Chapter 15

2066 Words
HABANG PINAGMAMASDAN kung paano nakikipaglaban ang babaeng pumasok sa opisina ng lalake at nasangga nito ang una n'yang pag-atake ay namamangha s'ya. Hindi pa n'ya ito kailanman ginawa. Hangga't maaari ay ayaw n'yang mag-iwan ng kahit na anong bakas sa lugar maliban sa iisang bagay na nag-uugnay sa kanya. Lahat ng tao alam ang bagay na 'yon, ngunit iisang tao pa lang ang nakakuha sa ibig sabihin no'n. Pinagmamasdan n'ya ang katulad n'yang tumayo at magdamit ngunit hindi n'ya katulad gumalaw. Masyado itong agresibo. Nang mahuli nito ang batok ng lalake ay mabilis nitong tinuhod ang mukha at nagkaroon ng pagkakataon para ilapag sa sofa ang lalake. Muntik pa s'yang matamaan nang mabilis na iwinaksi ng lalake ang plaque nitong nakapatong sa isang maliit na mesa. Sinundan ito ng tingin ng babae ngunit hindi s'ya nito napansin. Nasa tagong sulok s'ya ng opisina ng lalake na may isang linggo na n'yang pinag-planuhang pasukin. Pero naunahan s'ya, kaya ngayon, manonood nalang s'ya. "What the hell do you need?!" napapaos na sabi ng lalake nang itukod ng babae ang siko n'ya sa may dibdib nito na pilit naman nitong tinatanggal. "Your life," simpleng sagot ng babae na s'yang nag-pagalit lalo dito.  Inilabas ng tinatawag nitong JADE ang isang bulaklak na itim. Nanlaki nag mga mata ng lalake ng makita ang bagay na 'yon hindi dahil nagulat ito kung hindi ay dahil sa galit. "Go to hell, JADE!" singhal ng lalake dito bago saktong na-itusok sa lalamunan nito ang tangkay ng bulaklak  na hawak ng tinatawag nitong JADE. Kuhang-kuha nito ang kung paano n'ya 'yon ginagawa. Ang kaibahan lang, mas agresibo ito at hindi malinis ang kilos. "Medyo pinahirapan mo 'ko. Pero okay lang, mag reunion kayo ng tatay mong baliw sa impyerno." Naningkit ang mga mata n'ya sa narinig. Halatang may suot na voice changer ang babae kaya hindi n'ya makuha ang totoong boses nito. Kung pagbabatayan ang sinabi nito ay pwedeng naghihigante ang babae. Kumunot ang noo n'ya ng maglabas ito ng swiss knife at nagsimulang markahan ang katawan ng lalakeng binawian na ng buhay. Naging alerto s'ya nang makarinig ng yapak mula sa labas at bago pa bumukas ang pinto ay mabilis n'yang hinila ang babae na halatang ikinagulat nito. Nanigas ito sa kinatatayuan nang tuloyan na s'yang makita ng harapan. Tiningnan s'ya nito mula ulo hanggang paa. Pareho sila ng suot at parehong nakatago ang totoong hitsura. Napatingin silang pareho sa tumunog na door knob at alam n'yang mabubuksan 'yon ng kung sino mang nasa labas. Walang pasabi n'yang hinablot ang balabal na suot ng babaeng kasama n'ya at binangga ang salamin ng opisina saka sumabay sa hangin pababa. Kitang-kita n'ya kung gaano ka perpekto ang posisyon ng babae ng bitawan n'ya ito. Alam na alam nito ang ginagawa kaya hindi ito masasaktan pagdating sa baba. Hindi na aabot sa kanila ang kung ano mang-ingay na posibleng maganap sa iniwan nilang silid. Sakto ang landing n'ya sa lupa at napagulong ng isang beses ang kasamang babae. Humakbang s'ya papalapit dito at kita n'ya kung paano nag reak ang katawan nito sa paglapit n'ya. "Having a cover means safe, but the next time our path across, I won't spare you," aniya saka iniwan ang babae. Hindi n'ya alam kung kanino at anong mukha ang nasa likod ng maskarang suot nito at wala s'yang pakialam. Sinadya n'yang idaan ang dalang motorsiklo sa kantong makikita s'ya ng mga police. Tama ang hinala n'ya police ang nagtangkang magbukas sa pinto ng opisina ng lalake kanina. Ramdan n'ya ang pinong lakad ng mga ito. Nakita n'ya ang iilang pulis na nakatayo sa may entrance ng building ngunit hindi naman s'ya napansin ng mga ito kaya dire-diretso ang pagmaneho n'ya ng motor. 'Yan ang buong akala n'ya. Dahil makalipas ang ilang segundo ay biglang lumabas ang isang motor mula sa kaliwang bahagi ng daan at pinaputukan s'ya. Hindi n'ya ito nilingon bagkus pinag-aralan n'ya ito mula sa salamin. Kitang-kita n'ya kung gaano ka perpektong tumatakbo at humahabol sa kanya ang motor na 'yon habang kinakasa nang lalakeng rider nito ang hawak nitong baril. Halata sa bilis ng takbo ang determinasyon nitong mahuli s'ya. "I'm sorry sir, but not in this lifetime," aniya at bahagyang itinumba ang motor ng 45° mula sa ground habang tumatakbo at itinukod ang kamay at inikot ang motor para makapasok sa isang maliit na daanan. Tumingin s'ya sa bandang likuran n'ya ay naroon pa rin ang sumusunod sa kanya, nakasunod. Mabilis ang takbo at nakapasok na ito sa makipot na daang tinatahak n'ya. Binitawan nito ang manibela at pumusisyon para patamaan s'ya. Yumuko s'ya hanggang ang dibdib n'ya ay nakalapat ng bahagya sa tanke ng motor habang mabilis ang takbo nito. Medyo gubat ang dinadaanan nila kaya walang ibang tao. Ini-ilagan n'ya lang ang umuulang bala ng baril na tinitira ng taong nakasunod sa kanya. Ayaw n'yang makipagpalitan ng putok hangga't maari. Mabilis ang kamay n'yang minaubra ang motor nang makita n'ya na sa gulong ng motor n'ya nakatutok ang muzzle ng hawak nitong baril. "You are so determined, Mr. Police," nakangising sabi n'ya at iniilag ang motor n'ya. UMIIGTING ANG panga ni Earl sa loob ng makapal at itim n'yang helmet habang hinahabol ang halimaw sa bilis na takbo ng motor ng JADE. Saktong-sakto ang dating n'ya sa lugar kanina at nakita n'ya ang pagtakas ng babae. Kitang-kita n'ya kung gaano ito kahusay sa pagdala ng motor. Walang takot itong gumagawa ng stunts sa kabila ng mala hangin sa bilis ng takbo nito. Napamura s'ya ng maraming beses sa kung paano nito iniwas ang motor sa mga bala n'ya. Sinubukan n'yang patamaan ang gulong pero mabilis na tela sumimplang ang gulong nito at maayos na tumakbo ulit. Ang nakakapagtaka ay kung bakit hindi ito nanlaban, hindi nito ibinabalik ang putok na binibigay n'ya dito bagkus ay iniiwasan lang ng babae. Kung ganoon ay pinaglalaruan sila ni JADE, nililito sila nito. May mga pagkakataong agresibo ito pero ang ginagawa nito ngayon ay katulad lang ng ginagawa nito noon. Pero nitong mga nakaraang linggo, naging agresibo ito.  Lumalaban at pumapatay pa ng doble sa bilang ng napapatay nito noon sa loob ng isang buwan. Dahil doon ay mas lalo n'yang naramdaman ang kagustohang mahuli ang babae. Mas naging determinado s'yang maihahatid n'ya ang nga ito sa selda nito at sisiguraduhin n'yang mananatili ito doon, habang-buhay. Mas binilisan pa n'ya ang takbo ng motor ngunit natigil s'ya nang makita n'yang bigla itong tumigil at sa likod nito ay ang dulo ng bangin. Bumaba ang babae at tumayo itong nakaharap sa kanya na tila ba hinihintay ang paglapit n'ya. Purong itim na tela ang nakabalot sa buong katawan nito at sa tindig palang ay alam mo na kaagad na wala sa mabuting mga kamay ang buhay mo. Humakbang s'ya ng dalawang beses papalapit dito hanggang nasa isang-daang metro nalang ang layo n'ya mula sa babae. "This time, wala ka ng mapupuntahan, sumuko ka ng matiwasay at 'wag ng makipaglaban," sigaw n'ya mula sa kinaruruunan. Bukod sa ilaw ng motor nito ay wala ng ibang nagsisilbing ilaw sa pwesto ito at gano'n din sa kanya. Bahagya s'yang naging alerto nang ilabas nito ang baril mula sa likuran. Itinutok n'ya ang hawak na baril ngunit tumama sa lupang nasa pagitan nilang dalawa ang paningin n'ya nang ihagis nito ang baril. 'What the hell is she doing?' aniya sa isip. Ibinalik n'ya ang tingin sa babae. Libre s'yang paputokan ito at wala na itong ibang mapupuntahan. Pero bago pa n'ya makalabit ang gatilyo ng hawak n'yang baril ay nanlaki ang mga mata n'ya nang makita kung papaano itinulak ng babae ang motor nito  sa bangin. Lalong nanlaki ang mga mata n'ya at napatakbo sa gilid ng bangin nang bigla itong tumalon. Akmang iyuyuko n'ya ang ulo para silipin ang babaeng nahuhulog ngayon nang isang putok ng baril ang sumalubong sa kanya mula sa ibaba kaya naman ay napaayos s'ya ng tayo. "The hell!" napapadyak s'ya sa lupa at sinipa ang bato sa galit. Sa lahat oras at pagkakataong makaharap n'ya ang babae ay lagi s'ya nitong natatakasan. Sa madali oh kamatayan mang pamamaraan. Hindi ito magpapahuli ng buhay. Alam n'ya ang bagay na 'yon. Pero para sa kanya bilang isang alagad ng batas. Dapat n'ya itong mailagay sa selda, dapat n'ya itong mahuli ng buhay. Kinuha n'ya ang isang plastic sa ilalim ng motor n'ya upang paglagyan ng baril na inihagis ni JADE. Panibagong ebidensya na alam n'yang wala na namang mahanap ng kahit na anong impormasyon sa baril na 'to. Hindi ito ang baril na gamit nito no'ng nakaraang pinatay ng babae ang dalawang inosente na ginamit nitong panangga. Ibang klase ang baril na 'yon. Iba rin itong hawak n'ya ngayon. Gumulat sa mga tao ang panibagong balita ng pagpatay sa nag-iisang anak ng Governor Rodriguez. Ayon sa balita ay katulad ng ama, si JADE din ang suspect sa pagpatay nito. Guilty, yan ang hatol ng taumbayan sa nagngangalang si JADE dahil nakita sa lugar ang nag-iisa nitong palatandaan at iisa ang paraan ng pagpatay sa binata at sa ama nito. Isang kilalang kurap na opisyal ng gobyerno si Governor Rodriguez, ngunit hindi makatao ang paraan ng pagpatay dito at lalo na kung idadamay ang anak nito. Hindi pa man nakakamit ng pamilya Rodriguez ang sinisigaw na hustisya para sa padre de pamilya ay may panibago na naman silang unos na kinakaharap. Mula sa isang daang milyong pabuya para sa ulo ni JADE ay dinagdagan ito ng pamilya Rodriguez ng karagdagang dalawampung milyong peso. "Walang kaaway ang pamilya namin. Kaya hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang inuubos ng babaeng 'yan ang pamilya ko!" hinagpis ng ginang na Rodriguez. "I'm afraid, who's next? Me? Mom? Oh my God!" bakas naman ang takot sa nanginginig na boses ng dalagitang Rodriguez. Samantala, sumisilay naman sa labi ng babaeng bumawi sa buhay ng batang Rodriguez. Bakas sa mukha nito ang saya ngunit bakas din naman sa mga mata nito ang galit. "Kulang pa ang lahat ng 'yan. Hindi n'yo pa natitikman ang sakit na binigay ninyo sa akin," matigas na sambit nito habang prenteng nakaupo sa sala at nakaharap sa tv. Napasulyap s'ya sa may kalalimang sugat sa braso n'ya ng saksakin s'ya ng lalake gamit ang napulot nitong gunting sa lamesa. "Nakaganti ka rin naman kahit papaano. Malas mo lang, mahina ka," aniya. "Wala kayong karapatang umiyak!" sigaw n'ya sa galit at wala sa sariling naibato ang hawak na tasang may kape sa tv. Nabasag ito maging ang ibinatong tasa. Napapikit s'ya ng mariin ng kumikislap ang saksakang nataponan kape. "Damn! My coffee!" nanghihinayang sambit. DUMIRETSO SI Earl sa NBI at inabot sa kilalang opisyal ang baril ni JADE. "I was expecting the JADE, Mr. Major," mayabang at tila ba nang-iinis na sabi nito. Seryoso n'ya itong tiningnan, "JADE is rare, a boastful person can never have it," he smirk ng mawala ang mapang-asar na ngiti sa labi ng kaharap na lalake. Matagal na s'yang nagtitimpi dito at sana 'wag s'yang sagarin sa ganitong mga pagkakataon. Kinuha nito ang baril at inilagay sa box ng mga evidences. May malaking pangalan na nakalagay sa box at walang ibang laman, JADE, 'yon ang nakasulat dito. Masyadong espesyal ang turing sa babae. Hindi malabong may nakalaan nang libingan ang gobyerno para dito. "Major San Diego, the most dangerous police, yet, can't catch a woman." Muli n'yang hinarap ang lalake, "that person brought all the information of JADE that everyone, even you, knows about," pambabara n'ya dito. "And by the way, I heard, JADE's case will be transfered to your junior?" asar n'ya dito na lalong nagpaasim sa mukha. Cringe. Tinalikuran n'ya ang lalake dahil wala naman talaga s'yang balak makipag sagutan dito. Nakakabakla. Inilabas n'ya ang cellphone para tawagan si Jaq. Hindi na n'ya masyadong nakikita ang dalaga. Minsan ay naabutan n'ya ito sa unit n'ya ngunit tulog na. Pag-alis n'ya naman ay tulog pa ito. Napangiti s'ya kahit papaano nang sumagot ito. "I miss you," bungad nito sa halip na hello. "I'm sorry," sagot n'ya. "Hindi ako makakapunta sa unit mo ngayon," mahinang sabi nito. Huminga s'ya ng malalim bago nagsalita, "it's fine, I don't think I can go home now as well, everything is mess. I'm so sorry, I miss you babe," mahinahon n'yang sabi. "Okay lang, I understand. Marami rin akong kailangang tapusin dahil sa research namin." "You need help?" "Hindi na," agaran nitong sagot, "ahm, tapusin mo nalang kaagad ang trabaho mo para magkita na tayo ha?" bigla s'yang nakaramdam ng sama ng loob nang malambing na boses nito ang narinig n'ya. Oo alam n'yang hindi ito pumayag na maging official ang relasyon nilang dalawa pero ayos lang, mahal n'ya ang dalaga. Inaamin n'ya sa sarili 'yon. Ngunit alam n'yang maaayos n'ya ang relasyon nilang dalawa kapag may oras na s'yang maibibigay dito. Kapag wala ng JADE na nagpakalat-kalat sa labas ng kulongan at kapag naihain na n'ya ang laha ng hustisyang niluluto n'ya ng may katagalan na para sa mga sumisigaw nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD