NATAWA S'YA sa naging reaction ni Kara ng makita ang ga-bundok n'yang perang papel. Inilibot nito ang buong bahay n'ya habang seryoso ang mga mata sa pagtingin sa bawat bahagi nito. Hindi n'ya ito hinayaan na makita ang mga tanim na itim na rosas ni Tanda at maging kwarto kung saan naroon ang sandamakmak na batong JADE. At dahil puro di-lata at noodles ang stock na pagkain n'ya dito ay pareho silang nagpapak ng pancit canton ngayon. Naisipan n'yang dalhin si Kara sa bukid ni Tanda dahil naalala n'ya na nabanggit ng matandang 'yon na kilala n'ya ang babaeng nagpapanggap na si JADE. Ngayon, malalaman n'ya kung kilala nga ito ni Tanda at kung kilala ni Kara si Tanda. "Naalala ko pala, Jaq. May mga lumapit ba sa 'yo at hinahanap si JADE?" biglang tanong ng kaibigan habang hinihipan ang u

