Chapter 18

2431 Words
"Jaq!" Napahinto si Jaq nang marinig ang pangalan n'ya mula sa isang pamilyar na boses. Lumingon s'ya at namumukhaan n'ya ang lalakeng naglalakad takbo palapit sa kanya. Ito 'yong lalakeng nag-abot sa kanya ng flash drive ni Kara noon. Ano na naman kaya ang kailangan nito sa kanya ngayon. Agad tumaas ang kilay n'ya nang makalapit ito sa kanya ng nakangiti, "lagi nalang kitang hinahabol," natatawang sabi nito. "Ano ang kailangan mo this time?" mataray n'yang sabi at nakataas ang kilay n'ya. Minsan lang s'ya magtaray pero mukhang natutuwa s'ya sa ginagawa n'ya ngayon.  Hindi n'ya gusto ang ngiti nito, mukha itong manyak na tinatanggihan ng mga babaeng gustong manyakin. Dati parang maayos naman ito ngumiti bakit ngayon parang naka drugs. "Ang taray mo naman, ang sabi sa akin dati ni Kara mabait ka," nakangisi pa talaga nitong sabi. Kung may itataas pa ang kilay n'ya ay 'yon ang ginagawa n'ya ngayon. Umayos s'ya ng tayo at walang buhay na tiningnan ang lalake. "Look, hindi kita kilala kaya kung may kailangan ka, sabihin mo na pero kung hindi naman 'yan importante, magpakamatay ka na," inis n'yang sabi lalo pa at ramdam n'yang minamanyak talaga s'ya nito. Lumapad ang ngisi nito at dinilaan ang ibabang labi. Parang gusto n'yang masuka pero ayaw n'yang magkalat sa corridor kaya humakbang s'ya para umalis. Pero bago pa tumama sa sahig ang unang hakbang n'ya ay kaagad n'yang nahuli ang braso nitong nagtatangkang pumulupot sa bewang n'ya. Mabilis n'yang na-isandal sa dingding ng isang classroom ang lalake at nasa leeg nito ang kanang kamay n'ya habang ang kaliwa ay hawak ang braso nitong unti nalang ay twisted na. Nanlaki ang mga mata ng lalake at maging ng ibang studyanteng naroon sa gulat. Bago pa makapagsalita ang lalake ay kaagad may lumapit sa kanilang tatlo pang kalalakehan at tinulongan ang lalakeng hawak n'ya. "Jaq, tama na. Nasasaktan na ang kaibigan ko," Kumunot ang noo n'ya sa narinig. Kaibigan? "Kaibigan? At kilala n'yo 'ko," seryosong sabi n'ya habang naniningkit ang mga mata. "Sinabi kasi ni Kara na Jaq ang pangalan ng bestfriend n'ya at pinakita n'ya sa amin noon ang pictures n'yong dalawa," paliwanag naman ng isa. "Anong ginagawa n'yang kaibigan n'yo? Bakit biglang lumapit sa akin 'yan?" seryosong tanong n'ya sa mga 'to habang itinuturo ang lalake kanina. "Ahm..., kasi-----" "Tss," 'Yon lang isinagot n'ya nang biglang nautal ang kausap n'ya at tumalikod. Panira ng araw! S'ya pa talaga ang napiling bastosin. "Intense," lalong sumama ang timpla ng mukha n'ya nang sumalubong sa kanya ang nakangising mukha ni Adam. "Anong intense?" pagkukunwaring hindi n'ya alam ang tinutukoy nito. "The scene earlier, you're so f*cking strong Jaq!" he mocked. At itinaas pa nito ang braso ang umaktong kita ang muscle kahit naka long-sleeves naman. Hinahanap n'ya ang mga kaibigan nito sa likuran pero wala s'yang nakita. Mag-isa na naman ang lalakeng 'to kaya pala nakita na naman s'ya. Ano bang mayroon sa mga lalake dito? Ayos-ayos ng simula ng umaga n'ya bwesitin lang s'ya ng mga 'to. Inirapan n'ya ito at dumaan sa gilid pero hinawakan nito ang braso n'ya kaya napahinto s'ya. "Ano? Gusto mo rin isandal kita sa dingding katulad ng ginawa ko sa katulad mo kanina?" nakataas kilay n'yang sabi. Kumunot ang noo ng binata at nagtataka. Probably sa sinabi n'yang katulad nito. "Katulad ko? Sino? 'Yong payatot na 'yon?" di makapaniwalang sagot naman nito at itinuturo ang pinanggalingan n'ya kanina. Nang tumingin s'ya ulit doon ay wala na ang mga ito. Ang bilis naman makalayas ng mga iyon. "Oh bakit? Hindi ba?  