Chapter 1

2279 Words
KABANATA 1   "Go Denver my loves!" malakas na sigaw ko sa lalaking naglalaro ngayon ng basketball na kung saan ito rin ang lalaking ultimate crush ko. Si Denver Del Fuego. Napatingin ako sa itaas dahilan para makita ko kung ilang segundo na lamang ang itatagal ng laro at nanlaki ang mga mata ko ng halos sampung segundo na lamang ang nalalabi. Oh jusko! lamang pa naman ang kabilang panig ngayon! Kahit na hindi man ako kasali sa laro ay hindi ko mapigilang hindi kabahan lalo na para kay Denver dahilan upang mapatingin ako sa kanya na ngayon ay seryosong-seryoso ang kanyang mukha habang nag-di-dribble ito ng bola at iniisip niyang mabuti kung kaninong kakampi niya dapat ipagkatiwala ang huling puntos. Limang segundo. Nakagat ko ang aking sariling labi kasabay no'n ay ang pagtiklop ko ng aking sariling mga daliri dahil naghuhumirantado na ang dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko para sa koponan ng aming unibersidad. Dahil sa bantay-sarado ang kapitan ng buhay ko-- este ang kapitan ng basketball team namin ay kitang-kita ko na wala na siyang magawa upang ipasa pa ang bola dahil iilang segundo na lamang ang natitira. Isang segundo na lamang ang nalalabi nang makita kong tumalon na si Denver sa three-point line dahilan upang maghumarantado na lamang ang aking puso at pikit-mata akong nanalangin sa poong maykapal na nawa'y naipasok ni Denver ang bola. "Jusko." halos pabulong kong wika na animo'y wala ako sa sariling katinuan dahil sa sobrang kaba. Habang nakatangang sinusundan ng aking mga mata ang bola na kung saan ito ang itinirang bola ni Denver ay parang tumigil ang mundo ng lahat habang ito ay nasa ere hanggang sa umikot-ikot pa ito sa basketball ring at walang anu-ano'y pumasok ang itinirang bola ni Denver dahilan para awtomatikong mapatayo ako at makisali sa sigawan at hiyawan ng mga taong nanonood. Yes! Nanalo ang basketball team ng university namin! Panalo sila Denver! Nagtapos ang laban sa iskor na 81-79 at nagwagi ang aming unibersidad. Ang Walton University. "Masyado ka yatang masaya, kaibigan?" napatigil ako sa aking kasiyahan ng marinig ko ang isang pamilyar na boses dahilan para lingunin ko ang nagsalita. Malawak akong napangiti ng makita ko ang matalik kong kaibigan na ngayon ay nasa harapan ko na pala. "Ediejer!" masayang wika ko sa kanyang pangalan at hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Si Marc Ediejer Walton ay ang pinaka-matalik kong kaibigan sa buong grupo. Lima kasi kaming miyembro sa aming grupo at halos lahat ay puro kalalakihan. No! Mali pala dahil apat lang silang tunay na lalaki sapagkat isa akong baluktot na nilalang. Oo, bakla ang inyong lingkod pero kahit hindi man ako straight katulad nila ay hindi iyon hadlang sa aming pagkakaibigan sapagkat kahit kailan ay hinding-hindi nila ako pinakakitaan ng pandidiri at pag-aalinlangan bagkus tinuring nila akong tunay na kaibigan at para nilang isang tunay na kapatid. "Nasa'n yung tatlo, Ediejer?" takang tanong ko rito ng humiwalay ako sa kanyang mga yakap at saka ako tumingin sa kanyang likuran upang hanapin ang iba pa naming kaibigan. Nakita kong umiling lamang si Ediejer sa akin bilang kanyang naging kasagutan. "May gagawin pa raw silang tatlo kaya hindi sila makakapunta ngayon dito pero nandito naman na ako, Gab eh kaya bakit mo pa sila hinahanap?" nakataas-kilay nitong saad sa akin at sa huli niyang mga