"Jaq," tumayo si Casper at lumapit sa kanya saka s'ya niyakap ng mahigpit. Narinig n'ya ang mahinang hikbi nito kaya hinaplos n'ya ang likod ng binata. Nakita n'ya ang ina nitong tumingin sa kanila na tila nagtataka. Nga naman, hindi naman s'ya nito kilala. Tapos makikita s'ya ngayon na yakap-yakap ang anak nito. "I'm sorry for your loss, Casper," mahinang sabi n'ya sa binata. Napalingon s'ya sa gilid nang may dalawang biglang yumakap sa kanilang dalawa at nakita n'ya ang umiiyak na sina Demi at Lyka. "Oh my God, Jaq! Mabuti naman okay ka, nag-alala kaming lahat." naiiyak na sabi ni Lyka. Ikinakalas n'ya ang pagkakayap ng dalawa para makaayos ng tayo. "Casper," Sabay-sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses na nagbanggit ng pangalan ng binata. Nakita nila ang nagtatakan

