"Thank you ma'am, maraming salamat po," nakangiting pasasalamat ni Jaq nang ibalita sa kanya na pasado ang ginawa nilang research. At sa defense hindi n'ya alam kung paano nangyari pero pumayag ito at dean nila na maging virtual ang defense nila dahil sa kalagayan ng mga kagrupo n'ya.
Iba talaga ang nagagawa ng pera.
"You're welcome, Ms. Eldefonso, maganda ang gawa ninyo, ikamusta mo nalang ako sa mga kasama mo and please tell me them to prepare at mag-iingat kayo, lalo na ikaw," sabi nito sa kanya bago s'ya nito tinalikuran.
Hindi man halata pero pangarap n'ya ang makapag tapos kaya nga kahit sa edad n'ya nag-aaral pa s'ya, ayos lang. Si Kara kaya?
Pumunta s'ya sa cafeteria at umorder nang burger pantawid gutom saka ti-next si Demi tungkol sa balita. Wala pang isang minuto ay lumabas na agad ang pangalan nito sa caller ID n'ya.
"Jaaaaaaq!......" Mabuti nalang ay hindi s'ya naka earphone dahil kung nagkataon basag ang eardrums n'ya pero dahil naka loudspeaker s'ya, napalingon sa kanya ang ibang naroon.
Napangiwi s'ya nang makitang nakangisi ang mga ito sa kanya.
"Magdahan-dahan kayo, nandito ako sa caf," aniya sa kabilang linya.
"Oh, Jaq! Thank you so much!" may pagtiling sabi ni Lyka. "OMG! May date na ba kung kailan ang defense? Teka, Casper.... you have to uninstall the game first," dinig n'yang sabi ni Demi. "Why?" boses naman ngayon ni Casper.
"I'll send the schedule sa email n'yo guys, nasa taas ng pdf," aniya saka pinatay ang tawag. Nagkakagulo ang tatlo at wala s'yang balak sumali.
Halos mahulog s'ya sa kinauupoan sa pag-atras nang biglang bumungad ilang pulgada ang layo sa mukha n'ya ng mukha ng isang Adam Castillo.
"Nahuli din kita," ngising asong sabi nito kaya sinamaan n'ya ito ng tingin saka sumimsim sa iniinom n'yang soft drinks.
"May balak ka bang patayin ako?!" mataray na sabi nito. Hindi n'ya talaga alam kung bakit pag nasa paligid n'ya si Adam ay pakiramdam n'ya walang peace. Pakiramdam n'ya hindi s'ya ligtas pag ito ang kasama n'ya.
"Patayin? Nah, of course not. Mahalin, oo," buong pagkatao n'ya ata ang nag face palm sa sinabi nito. "Kidding. But Jaq, I just have a question....." tinaasan n'ya ito ng kilay nang binitin nito ang sasabihin.
"May itatanong ka ba oh wala? Kumakain ako Adam baka lang hindi mo nahahalata," pagtataray n'ya ulit dito. Seryoso ang mukha nitong hinila ang upuan sa harap n'ya at naupo doon.
"Si Major San Diego, is he your boyfriend?" tanong nito. She chuckled, at umiling.
"Kung hindi?" tanong n'ya pabalik dito.
"Edi, okay," kibit-balikat na sagot nito.
"Paano naman kung oo," aniya.
"Ahm, o-okay,"
This time s'ya naman ang nag kibit-balikat at tinulak sa bibig ang kapirasong natira sa burger n'ya at binitbit ang soft drinks at bag n'ya saka tumayo at tumalikod. Pero hinabol s'ya ng binata.
"Jaq, hindi mo sinagot ang tanong ko," pangungulit at habol nito sa kanya.
Hinarap n'ya ito at itinuro ang punong-puno n'yang bibig. Huminto s'ya paglalakad at tinongga ang natitirang laman ng coke n'ya sabay lunok ng burger na nginunguya n'ya na.
"Bakit mo kailangan ng sagot?" mahinahong tanong n'ya dito. "May gusto ka sa 'kin? Kaya gusto mong malaman kung may boyfriend ako oh wala?" diretsahang tanong n'ya dito. Napayuko ang binata saka mas seryosong tumingin sa kanya.
"I like you," direstong pag-amin nito.
"Nakalimutan mo yata na sinabi ko na sa 'yo noon na hindi kita gusto at may boyfriend ako. Adam, kung akala mo isu-surgarcoate ko ang sasabihin ko para lang wag kang ma offend, sorry, hindi ako 'yan," seryosong sabi n'ya at tuloyan nang iniwan ang lalake doon.
Ano bang mapapala n'ya kung papatulan n'ya ang pagkakagusto nito sa kanya? Just a son of a wealthy and problematic businessman. Adam has mask on his face. Kahit na pinapakita nito ang interest sa mga bagay na natitipohan nito. Ang mga misteryosong mga mata nito iba ang sinasabi.