sinabi ay parang may inis sa kanyang tono dahilan para mapangiti na lamang ako sa kanya. Sanay na sanay naman na ako rito sa kasungitan nitong kaibigan ko. Akala mo ay palaging may mood swings sa sobrang pagka-moody. Tumango lamang ako sa kanya at matapos ay muli kong itinuon ang pansin ko sa court upang hanapin kung nasaan na ba ang Most Valuable Player ng buhay ko-- este ang Most Valuable Player pala ng laro ngayon. "Hinahanap mo na naman ba si kuya Denver?" rinig kong tanong ni Ediejer sa akin dahilan para matigil ako sa paghahanap. "Kuya Denver? Bakit ngayon ko lang yata narinig sayo na tinawag mo si Denver na kuya, Ediejer?" nagtatakang tanong ko rito nang muli akong mapaharap sa kanya at tinignan ko siya ng may pagtataka dahil bigla na lamang niyang tinawag na 'kuya' si Denver. Unang beses ko palang narinig na tinawag ni Ediejer na kuya si Denver   kaya naman hindi ko mapigilan na hindi magtaka sa kanya. "Ahh..uhmm.. syempre tatawagin ko siyang kuya kasi... kasi 'di ba mas matanda siya sa atin?! Fifth year na kasi siya hindi ba?!" tila may pagkautal-utal nitong sagot sa aking katanungan ngunit nang maisip kong may punto naman ang kanyang mga sinabi ay unti-unti na lamang akong napatango rito. Sa totoo lang ay tama naman si Ediejer. Graduating na si Denver sa kursong Engineering. "So.. hinahanap mo nga talaga ngayon si kuya Denver?" balik tanong na naman nito sa akin ngunit iniwasan ko lamang siya ng tingin bagkus ay minabuti ko na lamang na pagtuunan  ng pansin ang ngayong nakangiting si Denver habang hawak-hawak nito ang malaking trophy na kanilang pinanalunan. "Ano bang nakita mo d'yan sa lalaking 'yan at ganyan mo na lang siya kagusto, Gabriel?!" rinig kong tanong na naman ni Ediejer sa tabi ko at para yatang naiirita ang kanyang boses nang tanungin niya ako ngunit ipinagsawalam-bahala ko na lamang ito. Imbes na patulan ko pa itong si Ediejer ay pinili ko na lamang na manatili at ipagpatuloy ang pagmamasid ko sa lalaking pinakamasaya ngayong araw. "Sa tingin mo ba magugustuhan ka niyang Denver na 'yan, Gabriel?! Well, I think hindi ka magugustuhan ng lalaking 'yan kasi babae ang hanap n'yan at hindi isang katulad mo." rinig ko pang sabi nito sa akin dahilan upang mapawi na lamang ang aking mga ngiti sa labi dahil tila ba isang malaking sampal para sa akin ang mga binitiwang salita ni Ediejer. "Alam mo ikaw Marc Ediejer kanina ka pa! Hindi na nga kita pinapatulan oh! Nananahimik na nga ako dito!  kung wala kang magandang sasabihin eh mas mabuti pa sigurong itikom mo na lang yang bibig mo dahil hindi na ako natutuwa sayo at lalong hindi na ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo!" nagngingitngit sa galit kong pahayag sa kanya. Gamit ang nanlilisik kong mga mata ay pinaramdam ko sa kanya ang galit na nararamdaman ko ngayon at tinitigan ko pa siya lalo ng masama. Ngunit laking gulat ko na lamang ng hindi ito tinablan ng pinaparamdam kong inis at galit bagkus ay nanatili lamang itong kalmado at sa unang pagkakataon ay nakita kong ngumisi siya sa akin kasabay nang pag-ayos niya sa kanyang may kakapalan na salamin sa mata. Kung pagmamasdan itong kaibigan ko na si Ediejer ay para isa itong nerdy-type dahil bukod sa nakasalamin siya ng makapal at parang si Gat. Jose Rizal ang ayos ng kanyang buhok ay siya ang pinakatahimik at pinaka-masikreto sa aming grupo. Sa katunayan nga ay kahit siya ang pinaka-close ko sa aming grupo ay hindi ko mabasa kung ano ang palaging nasa isipan niya at sa totoo lang ay nito lamang nakaraan ay napansin kong nakakapanibago ang ikinikilos niya ngayon dahil palagi lang naman itong tahimik at walang imik dati. "Alam mo, Ediejer napapansin kong parang nagbabago ka na yata? Dati kasi eh parang wala lang naman sayo--- Hindi niya ako pinatapos sa aking pagsasalita ng siya ang magwika. "Ako nagbago? Hmm.. pwede naman siguro? pero bakit ba? bawal ba akong karapatang manghimasok sa buhay ng bestfriend ko? Gusto ko lang naman malaman kung bakit gustung-gusto mo 'yong lalaking 'yon eh! Kung bakit baliw na baliw ka doon sa Denve--- Ako naman ang hindi nakapagpigil at pinutol ko siya sa kanyang pagsasalita. "Alam mo kahit bestfriend pa kita ay hindi ka dapat nanghihimasok sa kung sino man ang nagugustuhan ko! Oo inaamin ko na gustung-gusto ko siya! May gusto nga ako kay Denver! At kung bakit itinatanong mo pa sa akin kung paano ko siya nagustuhan ay simple lang, Ediejer! Gwapo siya at hinahangaan siya ng karamihan! Kaya dapat hindi mo na tanungin pa kung bakit ko siya nagustuhan dahil mas higit siyang nakakaangat kumpara sayo!" Walang prenong saad ko sa kanya at parang gusto ko na lamang bawiin ang lahat ng mga binitiwan kong salita sa kanya dahil parang below the belt na yata ang mga sinabi ko sa aking kaibigan. "Now I know." mahinang sambit niya ngunit sakto lamang upang marinig ko ito. Hihingi na sana ako ng tawad sa kanya dahil sa mga masasamang salita na nabitiwan ko nang bigla na lamang akong nakarinig ng malalakas na tilian na nanggagaling sa loob ng court na siyang dahilan para mapatingin ako. Nakita ko na lamang na nakatalikod na ang mga manlalaro na kung saan ay kasama roon si Denver at sila ay pabalik na sa kanilang headquarters. "Mag-usap na lang tayo mamaya, Ediejer!" tila nagra-rap kong sabi lamang sa kanya at hindi ko na ito hinintay pang sumagot pa dahil agad akong nangaripas ng takbo upang sundan sa headquarters si Denver. NANG makarating ako sa tapat ng headquarters ng basketball team kung saan naroroon sila Denver at ang mga kasamahan nito ay agad kong inilabas sa aking bag ang cupcakes na ginawa ko galing sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sana naman ay magustuhan niya itong cupcakes na ginawa ko at ibibigay ko maya-maya sa kanya. Sisimulan ko na sanang katukin ang pintuan ng headquarters upang masimulan ko na ang aking binabalak nang mapansin kong bahagyang nakabukas ito. Wow! Swerte yata ang araw ko ngayon ha! Dahil bukas naman ang pintuan ay hindi na ako nahirapan pang makapasok sa headquarters at hindi ko na rin naisip pang abalahain ang kung sinumang pontio pilato na nasa loob ng kwarto. Agad akong napaatras nang may makita akong pamilyar na bulto ng tao at kasabay no'n ay ang hindi ko na napigilang mapasinghap ng makita ko sa aking harapan si Denver na may kahalikang babae. Huli na ang lahat nang mapagtanto kong nabitawan ko pala ang hawak kong cupcakes sanhi upang matigil silang dalawa sa kanilang paghahalikan. "Who are you?" rinig kong tanong ng babae sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin bagkus ay mabilis ko lamang kinuha ang mga cupcakes na nahulog sa sahig. "sorry po." agad kong paghingi ng tawad sa kanilang dalawa at hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot dahil agad akong lumabas ng headquarters. Nang matagumpay akong makalabas ay agad akong kumuha ng hangin dahil tila ba na-soffucate ako sa nasaksihan ko kanina. "Ang sakit pala." wala sa sariling saad ko sa aking sarili habang tamad na tamad kong nilisan ang lugar kung saan naroroon si Denver kasama ang kanyang kahalikan. Grabe! kahit ultimate crush ko lang si Denver eh ang sakit-sakit na no'n para sa akin. Hays. Gusto ko lang naman sana iabot yung cupcakes na ginawa ko para sa kanya pero hetong cupcakes pala ang magiging dahilan ng pagiging broken hearted ko! Habang patuloy na naglalakad ay natigilan na lamang ako nang may bulto na humarang sa aking dinaraanan. Napaangat ang tingin ko rito dahilan upang makilala ko kung sino ang humarang sa nilalakaran ko. "Ikaw pala, Ediejer." ani ko rito at pilit akong ngumiti sa kanya. Magsasalita na sana ito ngunit agad ko itong pinigilan gamit ang agarang pagyakap ko sa kanya dahilan para matigilan siya. Nang magawa ko na siyang mayakap ay hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha na bumuhos dahil kusa na lamang itong naglandasan sa aking mga mata. Naramdaman kong mahina niyang hinagod ang aking likuran dahilan para mas lalo ko pang ilabas ang aking mga luha na kanina pa naipon dahil sa sobrang sakit sa nasaksihan ko kanina. Hindi ko dapat 'to iniiyakan pero sobrang sakit lang na makikita mo sa akto na yung taong gusto mo ay may kahalikan at hindi ikaw iyon. Mali. Dahil kailanman ay hinding-hindi magiging ikaw. "Huwag ka ng umiyak, Gab. Tumahan ka na." Mahinahon nitong saad sa akin dahilan para unti-unti akong mapatango at humiwalay sa kanyang mga yakap. "pasensya ka na, Ediejer! ang drama ko today. Nakakabadtrip naman kasi yung pinanood ko sa youtube eh nakakaiyak!" naluluha't-natatawa kong saad rito matapos akong kumalas sa aming pagyayakapan. Naramdaman kong hinawakan niya ang aking mukha dahilan para magkatitigan kaming dalawa. "Huwag ka ng umiyak, okay?! Hinanap talaga kita ngayon kasi gusto kong humingi ng sorry sayo. I'm realy sorry sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko lang talaga napigilan yung emosyon ko kaya kung anu-ano na ang mga pinagsasabi ko." seryosong sabi nito sa akin at napangiti ako ng marinig ko sa kanya ang aming tawagan. "Ano ka ba naman, Ediejer! Wala kang dapat ihingi ng tawad sa'kin 'no dahil ako ang dapat humingi ng sorry sayo. I'm sorry sa lahat ng mga nasabi ko kanina. Patawarin mo ako kung masyadong matabil ang dila ko at nasabi ko sayo ang mga bagay na 'yon. Don't worry dahil nakasisiguro akong hinding-hindi ko na uulitin iyon. Promise ko 'yon sayo, Jer-Jer!" nakangiti kong sabi rito at inilahad ko ang aking hinliliit upang makipag-pinky promise sa kanya na kanya namang sinunod. Nang matapos kami sa aming pagpa-promise sa isa't-isa ay sa pangalawang pagkakataon ay muli ko siyang niyakap at sa totoo lang ay napakagaan sa pakiramdam na magyayakapan kayong dalawa ng iyong matalik na kaibigan. "Basta promise ko sayo na lagi lang akong nandito sa tabi mo, Gab. Sayo lang ako at akin ka lang, Jan Gabriel Mercado." mahinang bulong nito ngunit sakto lamang ito sa aking pandinig. Ewan ko ba ngunit kahit na nakaramdam ako ng parang kakaibang kaba dahil sa mga binitiwang salita ni Ediejer ay mas minabuti ko na lamang na tawanan ito at piniling isnawalam-bahala ang kanyang mga sinabi. Hay nako! Dapat pala simula ngayon ay masanay na ako sa pagiging ma-clingy at possessive nitong kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD