"Noong una kitang nakita mula sa malayo ay alam ko na agad na may matapang na katauhan sa loob mo at nagtatago sa takot. Hindi ako nagkamali, dahil nakita ko kung gaano ka katapang, kung gaano ka kalakas. Malaki ang tiwala ko sa 'yo, kaya kung ano man ang desisyon mo, ano man ang balak mo, kasama mo ang basbas ko. Hindi kita pipigilan, nasa 'yo ang pasya." Dinig n'yang sambit ni Tanda na nakatingin sa kanya mula sa pinto habang hinahanda n'ya ang panibagong motor para maningil sa mga taong nagkasala. Tumingin s'ya kay Tanda nang seryoso ang mga mata. Agad n'yang niyakap ng mahigpit ang matanda. Tight as she could. "Maraming salamat, Tanda. Maraming salamat sa bagong buhay. Ano man ang mangyari, ikaw na ang bahala. Mas gusto kong maging abo, Tanda." Tinapik n'ya ang balikat nito at hi