At pakiramdam n'ya hindi n'ya kailanman magiging kaibigan ang isang Adam Castillo.
NAKAUGALIAN n'yang buksan ang TV para manood ng balita.
Breaking News:
"Isa na naman pong karumal dumal na pagpatay sa isang Mayor sa lungsod ng........"
'Yon lang naman, ganoong klaseng balita lang ang inaabangan n'ya. Pero ganoon ba kabobo ang media para hindi nito mapag tagpi-tagpi ang lahat nang pangyayari?
Iniisip talaga nila na nagbago nang estilo ang tinatawag nilang si JADE? At kamakailan lang, nagbalik sa dating style?
At kung mapapansin nila, puro mga nasa gobyerno ang pinapatay nito.
Kung tutuusin ay kaya n'yang tapusin ng walang kahirap-hirap ang babaeng nasa balita, ang babaeng nababalot ng telang kulay itim ang buong katawan. Ikinagulat n'ya rin naman ang biglang paglabas nito lalo pa at nagkakalat ito.
Pero napapaisip s'ya na isa rin itong napagandang pagkakataon. Hindi s'ya kailanman nagpakita sa liwanag, hindi s'ya kailanman nagpakita ng mata, hindi s'ya kailanman nagtatrabaho ng walang presyo.
Kaya habang malaya ito, pakikinabangan n'ya ang pagkakaroon ng isang katauhan.
Pinatay n'ya ang TV at tiningnan ang kabuuan sa salamin. Sino nga namang mag-aakala na hindi s'ya ang babaeng nasa balita kanina? Dahil sa suot n'yang balabal bumalot sa kanya ay hindi kita oh hindi mahahalata ang hubog ng katawan n'ya.
Maingat n'yang inilabas sa pinto ng tila kubong bahay ang motor saka ito pinatakbo na parang walang bukas. May ilalayo pa ba ang ibig sabihin ng malayo? Gano'n kalayo ang bahay n'yang ito sa kabihasnan.
Makalipas ang halos tatlumpong minutong takbo ay umabot na s'ya sa pinaka-highway. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kaagad s'ya sa isang bahay na mala palasyo.
Nang pag-aralan n'ya ang paligid ay nagkalat dito ang mga bantay. Pero hindi s'ya sumusuong sa gyera nang walang bala. Gamit ang mga tinik ng bulaklak na rosas, binababad n'ya ito sa lason ng matagal at sa tamang layo ng posisyon, pinitik lang ito ng kanyang gitnang daliri at hinalalaki, sumakto itong tumama at tumusok sa katawan ng mga bantay.
Walang pag-aaksaya ng oras s'yang pumasok sa mismong main door ng bahay at wala s'yang nadatnang kahit na isang tao sa loob. At dahil alam n'ya kung sino, alam n'ya rin kung nasaan.
Dahan-dahan n'yang binuksan ang pintong nasa harapan n'ya at bumungad sa kanya ang isang opisina at ang lalaking halatang busy sa harap ng computer.
Gusto pa sana n'ya ng isang magarang entrance pero dahil nagmamadali s'ya dahil baka makita ng ibang guards nito ang natutulog na guards sa harap. Agad n'yang hinagis ang itim na bulaklak sa harapan nito kaya napatingala ito ng tingin sa kanya.
"Mr. 5 million," aniya at walang pagbabala n'yang itinarak ang tangkay ng bulaklak. Nagpupumiglas ito pero dahil nasa likod s'ya at nakatingala ito wala itong magawa hanggang sa tumagos sa batok nito ang mahabang tangkay na tinurok n'ya.
Pero bago pa s'ya makalabas sa silid na kinaroroonan n'ya ay umalingawngaw na sa lugar ang isang tunog at alam n'yang emergency alarm 'yon. Natawa s'ya ng mahina dahil naisip n'ya lang 'yan kanina ngayon nangyari kaagad.
Di man lang s'ya hinintay makalabas. Alam n'yang ang silid na ito ang unang pupuntahan ng kung sino man. Nang marinig ang takbo ng mga tauhan nito patungo sa silid na ito ay agad s'yang lumabas at pumasok sa ibang kwarto.
Nadatnan n'ya ang mga monitor nito kung saan konektado ang mga cctv. Isa-isa n'yang diniskonek ang lahat at lumabas doon na parang walang nangyari. Pero napaatras s'ya nang makita ang limang may armas na lalakeng nakabantay sa isang pinto palabas.
Inikot-ikot n'ya ang katawang nakadikit sa railing ng hallway ng bahay na to nang nakita s'ya ng mga ito at paulanan ng bala. Hanggang sa nakapagtago s'ya isang cabinet na nasa tabi ng bintana.
"What a luck," aniya at binasag ang salamin ng bintana at bago pa umabot sa kanya ang lumilipad na mga bala ng mga ito ay natalon na n'ya ang apat na palapag na 'yon mula sa bintanang 'yon.
Saktong paglapat ng mga paa n'ya sa lupa ay s'yang pag-alingawngaw ng tunog at pagbabadyang parating na ang mga police.
Mabilis n'yang tinakbo ang gate kung saan s'ya pumasok at mabilis na binigyan nang tag-iisang sipa sa ulo ang dalawang bantay dito and viola, bye bye.
Isang talon sa motor n'ya ay kaagad n'ya itong napaandar. Lumingon s'ya sa likuran nang diretso s'yang hinahabol ng patrol car habang pinapautokan s'ya ng mga ito.
Nahihinuha na n'ya ang naghihintay sa kanya sa dulo nang daang ito. Kaya alam n'yang hindi n'ya ito pwedeng baybayin. Panay ang pagpapaputok nito sa kanya kampante ang mga itong walang ibang madadamay dahil wala namang ibang dumadaan na sa oras na ito.
Mabilis n'yang minaobra ang manibela ng motor n'ya habang mabilis ang takbo nito at iniliko sa lupang daan. Sa dulo nito ay mayroong sa tantya n'ya ay isang metrong lapad nang sapa na nagsisilbing hati ng daan.
Mas binilisan n'ya ang takbo ng motor at tinalon ang sapang 'yon. Nakangisi n'yang nilingon ang humintong patrol car at naglabasan ang mga police na sakay nito para pahabulin sa kanya ang bala ng mga baril nito.
"Last 1 for tonight, see you there policemen," aniya sa sarili habang sumisilay ang malaking ngisi sa mga labi.
Agad sumeryoso ang mukha n'ya at hindi nag-aksaya ng oras saka pinaharurot ang motor. At dahil nag-iba s'ya ng daan kanina ay mas natagalan s'ya kaysa sa tantyadong oras nang dating n'ya sa panibagong limang million.
Ngayon ay nasa daan pa s'ya pero salamat nalang din pala sa eksenang 'yon kanina dahil kung mas napaaga s'ya ay baka naghintay pa s'ya sa kliyente n'ya.
Kakapasok lang ng kotse nitong dumaan sa gate ng subdivision habang s'ya naman ay paparating palang din na nanggaling naman sa kabilang daan na hindi nadadaanan nang mga sasakyan.
Gamit ang mukhang baril n'yang may balang JADE ay tinitira n'ya ang mga camerang madadaanan n'ya sa mga highway kaya naman ay wala s'yang kahit na anong kuha sa cctv. Na s'yang ginawa n'ya ulit ngayon habang hinihintay na mas makalapit sa kanya ang kotse ng kliyente n'ya
Nilagpasan n'ya ang bahay nito, ibig sabihin hindi na ito aabot doon. Nang makalapit sa kanya, finally, ay agad s'yang umalis sa motor n'yang nagtatago sa lilim ng isang malaking puno at hinarang ang katawan n'ya sa gitna ng daan.
Dinig n'ya ang tunog nang biglang pag break ng sasakyan nito. Hindi naman dikit-dikit ang bahay sa lugar na ito at sa pwesto nila ngayon walang nakatapat na bahay. So safe sound.
Hinihintay n'yang lumabas ito katulad ng eksena sa pelikula pero dumaan na ang minuto at ibon ay wala s'yang napala, walang lumabas kaya s'ya na mismo ang dahan-dahang naglakad papalapit dito.
Kinatok n'ya ang bintana ng sasakyan nito pero bumukas. Kitang-kitang n'ya kung paano ito nanginginig sa loob ng sasakyan habang nakayuko ang ulo sa at umiiyak.
Ganitong eksena ang pinaka ayaw n'ya. Akala ba ng mga tao ang ang luha ay kinakaawaan? Kahit kailan hindi mo ito magiging kasangkapan para kaawaan ka ng ibang tao.
Kinatok n'ya ulit ito pero hindi parin binuksan at nagsisimula na s'yang mainis. Kaya naman ay hindi na s'ya nagpaalam at binasag n'ya ang bintana sa may back seat nito.
S'ya na mismo ang nag unlock nang pinto at inimbitahan ang sariling pumasok sa loob. Nang magtama ang mga mata nila sa salamin ay mas lalo pa itong naiyak at lalo na nang ilabas n'ya ang itim na bulaklak.
"This will be very quick, para lang itong kagat ng langgam," mahinahong sabi n'ya saka agad na tinurok ang dulo nang tangkay nito sa lalamunan. "Sleep well, thank you for the 5 million," pinagpagan n'ya ang kamay at diretsong sumakay sa motor n'ya at umalis sa lugar na parang wala lang.