Mga babaero, manyak," irap n'yang sabi. Humalakhak sa pagtawa ang binata kaya nakaagaw sila ng atensyon. At dahil mahal ng kababaihan ang lalake ay nagningning ang mga mata ng mga ito habang pinapanood itong tumatawa. Ayaw n'yang masangkot sa pangalang Adam Castillo kaya tinalikuran n'ya ito habang busy pa sa pagtawa. "Jaq! Jaq naman eh," paghabol sa kanya ni Adam kaya umikot ang mga mata n'ya sa hangin. At dahil sumaktong nasa tapat na s'ya ng pinto ng classroom n'ya ay kaagad s'yang pumasok at hindi na nilingon ang binata para hindi na s'ya nito masundan pa.  HABANG ABALA sa ginagawa ay umangat ang ulo ni Earl nang bumukas ang pinto ng opisina n'ya. Agad s'yang tumayo nang makilala kung sino ang pumasok. "Sorry, are you busy?" nakangiting sabi ng bisita. Sa kabila ng ngiti nito ay sinasabi ng mga mata nito kung gaano kabigat ang nararamdaman ng dalaga. Kaagad n'ya itong inalok na maupo na masuyong sinunod naman ng dalaga. "I'm sorry for your loss, Lizie," concern n'yang sabi. Umiling ang dalaga at ngumiti ng tipid. Ramdam na ramdam n'ya ang sakit na nag-uumapaw sa dalaga. Kumislap ang mga mata nito at nag-unahan sa pag-agos ang mga luha. "Don't be sorry, hindi ikaw ang may kasalanan, Major. Hindi ikaw ang walang-awang pumatay sa daddy ko. I came here to ask you a favor, please, please, please give my daddy the justice," humihikbing sabi ng dalaga kaya ay agad n'ya itong dinaluhan. "I will, we will, my team will" he answered, giving her the assurance and made a promise.  "I know and I heard how dangerous that JADE is, so I couldn't fight with her. You're my only hope, Major. Please help me," mas lalo pa itong naiyak nang hagurin n'ya ang likoran nito. Lizie is a good friend, hindi man sila katulad ng ibang magkaiban na madalas magkita, magkasama oh mag-usap. Everytime they see each other, they went to a formal and casual talks. Alam n'yang malakas ito, independent at matapang. But in her current situation, losing the last person you all have. She's really is devastated now. Ito rin ang tumawag sa kanya para balaan s'ya sa nangyari kagabi at para alamin kung nakauwi ng maayos sina Casper since napag-alaman nitong hindi na pala ito nakapasok. "Don't worry, I promise to bring justice," matigas at determinado n'yang sabi. Ilang ulit na nga ba n'yang sinabi na sa susunod nilang pagtatagpo ni JADE ay mahuhulog na ito sa mga kamay n'ya. Hindi lang isa oh dalawa oh tatlo, maraming beses na at lahat 'yon pumalpak. Kaya ngayon ay umuusbong sa dibdib n'ya ang takot. Dahil hindi n'ya alam kung ilang buhay pa ang malalagas ngayong malaya pa itong gumagala sa labas. Sinong mag-aakala baka isa sa mga nakakasama mo sa restaurant, nakakasalubong sa mall, sa elevator oh kung saan man ay 'yon pala si JADE. Napapikit s'ya ng mariin sa iniisip. Ayaw n'yang isipin na impossibleng mahuli nila ang babae kagaya nang kung paano ito harap-harapang nakakatakas. Masyado na itong maraming kasalanan sa lipunan, naghihintay na dito ang kulongan. Sinusumpa n'yang bago matapos ang taong ito mabibigyan na nang hustisya ang lahat na sumisigaw nito. Nang huminahanon na ang dalaga ay nakangiti na itong tumayo, "I'll just watch news and wait for the update. Thank you again, Major," sambit nito bago nagpaalam at bago pa ito makalabas ay nagsalita s'ya. "Lizie, I sent some of my men for your safety," aniya sa dalaga. Tumango ang dalaga ang ngumiti, "Thank you, kuya." Huminga s'ya ng malalim saka nag buntong hininga. "Pinipilit n'yang pigilan ang mga luha n'ya pero nag-uumapaw ang sakit na nararamdaman n'ya kaya hirap s'yang itago 'yon kahit pa sumisilay ang ngiti sa labi n'ya," dinig n'yang sabi ng kaibigang si Biel na kanina pa nagmamasid sa kanila ng dalaga kanina. Sumang-ayon s'ya sa sinabi nito dahil 'yon din naman ang napansin n'ya. "Any updates?" tanong n'ya dito. "Last was tonight, iba-iba ang baril na gamit n'ya kaya hindi nagtutugma ang lahat nang bala sa bawat ng eksena. Gusto kong hangaan ang tapang at lakas ng JADE. I mean, babae s'ya pero ang lakas n'ya, kaya lang hindi ko magawa. Nagagalit at natatakot ako sa kanya," mahabang litanya nito. He gritted his teeth at halos mabali na ang ballpen sa pagkahigpit n'yang hawak dito. "Dagdagan mo ang mga magbabantay sa pamilya nila sa araw ng libing ni congressman," pag-uutos n'ya dito na agad tinanguan ng huli. "May balita na ba kung kailan?" Kinuha n'ya ang isang maliit na papel kung nasaan ang schedule at inabot dito, agad itong tumayo mula sa kinauupoan at lumabas ng opisina n'ya. Naisandal n'ya ang likod sa dingding maging ang ulo n'ya. Pinipiga na s'ya ng media at ibang kamag-anak ng mga biktima na magbigay ng oras at araw kung kailan n'ya mailalagay ang JADE na 'yon sa kulongan. Tumayo s'ya para pumunta sa maliit nilang pantry at para kumuha ng kape pero bago pa man s'ya makarating do'n ay agad nakuha ang atensyon n'ya nang gutay-gutay na pangalan ni JADE sa bulletin board nila.  Wala itong mukha doon, dahil wala pa namang nakakita ng hitsura nito maging kahit may suot na telang itim wala pang nakakuha ng litarto dito. Nakikilala lang ito ng mga tao dahil nasabi n'ya ito sa media, nasabi n'yang sa ganyang bagay lang makikilala ang isang JADE.  Nagkaroon lang din ito ng pangalan dahil sa maliit na batong ilang beses na n'yang nakita sa tuktok ng bulaklak. Kaya n'ya sinimulang tawagin itong JADE pero ang mga tao, hindi alam kung saan nagmula ang pangalang 'yon.  "Anong nangyari d'yan?" tanong n'ya sa maintenance na nag-aayos ng mga sirang bagay sa presinto nila. "Maganda araw po, Major. Kanina huh dumating dito ang nanay ng dalawang babae na pinatay ni JADE noong mga nakaraan pa," sagot nito habang nag-aayos. Sa narinig n'yang 'yon ay kaagad nakita n'ya ang eksenang 'yon sa isip n'ya. Kung paano nito walang pagdadalawang isip na binaril ang dalaga at kung paano nito nilaslas ang leeg ng bata para makatakas. Tumango sa kausap saka tumalikod. "MAJOR...." napalingon s'ya sa hinihingal na si Biel. Sa hitsura ng kaibigan ay alam na agad n'yang hindi maganda ang balitang dala nito. "What is it?" seryoso n'yang sabi. "May enkwentro sa SCU, ang report, si JADE," Kaagad s'yang nag command sa mga tauhan at kaagad naman itong nagsikilos. Gamit n'ya ang bigbike n'ya kaya nauuna s'ya sa mga ito. Hindi alintana ang sikat ng araw at ang nagsusumikip na daan dahil sa traffic. Naisisingit n'ya ang sarili sa kakarampot na pwede n'yang madaanan. Saint Claudio University, that's Jaq's school. Nagngingitngit ang hitsura n'ya sa loob ng itim na helmet at ramdam n'ya ang galit na dumadaloy sa ugat n'ya. Hindi malabong kilala na ni Jade si Jaq. At kapag may mangyari kay Jaq ay baka makalimutan n'yang isa s'yang alagad ng batas at 'yon ang ayaw n'yang mangyari. Pagdating n'ya sa lugar ay agad n'yang narinig ang maraming putok. Inihanda n'ya ang sariling baril at dahan-dahang lumalapit sa pinanggagalingan ng putok. Bumungad sa kanya ang ilang nakahandusay na mga g'wardiya. Pagsilip n'ya sa gate ay bulto ng isang babaeng nababalot ng itim na tela ang sumalubong sa paningin n'ya. Nakatalikod ito sa kanya. Nakatutok ang dalawang baril na nasa magkabilaang kamay sa kumpol ng studyante. Sa tingin n'ya ay may activity dito kaya nasa labas ang mga studyante dito. Tama lang, dahil may pagkakataon na ma corner sila ni JADE kapag nasa loob sila ng classroom. "Hold your fire, itaas mo ang mga kamay mo," dumadagundong ang boses n'ya sa corridor. Lumingon sa kanya si JADE at humarap ng mas maayos, ngayon, nasa kanya na nakatutok ang dalawang armas nito. "Nagkita ulit tayo, Major San Diego," May ginagamit parin itong voice changer. Nakatakip ang buong mukha kaya hindi n'ya nakikita ang galaw ng mga mata nito.  Mula sa peripheral view n'ya nakikita n'ya ang pagdating ng team n'ya at ang pag posisyon ng isa't-isa. "Huwag mo ng dagdagan ang kaso mo, sumuko ka na," matigas n'yang sabi. Ume-echo ang tawa nito dahil sa ginagamit nitong voice changer. Kitang-kita n'ya kung paano ngumiwi ang ilang studyante sa ginawa nito. This girl is crazy. Nanlaki ang mga mata n'ya ng nakita n'ya si Jaq na tumayo at tinutulongan ang ibang studyante na umalis sa lugar. "Ano sa tingin mo ang dahilan bakit ako nandito, Major San Diego?" Nang magtama ang paningin nila ni Jaq ay ngumiti sa kanya ang dalaga at nag thumbs up. Napahinto ang mga studyante ng bigla itong dumipa at itinutok ang kaliwang kamay na may baril sa mga ito habang ang kanan ay nanatili sa kanya. Kitang-kita n'ya ang dahan-dahang pag-upo ni Jaq at doon n'ya lang naaninag ang mga katabi ng dalaga, Casper, Lyka at Demi. "What do you need? Why are you here?" hamong tanong n'ya dito. "Sino sa tingin mo sa mga 'yan ang anak ni Senador Ayala sa mga nandito?" natatawang sabi nito. Casper! Unti-unti ay napapansin n'ya ang dahan-dahang galaw ng kamay nito hanggang sa tumama ang tutok ng baril nito sa pwesto nina Jaq. Nanliit ang mga mata n'ya ng bigla nitong ibaba ang baril na nakatutok sa pwesto nina Jaq na para bang nagulat. Mabilis itong kumilos at agad nahila ang isang babaeng studyante na nasa kabilang dulo ng pwesto nina Jaq at itinutok ang hawak na baril dito habang ang isang braso nito ay nasa leeg ng babae. Dahan-dahan itong umatras habang hawak hawak ang babae. Sumenyas s'ya kay Lt. Lopez na sundan ito na agad namang sinunod. Mabilis ang kilos n'yang nakapagtago sa malaking puno ng narra ng bigla s'ya nitong paputokan. "Huwag kayong sumunod, bibitawan ko ng buhay ang babaeng 'to," hamon nito sa kanila. Agad tumigil ngunit alerto ang mga tauhan n'ya na ngayon ay mas malapit dito. Ngayon ay nasa b****a na ito ng gate at umaatras ang mga tauhan n'yang nagbabantay doon dahil may hawak itong inosente. Mabilis nitong itinulak ang umiiyak na babae at agad silang pinaputokan. Sa paglingon nila ay nawala na ito na parang bula. Agad dinaluhan ni Biel ang babae at inalalayan. Tinangoan nya ang kaibigan at nakuha na nito ang ibig n'yang sabihin. Tiningnan n'ya ang mga studyante na ngayon ay nagsiiyakan sa takot. Nakita n'ya si Jaq na seryosong nakatingin sa kanya. Nasa gilid nito ang magkayap na sina Demi ay Lyka habang seryoso rin ang mukha ni Casper. Lumapit s'ya sa mga ito at diretso ang tingin n'ya kay Jaq. "Are you okay?" agarang tanong n'ya dito. Tumango ang dalaga kaya ibinaling n'ya ang mga mata  kay Casper. "She was looking for me?" seryosong tanong ng binata. Bumuntong hininga s'ya at dahan-dahang tumango. "You better go home, Demi and Lyka, sumama kayo kay Casper," utos n'ya sa mga 'to. Agad umuo ang mga ito sa sinabi n'ya. "Tara na Jaq, alis na tayo baka bumalik dito ang baliw at mamamatay tao na babaeng 'yon," nakita n'ya ang paghawak ni Demi sa braso ni Jaq. Napatingin ang dalaga sa kamay nito bago sa kanya. "Susunod ako sa inyo, mauna na kayo sa sasakyan, Casper," dinig n'yang sabi ni Jaq sa mga ito. Ngayon n'ya lang nalaman na magkakilala ang mga ito. Sa katotohanang ito ay di malabong nasa bingit na rin ng kamatayan ang buhay ng babaeng mahal n'ya. Hindi malabong gagamitin ito ng killer para mapalabas ang hinahanap nitong si Casper kung hindi n'ya agad ito makikita. Maraming anggulo na pwedeng madamay si Jaq, sa kanya at ngayon pati kay Casper. Alam n'yang kayang protektahan ng dalaga ang sarili nito pero hindi n'ya maatim na mapahamak ito. Lalo pa at ngayon ay naniniwala na s'ya sa obserbasyon n'ya tungkol dito. Sa maraming oras at araw na pinag-iisapan at pinag-aralan n'ya ang conclusion na ito, this time, sigurado na s'ya.  Hindi ito ang totoong JADE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD