Chapter 6 Smarter Miraliza

3229 Words
“So, ikaw pala ang babaeng iniuwi ng boyfriend ko? Well, maganda ka naman, kaya siguro ikaw ang paborito niyang ikama ngayon!” mataray niyang sabi. “Sabi ni Lexor girlfriend niya ako. Tapos girlfriend ka rin niya? Puwede bang dalawa?” natanong ko. Hindi ko kasi naiintindihan. Pero parang may kumurot sa puso ko kasi parang ayaw kong may kahati kay Lexor. Gusto ko, ako lang dapat ang girlfriend niya, pero meron pa palang isa. “Siyempre hindi puwede! Saang bundok ka ba nanggaling at parang ang tanga mo naman para tanungin pa iyan?” patuloy lang ang matalim niyang pagsasalita. Ano kayang ikinagagalit niya? Siguro, kasi baka pareho kami ng nararamdaman, at ayaw din niya nang may kaagaw kay Lexor. Eh, paano dalawa na nga kami? Saka tanga raw? “Ano iyong tanga? Saka kung hindi puwede na dalawa tayo, eh, di ako lang talaga ang girlfriend niya kasi ako naman ang iniuwi niya rito,” inosenteng sagot ko. Umawang ang mga labi niya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Napamaang siya na animo ay isang kakaibang nilalang ang nasa harapan niya ngayon. “Teka, galing ka ba sa ibang planeta? Hindi mo alam kung ano ang tanga? Kung hindi mo alam, puwes ikaw iyon. Tanga ka kasi wala kang alam at nang-aagaw ka pa ng boyfriend. Bakit sinabi ba ni Lexor na mahal ka niya? Puwes, hindi totoo iyon. Niloloko ka lang niya dahil ako ang totoong mahal niya. Matagal na kaming magkasintahan at ikaw itong nanggugulo sa relasyon namin!” bigla ay pinagsisigawan niya ako. Medyo nasindak ako dahil pinandidilatan pa niya ako at maging iyong mga butas ng ilong niya ay gumagalaw sa galit. Namumula na rin siya at nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa akin. Ako naman ay kumunot lang ang noo. Una, tanga raw ako. Ngayon ko lang narinig ang salitang iyan. Tapos inagaw ko daw si Lexor sa kaniya. Sabi niya rin, sinisira ko ang relasyon nila? “Teka, walang katotohanan ang lahat ng sinasabi mo. Mabuti pa maupo ka muna at sasabihan ko si Nay Sol na maghanda ng meryenda mo. Hintayin na lang natin si Lexor at tanungin natin kung ano’ng gagawin. Huwag ka nang magalit,” nakangiting saad ko sa kaniya. Lalo siyang natigagal sa akin. Natulala siya at tumitig sa akin mula ulo hanggang paa ng ilang ulit. “Damn! You’re impossible!” nabulalas niya pero hindi ko naintindihan. Kaunting English words pa lang kasi ang alam ko. “Ano iyong sinabi mo? Pasensiya na, ha? Kaunti pa lang kasi ang natutuhan kong English na salita. Sige, maiwan muna kita riyan,” paalam ko at tumalikod na. Pumunta ako sa kusina at naabutan kong nag-uusap sina Nay Sol at Karen. “Iza, umalis na ba iyong hitad na iyon?” tanong agad sa akin ni Nay Sol nang makita ako. “Ano pong hitad?” lito kong balik-tanong. Umikot ang mga mata niya saka bumuntong hininga. “Iyong Chloe. Narinig ko, sinisigawan ka niya. Naku, masasabunutan ko na ang babaeng iyon,” gigil na sambit ni Nay Sol. Sumang-ayon naman agad si Karen. “Naku, huwag na kayong mainis sa kaniya. Baka kasi hindi natin pinameryenda kaya naiinis. Kaya handaan ni’yo na lang po siya ng juice saka sandwich,” sabi ko. Sabay silang gulat na gulat na tumingin sa akin. “Ma’am Iza, okay lang ho ba kayo? Pagkatapos kang sigaw-sigawan at insultuhin ng haliparot na iyon, pagmimeryendahin mo pa siya?” hindi makapaniwalang bulalas ni Karen. Tumango naman ako. “Eh, ‘di ba dapat inaasikaso ang bisita? Saka kasalanan ni Lexor iyon. Bakit kasi dalawa ang girlfriend niya? Ako nga rin parang nagtatampo, eh. Kaya hintayin natin siya at siya na lang magpaliwanag doon kay Chloe,” muli ay napanganga sila sa sinabi ko. Kasunod niyon ay nagkatinginan sila at maang na napailing. “Hindi ka ba