Wala naman s'yang galit sa mga ito. In fact hindi n'ya personally ito kilala, sadyang nag eenjoy lang s'ya sa trabaho at kumikita s'ya eh. Easy millions!
PAGOD AT GALIT ang naghahalo ngayon sa isipan at katawan ni Earl.
Hindi na n'ya mabilang sa daliri ang mga nabawian ng buhay ng nagngangalang JADE.
Hindi na s'ya sumama sa pag responde ng mga tauhan n'ya nang malamang natagpuang patay ang negosyanteng lalake sa loob ng study room nito.
Naitabi na kamo ng mga ito ang naiwang ebidensya at dadalhin 'yon sa kanya mamaya bago ma transfer sa nbi. Ngayong alam na n'ya na hindi lang iisa ang babaeng nagtatago sa itim na telang bumabalot sa buong katawan. Nangangapa na naman s'ya kung saan s'ya magsisimula.
Hindi pa n'ya pwedeng sabihin sa madla ang nalalaman dahil wala s'yang matibay na ebidensya, hindi n'ya pwedeng sabihin ang magkaibang estilo nito sa pagpatay dahil parehas ito nang ginagamit na kasangkapan sa pagkitil ng buhay.
At ayaw n'yang isipin ng mga tao na nililihis n'ya ang imbestigasyon.
Nanlaki ang mga mata ni Lt. Lopez nang iabot n'ya dito ang folder na naglalaman ng report n'ya.
"Mahirap patunayan ito," sambit ng kaibigan.
"Alam ko, pero mapapatunayan ko ang bagay na 'yan, iwasan mong may ibang makakaalam," aniya saka kinuha ang bond paper na naglalaman ng impormasyong 'yon at itinapon sa basurahan ng punit-punit.
"Kung ganoon dalawa ang JADE kaya possible rin na dalawang magkaibang mukha 'yong nasa likod ng maskara," dinig n'yang sabi nito. "Or pwede ring iisang mukha dalawang estilo, pwede n'ya tayong lituhin," dagdag pa nito.
Naisip n'ya na ang bagay na 'yan noon pero sigurado na s'yang iisa lang ang totoong JADE at 'yon ang nakakatakot na tahimik sa dilim. Ang JADE na lumalabas sa liwanag ay natawag lang na JADE dahil sa pareho nilang suot at sa paggamit nito ng itim na bulaklak.
Pero kung sino man ang ibang babaeng nasa likod nito, pabor sa totoong JADE ang paglabas nito. Nitong mga nakaraan ay nagparamdam ulit ang totoong JADE at ito ngayon, ayon sa balitang sinabi sa kanya.
"Hindi po s'ya nanlaban major, tuloy-tuloy lang po ang takbo ng motor n'ya hanggang sa makawala sa 'min," report ng isang police. Tinangoan n'ya lang ito.
Kung hindi nanlaban, si JADE 'yon, ang totoong si JADE.
Sa maraming beses na n'yang nakaharap ang tinatawag na si JADE isa sa mga bagay na pinagbabasehan n'ya ay ang pagiging agresibo ng Jade na nagpapakita sa liwanag.
Nakalaban man n'ya sa hand to hand combat ang JADE noon pero hindi ito nakipag palitang ng putok sa kanya kailanman. Oo at binaril na s'ya nito gamit ang sarili n'yang baril at nakipag habulan na s'ya dito.
Pero ang Jade na lumalabas ngayon sa sinag ng araw, nakikipag palitan ito ng putok kahit nasa dagat ng tao.
Hindi ito matatanggap ng mga biktima, hindi nila maiintindihan ang naging observation n'ya at ayaw n'yang kuyogin s'ya ng media kaya gagawin n'ya ito mag-isa. Iaatas n'ya sa team n'ya ang mga bagay na familiar ang mga ito. Maliban sa bagay na may kinalaman sa pagkakaiba ng dalawang babaeng nasa likod ng parehong maskara.
Familiar ang mga mata nito nang makita n'ya ito unang beses, pero ayaw n'yang isipin na ito nga 'yon. Baka kahawig lang, unang-una, impossibleng nandito s'ya sa lugar nila, pangalawa, impossible lang talaga.
Bumaba sa 20/100 chance na mahuhuli n'ya ito. Ayaw n'yang umasa pero gagawin n'ya parin ang trabaho n'ya. Nasa kamay n'ya ang kapangyarihan para ilagay ang mga ito sa loob ng rehas at seseguraduhin n'ya ang bagay na 'yan, kahit na alam n'yang malabo.
Ngayon, tingnan natin kung sino sa dalawang JADE ang unang mahuhulog sa mga kamay n'ya.