siya at hiwakan ang pilik mata niyang mahahaba.
Kinuha ko ang cell phone ko at nagtipa ng mensahe roon para sa kaibigan ko. Nakabili ako ng sim kanina sa airport. Hiningi ko rin sa mga magulang ko ang numero niya. Buti nalang ay meron sila.
Ako:
Hi, Thea! I miss you. Si Pat ito and please save my new number.
Iyon lamang at pinindot ko na ang send button.
Pagkatapos ay humiga na ako sa tabi ng aking anak na mahimbing na ntutulog. Napaka gwapo talaga at may pinagmanahan.
Na miss ko talaga ang Pinas. Na miss ko rin siya.
Tumunog naman ang cell phone kaya bumaling ako rito at kinuha muli.
Thea:
Ikaw ba talaga iyan? Kung totoo nga ay bumisita ka sa aming babae ka. Miss na miss na kita.
Sagot nito. Napangiti naman ako at nag reply na sa kaniya.
Ako:
Ikaw nalang ang bumisita. Hindi na ako masyadong pamilyar sa mga lugar.
Saad ko. Half true and half lie.
Tamad na kaya akong bumyahe.
Thea:
Sige na nga. Just send me your adress.
Ako:
Sunshine condo unit. Number 143.
Sagot ko. Hindi na siya nag reply kaya ibinaba ko na iyon.
Imbis na umidlip ay naisipan ko nalang maligo. Binuksan ko ang maleta at kumuha ng sando at short doon.
Pagkatapos ko ay nadatnan ko.si Blake na nagpupunas ng kaniyang mata. Kakagising lang.
"I love you Mommy," he said and kissed my cheeks.
"Maligo ka muna ah," I said and carried him.
Pagkatapos niyang maligo ay binihisan ko siya ng pambahay na damit.
Pumunta kami sa kusina at na isipan na gumawa ng cookies. Bonding na rin kasi namin iyong mag ina. Isa pa ay para may makain si Thea pag nakapunta na siya. Dinala ko kasi ang mga ingredients kong pang bake rito. Kapag iniwan ko iyon ay baka masira lamang. Sayang naman at medyo may presyo pa naman iyon.
Nang mailagay na namin sa tray ang mga ito ay tumunog ang buzzer. Ang kaibigan ko na siguro iyon. Humarap ako kay Blake. "Can you oper the door?" malambing kong tanong.
Mabilis naman siyang tumango. Hinubad niya ang kaniyang plastic gloves. "Yes po," he said. Tumakbo na siya papunta roon.
Narinig ko na ang pagbukas ng pintuan. Ang cookies naman ay kasalukuyan pang naluluto.
"Mommy, we have visitors," saad ng aking anak mula sa sala.
"Let them sit first, Baby," saad ko naman mula sa kusina. Hinhintay ko pa kasing maluto iyon.
"Take a sit po," magalang niyang saad.
Nang natapos na ay nilipat ko ka agad ito sa plato. Marami rin naman akong na uwing pagkain dito. Sinangkap ko iyong juice.
Lumabas na ako roon dala dala ang mga pagkain at inumin.
Nadatnan ko sina Thea at Cedric na nay kasamang batang babae. Anak nila sighro ito dahil may pagkakahawig ito sa dalawa.
Mabilis na napatayo ang kaibigan ko. "Welcome back, Bestie," saad niya. Mabilis noya akong niyakap ng nailagay ko na ang dala ko sa maliit na la mesa.
"Welcome back," ngumiti rin sa akin si Cedric.
"Blake, bless ka kay Tita at Tito," sabi ko kay Blake. Nag bless naman siya.
"By the way bestie, this is our daughter. Her name is Lisa," ngumiti sa akin si Lisa. Ang cute niya. Ang ganda rin niya.
Nabigla naman ako ng tumabi sa kaniya si Blake. "Mommy do you think that we are a good match?" he asked. Dumadamoves bigla ang anak ko. Naku kay bata bata pa at alam na agad ang mga bagay na ito. May piangmanahan nga talaga.
Natawa naman kaming tatlong matatanda. Ano ba naman kasi ang pakulo ng anak ko na ito?
"Ang cute cute naman ni Blake," kinurot ni Thea ang pisngi nito. Pagkatapos ay humarap siya ng seryoso sa akin. "Sa ayaw at sa gusto mo ay mag uusap tayong dalawa bukas," pinal niyang saad.
Napatango naman ako. "Makakatanggi pa ba ako kung ganyan ka ka serysoso?" tanong ko sa kaniya. Mukhang may kailangan nga kami talagang pag usapan. Base na rin sa reaksyon at pananalita niya.
"Iwan mo nalang bukas sa bahay namin si Blake. Babantayan sila no Cedric at para na rin makapaglaro sila ni Lisa," saad niya ulit.
Nakatingin lamang sa amin si Cedric. Hindi na siya gaanong madaldal 'di katulad ng dati. Nag seryoso na nga talaga sa buhay.
"Okay," I said and nodded.
Ano nga ba talaga ang sasabihin niya? Bakit pakiramdam ko ay napalaki ng magiging impact nito sa akin.
I'm nervous but I am more curious about that.
Sana lang ay wala akong pagsisihan kapag nalaman ko na nga iyon ng tuluyan.