nasaktan sa mga pinagsasabi niya sa iyo? Narinig ko parang tinawag ka pa yatang tanga. Isusumbong ko iyan kay Senyorito!” halos pabulong na lang na tanong ni Nay Sol. Umiling naman ako. “Hindi ko naman po naiintindihan ang mga sinasabi niya. Kaya paano po ako masasaktan?” tugon ko. Muli pa silang nagkatinginan at sabay na bumuntong-hininga. Gayunpaman ay ginawan at ipinaghanda pa rin nila ng meryenda si Chloe. Nakapatong ang isang hita niya sa kabilang hita niya habang nakaupo sa sofa. Nakasimangot pa rin ito at ni hindi man lang nagpasalamat nang ilapag na ni Karen ang meryenda sa harap niya. Muli siyang lumingon sa gawi ko at tiningnan ako nang matalim. Napalunok ako pero nginitian ko pa rin siya. Para naman siyang lalong naaburido sa pagngiti ko kaya yumuko na lang ako. Pasado alas-singko nang dumating si Lexor at nagulat ako nang biglang tumayo si Chloe at yumakap sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may gumuhit na hapdi sa puso ko dahil sa nakita kong iyon. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan at napayuko na lang. Mahirap pala kapag may ibang girlfriend ang boyfriend mo. Masakit pala sa puso. Hindi ba puwedeng ako na lang? Ginagawa rin kaya nila iyong ginagawa namin ni Lexor sa kama at sa banyo? Ginawa nga rin namin iyon sa sasakyan saka sa lamesa ng opisina niya. “What the hell are you doing here?” narinig ko ang pagalit na tanong ni Lexor. Pero hindi ko alam kung ano iyong sinabi niya. “What do you mean? I am your girlfriend. And why the hell you have a woman here claiming she’s your girlfriend as well?” galit ding tanong ni Chloe. Lalong sumakit ang dibdib ko at muling lumunok. Bahagya kong sinulyapan si Chloe. Maganda siya at kakaiba ang kulay ng buhok. Tapos marunong din siya mag-English. Talo ako kasi wala akong alam. Tapos hindi pa ako marunong magsalita ng English kasi nag-uumpisa pa lang kami ng tutor ko roon. “Matagal na tayong tapos, Chloe! At si Miraliza, siya talaga ang girlfriend ko at pakakasalan ko siya. Huwag na huwag kang magkakamaling guluhin siya kung ayaw mong matikman ang galit ko!” napasinghap naman ako sa galit na pagbabanta ni Lexor kay Chloe. Aba, dapat hindi siya naninigaw ng babae. Napanood ko sa TV dapat iginagalang at inaalagaan ang babae. Huwag sasaktan at huwag pagsasalitaan ng masama o sisigawan man. Pagagalitan ko nga itong si Lexor mamaya. Naririto ako sa nakatagong bahagi ng sala kaya hindi niya ako nakikita. Parang bigla akong natuwa kasi ako na lang daw ang girlfriend niya. Biglang nalusaw iyong makirot sa puso ko pero naawa rin ako bigla kay Chloe lalo at nasigawan siya. “Hindi totoo iyan! Naguguluhan ka lang. Alam ko, napakaganda niya, pero hindi mo puwedeng basta-basta na lang itapon ang pinagsamahan natin!” umiiyak namang pasigaw na tugon ni Chloe. Kawawa naman talaga siya. Ngayon, umiiyak na tuloy. “Stop being delusional, Chloe! You knew from the start that I don’t love you that’s why I ended up everything with you. Matagal nang walang tayo bago ko pa man nakilala si Miraliza!” sigaw din uli ni Lexor. Ano ba namang lalaki ito! Umiiyak na nga si Chloe sinisigawan pa imbes na aluin. Sa pagkakataong iyon ay lumabas na ako sa pinagtataguan. Nagulat pa si Lexor pero inirapan ko lang siya. “M-Miraliza, kanina ka pa ba riyan?” hindi ko alam kung bakit biglang takot na takot ang hitsura ni Lexor. “Bakit mo siya sinisigawan? Umiiyak na nga lang sumisigaw ka pa!” asik ko sa kaniya. Kita kong napalunok siya at buong pagtataka akong tinitigan. “Mag-usap tayo mamaya, okay?” malumanay niyang saad pero umiling ako. “Mag-sorry ka kay Chloe kasi pinaiyak mo siya!” utos ko at namaywang pa sa harap niya. Napamaang siya agad sa sinabi ko. “What? Bakit ako magso-sorry? Siya na nga itong nanggugulo?” katuwiran naman niya kaya naningkit ang mga mata ko. Si Chloe naman ay parang natuklaw ng ahas habang nakatunghay sa aming dalawa. “Saang bundok mo ba napulot ang babaeng iyan at parang walang kaalam-alam? Kaya ba gusto mo siya kasi alam mong uto-uto siya?” bigla ay sabi ni Chloe. Muling kunot-noo akong lumingon sa kaniya. “The next time you speak ill of her, I swear I will rip your filthy mouth!” angil ni Lexor kay Chloe. Madilim na madilim ang mukha niya at parang kakaiba ang galit sa mukha niya. Maging ako nga ay parang nahintakutan sa hitsura niya. “Lexor…” tila kinakabahang usal ni Chloe. “Get out of my house now and never ever come back!” tiim-bagang niyang deklara pagkatapos ay hinila na ako paalis. Tinawag pa siya ni Chloe ng ilang ulit pero hindi na niya ito pinansin. Dumiretso kami sa aming silid at pagkasara ng pintuan ay agad niya akong niyakap. “Miraliza, ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Please, huwag kang maniwala kay Chloe. Hindi ko siya girlfriend dahil matagal na kaming hiwalay. Kahit kailan hindi ko siya minahal na gaya ng pagmamahal ko sa iyo,” sambit niya at lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “Pero dapat sinabi mo ng maayos para hindi na siya umiyak. Hindi sinisigawan ang babae,” tugon ko naman na may halong paninita. Nabigla ako nang bigla siyang tumawa. “You’re really amazing! Mabuti na lang, napakabuti ng puso mo, Miraliza. Takot na takot ako. Akala ko hihiwalayan mo na ako at aawayin. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin,” napakaseryoso at sinsero niyang pahayag. Umangat ang ulo ko at marahang kumalas sa pagkakayakap niya. “Bakit naman ako mawawala sa iyo? Saka wala naman akong pupuntahan,” sagot ko. Muli siyang tumawa pagkatapos ay madiin akong hinalikan sa mga labi. “I love you, Miraliza! I love you so much! Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang pinakamahalaga sa akin at hinding-hindi kita sasaktan. Kaya sana sa akin ka lang maniniwala,” pagsusumamo naman niya ngayon. Tinitigan ko siya bago dahan-dahang tumango. “May tiwala naman talaga ako sa iyo. Huwag kang mag-alala, kahit ano’ng mangyari, sa iyo lang ako maniniwala,” paniniguro ko sa kaniya. Lumuwang naman ang ngiti niya at buong pagsuyong inangkin ang mga labi ko. Awtomatikong pumulupot ang mga kamay ko sa leeg niya. Binuhat niya ako at ipinaikot ang dalawang binti ko sa balakang niya. Lagi ay walang kahirap-hirap niya akong kinakarga. Isinandal niya ako sa dingding at kusang bumuka ang bibig ko dahil tumama sa sentro ng p********e ko ang ngayon ay buhay na buhay na niyang p*********i. Lalo pang dumiin ang mga halik niya at halos hindi ko na siya masabayan. Tila ba niya ako minamarkahan sa uri ng paghalik niya. Habang ginagawa niya iyon ay gumapang ang isang kamay niya sa loob ng suot kong damit at tinanggal ang pagkakakabit ng aking bra. Nang pumisil ang kamay na iyon sa isang dibdib ko ay kagyat akong napaungol. Ipinasok niya ang dila sa loob ng bibig ko at hinagod ang dila ko. Nakiliti ako at gumapang ang kilabot hanggang sa p********e ko na sinasadya niyang diinan ng bukol niya. Dama ko na naman ang pagkabasa ko at ang panaka-nakang pagkibot ng ubod ng p********e ko. “Lexor…” pabulong kong tawag sa kaniya habang hinahalikan at sinisipsip niya ang leeg at balikat ko. Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga hita ko at mabilis na hinubad ang lahat ng saplot ko. Pagkatapos ay lumuhod siya at isinampay ang isang hita ko sa balikat niya at muli ay humalik at dumila sa p********e ko. Kumapit ako sa buhok niya para sa suporta dahil nanginginig na ang mga tuhod ko sa pabalik-balik na daloy ng kuryente sa p********e ko at sa puson ko. Maging ang mga u***g ko ay naninigas na rin. Dumako ang isang kamay niya sa pang-upo ko para lalo akong idiin sa kaniya. “Ahh…” hingal na hingal akong nilalasap ang sarap ng hagod ng dila niya sa hiwa ko at ang paghalik niya sa mismong p********e ko. Ang galing-galing niya sa ganito at halos mapugto na ang hininga ko. “Lexor… Oh!” ayan na naman iyong paparating na delubyong nagpapabaluktot ng mga daliri ko sa paa at umuubos ng lakas ko. Pero napasinghap ako at dumaing nang bigla siyang huminto. Abot-kamay ko na ang minimithing kasukdulan pero bigla siyang nahinto. “Patience, love. Gusto kong ang alaga ko ang makaramdam ng sikip mo kapag ibinigay ko na ang orgasmo mo,” mapanghibo niyang saad. Mabilisan lang niyang natanggal ang sinturon ng pantalon at naibaba ang zipper niya. Muli niya akong binuhat at isahang ibinaon ang malaki niyang katigasan sa kaloob-looban ko. Sagad na sagad saka biglang umulos ng sobrang bilis. Sumisigaw na ako sa nakakabaliw na sensasyon nang sa wakas ay sumabog ang sarap sa puson ko. Masarap din pala iyong ganitong posisyon. Akala ko sa kama, sa sasakyan, sa lamesa, sofa at banyo lang puwedeng gawin ito. Puwede rin pala rito sa dingding at pareho lang din ang sarap. “You’re f*****g gripping me like hell! Damn!” malalakas ang ungol niya at nagsasalita na naman siya ng mga bagay-bagay na hindi ko nauunawaan. Pero sa tuwing lalabas sa bibig niya ang mga iyon ay lalong tumitindi ang mga pagbayo niya. Gaya ngayon, sunod-sunod at sagad na sagad ang paglabas-masok niya kaya nilabasan na naman ako. Ibinaba niya ulit ako at pinatuwad sa kama. Mula sa likuran ay sumagad na naman siya sa akin at buong giting na bumayo nang bumayo. Marahas pero talagang nakakawala sa sarili dahil sa sarap. Iyong natatamaan sa loob ko ay may kaunting sakit pero lalo lang iyong nagpapatindi ng kuryenteng halos magpangilo na sa akin. “I’m coming! s**t!” humawak ng mas mahigpit ang dalawang kamay niya sa baywang ko at dumalas pa ang malalakas niyang pagsagad. Hanggang sa maramdaman ko ang pagsabog ng mainit na likido sa loob ko. Maging ako ay muling umabot ng kasukdulan at pakiramdam ko ay naubusan na ako ng boses kasisigaw. Ibinagsak ko nang padapa ang katawan sa kama. Inayos naman ni Lexor ang puwesto ko at itinihaya ako ng maayos sa kama. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang mabuhay muli ang p*********i niya at ipinasok uli sa akin. Pagkatapos ay isinampay niya ang dalawang paa ko sa balikat niya. Pagod na ako pero noong bumayo na naman siya ay nakikiliti na naman ang kaloob-looban ko at handa na naman ako sa panibagong pagsigid ng sensasyon at init sa katawan ko. “f**k! Ang sarap mo talaga! I will f**k you until you pass out!” hindi ko na naintindihan pa ang mga sinasabi niya dahil para na akong labis na nalalango sa ipinararanas niya sa akin. “Ahh…” maging ang puso ko ay sadyang napakabilis nang pagtibok at muli ay ramdam ko na ang paparating na kaganapan ko. “Sabay tayo,” deklara niya at talagang tumirik na ang mga mata ko dahil sa matinding pagsabog naming dalawa. Damang-dama ko ang pagbulwak ng mainit niyang katas na sumabay din sa pagkatas ko. Para akong maiiyak habang hinihingal dahil sa tindi ng huli naming pag-abot sa rurok. Marahan siya dumagan sa akin at hindi pa rin hinuhugot ang ari niya. Ako naman ay yumakap sa kaniya. Pareho kaming pawis na pawis at naghahabol ng hininga. Muli akong umungol nang padaing nang madama ko ang pagtigas na naman niya sa loob. “Lexor! Hindi ko na kaya,” reklamo ko. “Last round na, promise!” sagot naman niya at minsan pa ay umiindayog na naman siya sa ibabaw ko. Muli kong nakalimutan ang pagod ko dahil nang magsunod-sunod na naman ang parang kidlat niyang pagsagad sa loob ko ay muli na namang namumuo ang init at kilabot sa p********e ko at gumagapang sa puson ko. Sa pagkakataong ito ay salitan niyang sinisipsip ang magkabila kong u***g kaya nararamdaman ko iyong lalong pagsikip ko dahil sa kuryenteng hatid ng ginagawa niya sa dibdib ko. Pagod na pagod na talaga ako pero hindi ko maitatangging aktibo pa ring tumutugon ang katawan ko sa bawat maglabas-masok niya sa akin. Pang-ilang beses na namin ito pero parang una pa lang kay Lexor. Wala ba siyang kapaguran? Nang sumunod na linggo ay kinailangan daw ni Lexor na pumunta sa ibang bansa. Tatlong araw daw siyang mawawala. Umiiyak ako dahil gusto kong sumama pero baka hindi raw niya ako maasikaso roon. Tapos kakaiba raw ang klima roon at baka magkasakit pa ako. Nangako naman siyang dadalhin ako sa ibang bansa para marami pa raw akong magagandang bagay na makita at matutuhan. “O? Bakit malungkot ka na naman?” pansin sa akin ni Nay Sol habang nakapanglumbaba ako sa may balkonahe at nakatanaw sa malaking gate. Kahapon pa umalis si Lexor at katatapos lang namin mag-video call pero nami-miss ko na naman siya agad. “Darating na mamaya iyong tutor mo, ganiyan pa rin ang hitsura mo,” dagdag pa niya nang hindi ako agad sumagot sa tanong niya. Nilingon ko siyang mabigat ang loob. “Miss ko na po kasi si Lexor, tapos mula pa po kahapon ng umaga masama na iyong pakiramdam ko. Tapos nagsuka na naman po ulit ako kaninang paggising ko. Ilang araw na po akong nahihilo,” nanlaki ang mga mata niya at mabilis na lumapit sa akin. Kinapa niya iyong noo ko at sa kunot-noong tumingin sa akin. “Wala ka namang lagnat? Baka may nakain ka lang na hindi maganda kahapon kaya ka nasusuka?” tanong naman niya sa akin. Bakas pa rin ang labis na pagtataka sa mukha niya. “Hindi nga po ako makakain kahapon kasi para akong naduduwal. Tapos kapag may naamoy po akong hindi ko gusto, nasusuka na naman po ako. Gaya ngayon, nahihilo na naman po ako. Hindi ko naman masabi kay Lexor kasi po ayaw kong mag-alala siya sa akin,” paliwanag ko. Hindi siya nakaimik at tumitig lang sa akin na tila may inaalala. Kinuha pa niya ang kamay ko at tiningnan ang pulsuhan ko. Para siyang may dinarama roon. Pagkatapos ay namilog na naman ang mga mata niya at sa pagkakataong ito ay naupo na siya sa harapan ko. Pero hawak-hawak pa rin niya iyong kamay ko. “Iza, alam ko medyo personal na tanong ito. Pero dito ko lang kasi malalaman kung tama ba ang hinala ko,” medyo alanganing saad niya. Ako naman ngayon ang biglang nalito. “Ano po iyon? Saka ano pong ibig sabihin ng personal? Iyong miss, love, please, okay, sorry, water at ilan pang mga English na salita lang ang alam ko,” marahan niyang pinisil ang kamay ko at tumingin pa sa paligid bago muling nagsalita. “Iza, may nangyayari na ba sa inyo ni Senyorito Lexor? Iyong ano… iyong kapag wala kayong damit gano’n…” napapangiwi siya at tila hirap na hirap sabihin ang gusto niyang itanong. Lalo naman akong naguguluhan sa kaniya. “Ano po ba iyon? Nalilito po ako sa inyo,” nahihiyang sabi ko. “Ay! Paano nga ba itatanong iyon. Baka nga hindi mo pa alam kung ano’ng tawag doon,” napapabuntong-hiningang usal niya. “Kung gano’n po, ano talaga ang sakit ko po?” magalang ko pang tanong. “Ah, alam ko na! Tawagan natin si Lexi at siya na lang ang magdadala sa iyo sa doktor para magpa-check-up!” suhestiyon niya. Napanganga naman ako kasi imbes na maintindihan ay lalong gumulo ang isip ko. “Check-up po?” natanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang salitang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD