Chapter 13

2069 Words
Isang babae ang nakatutok sa monitor ng kanyang TV habang pinapanood ang sagupaan ng mga police at ng babaeng kilala bilang si JADE. Habang sumisimsim ng mainit na kape, sumilay ang mga ngiti sa labi nitong nanunood ng balita. Hindi man kita ang mukha ng babaeng si Jade sa camera, hindi man halata kung sino ang babaeng 'yon. Napapangiti s'ya gayong lumalabas na pala ang sikat na si Jade. Sinabi pa sa balita ang dalawang magkapatid na babaeng biktima at nadamay sa gulo. Dead on arrival ang dalawa. Hindi n'ya ikinagalit ang balitang lumabas bagkus ay ikinatuwa nya ang bagay na 'yon. Nakatakas ang babaeng si Jade pero hindi malabong lalabas ulit ito. "Darating ang araw na maghaharap tayong dalawa, Jade" she mumbled bago tapusin ang natitirang kape sa tasang hawak nito. "Patayin n'yo na ang demonyong babaeng 'yan! Bakit malaya pang nabubuhay yan. Napaka demonyo n'ya, wala syang puso! Wala man lang pagdadalawang isip nyang kitlan ng buhay ang mga anak ko! Kababae nyang tao, tatlong buhay ang kinuha n'ya ngayong araw! Ikaw Jade, sinusumpa kong kahit kailan ay hindi ka magiging masaya! Tutugisin ka rin ng konsensya mo..... Paano ka nakakatulog sa gabi? Bahala na ang Panginoon magpaparusa sa'yo dahil pagdating ng oras na 'yan sigurado sa empyerno ang punta mo!" Nawala ang buhay sa mga mata n'ya habang pinapanood ang hinagpis ng ginang sa tv na nagsasabing anak n'ya ang mga babaeng napatay ni Jade. 'Konsensya?' aniya sa isip at umiling. UMIIGTING ang panga ni Earl habang nakaupo sa upuan n'ya at ramdam ang inis at galit. Mainit ang eksenang 'yon. Nasa harapan n'ya na ang taong dalawang taon na nyang hinahabol. He could've shot her! Bakit hindi pumasok sa isip n'ya na possible ding saktan ng babae ang bata. Nagawa nitong barilin ng walang pag-aalinlangan ang kapatid ng bata sa harapan nila.....sa harapan n'ya! Pero nangibabaw pa rin sa kanya na baka bibitawan nito ang bata kung sakaling hindi siya maging aggressive. Pero na mali ang calculation n'ya. She just perfectly slashed the kid's throat and scaped. Damn! Wala sa sarili nyang nahampas ang mesa sa frustration at napapasabunot ng buhok. "I missed up!" Napatingin sa kanya ang ilang tauhan pero hindi n'ya pinansin ang mga 'to. Ito ang unang pagkakataon na harap-harapan syang natakasan ng suspect! "Major" Napatingin s'ya sa hinihingal na si Biel. "Any updates?" Umiling ito at nagbuntong-hininga, doon palang ay alam na n'ya ang sagot. Inasahan na n'ya ang bagay na 'yon, alam n'yang makakatakas ang babae. Matalino 'yon kaya alam nito na possibleng paaabangan s'ya nito. Hindi na nagulat si Earl sa narinig pero ramdam n'ya ang galit.  "Hanggang ngayon ay walang Jade na nakita sa lahat ng bahagi na pwede dadaluyan ng tubig." Napapikit s'ya ng mariin at napamura ng maraming beses sa isip, "nakaharap ko na ulit sya, abot kamay pero nakawala na naman." he gritted his teeth. "Sa susunod na makasalubong oh makaharap natin si Jade sisiguraduhin kong mahuhuli na natin s'ya. Forgive this time bro, may ganitong panahon talaga," Biel response, sighing.  "I can't, tatlong buhay ang kinuha n'ya ngayon araw. Naghihintay na ang selda sa kanya," madiing sabi n'ya. "The one was a target," napatingin s'ya sa kaibigan sa sinabi nito. Tumango s'ya bilang pagsang-ayon. Clearly, that was planned. He was shot from the right wing and Jade ran through the left wing. She could've perfectly scape kung hindi s'ya dumaan sa medyo may mga tao. Someone saw her ran through off the restaurant. Hindi siguro 'yon inasahan ni JADE kaya medyo kampante s'yang naglalakad at pumasok sa cubicle.  But this one is very alarming. Jade never did a scene like that. Hindi pa s'ya nagpapakita sa umaga. Ito ang unang maduming galaw ng isang Jade. Hindi pa ito kailanman pumatay sa pam-publikong lugar. Napahilot si Earl sa noo n'ya kakaisip. Nababahala s'ya sa ibig sabihin ng pagpakita nito sa mga tao. Nasisiguro n'yang sadya ang lahat ng 'yon. At nasisigurado n'ya rin na hindi ito ang huling magpapakita ang babae sa mga tao. Kitang-kita ng dalawang mata n'ya kung gaano ka walang kaluluwa ang Jade na 'yon. Kung paano nito kinitil ang buhay ng mga tao na parang lamok lang. Bumuntong hininga s'ya habang inaalala sa isip ang hugis ng mga mata nito. Iisang tao lang nakita n'yang may kaparehong mata ng Jade na nakaharap n'ya ngayong araw. SAKTONG PAGBABA ko ng tricycle ay nakita ko ang sasakyan ni Earl na nakaparada sa tapat. "Bayad Mon, oh," inabot ko sa kanya ang benteng hawak ko. "Salamat," nginitian ko s'ya pabalik ng ngumiti ito sa akin saka ako naglakad. "Jaq," tawag nito bago pa ako makalayo. Lumingon ako sa kanya ng may nagtatanong na tingin. "Sino yan?" sinundan ko ng tingin ang daliri n'yang nakaturo sa kung saan. Napatawa ako ng pagak ng makita ang itinuturo nito, "ah 'yan, kaibigan ko," nakangising sabi ko. "Si Kara lang kaibigan mo eh," nakangusong sabi n'ya. Napahinto ako ng marinig ang pangalan ng kaibigan ko. Hanggang ngayon ay 'di n'ya pa rin ako kinokontak. Ano na kayang balita sa babaeng 'yon. "Wala na si Kara dito eh. Kaya may bago akong kaibigan," sagot ko at tumalikod na, di s'ya hinayaang makapag tanong pa ulit. Sinilip ko ang sasakyan ni Earl pero dahil dark tinted ito ay wala akong nakita sa loob pero panigurado nasa taas na 'yon. Binigyan ko din s'ya ng spare key ng bahay ko katulad ng pag register n'ya ng finger prints ko sa pinto ng penthouse n'ya. "Dumating ang boyfriend mong Police, Jaq," nakangising sabi ng landlady ko. Tumaas ang kilay ko at ngumiti ng hilaw. Chismosa ka ate? "Sige po salamat," di ko na pinuna ang sinabi n'yang boyfriend at baka magkaroon pa ng follow up question. Umakyat na ako at napangiti nang makita ko ang isang pares ng sapatos sa shoe rack na nasa labas. Malaki ang ngiti kong binuksan ang pinto, "hi, Im------" nabitin sa ere ang gusto kong sabihin nang makita s'yang nakaupo sa maliit na sofa at may malalim na iniisip. Pagod ang mga mata neyang tumingin sa akin. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya. "Hi, how's class?" aniya at pinilit ngumiti. "Fine, are you okay?" nag-aalala kong tanong. Tumango ito at ngumiti ulit pero halata namang hindi 'yon totoo. "Yeah" "I'm not buying that." He smirk not a sarcastic but disappointed one. Kinuha n'ya ang kamay ko at pinisil 'yon, "have you eaten?" Napasimangot ako dahil akala ko sasabihin n'ya ang kung anong bumabagabag sa kanya. Instead, nagtanong pa nga kung kumain na ako. "Hindi pa, kumain ka na ba?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya.  "I had a feeling na hindi ka pa kumakain so I didn't eat yet. Let's eat?" Tumango ako at s'ya na ang nag-ayos ng mga binili n'yang pagkain. May take out na pala s'ya kaya 'di ko na kailangang magluto. Mamaya ko nalang s'ya kukulitin sa kung anong gumugulo sa kanya at parang wala s'ya sa mood. Nagsimula na kaming kumain. I can't help it napapatingin ako sa kanya and he seems lost. Pinilit kong ubusin ang pagkaing nasa plato ko nang makita kong natapos na agad s'ya sa ilang subo. "Haven't you read the news yet?" bigla n'yang sabi pagkatapos ko isubo ang huling kutsara ng pagkain ko. Sumandal s'ya sa sandalan ng upuan at tumingala sabay ang paghinga ng malalim. Tumayo ako at hinawakan ang kamay n'ya para dalhin s'ya sa may sofa. Mamaya ko nalang liligpitin mga pinagkainan namin pagkatapos mag-usap. He badly looks like he needs someone to talk. What is this? Is this work? Personal? Or something? Hindi pa kami nag-uusap tungkol sa iilang personal na bagay. Hindi pa namin nagpag-uusapan ang tungkol sa buhay-buhay. Ang alam lang namin sa isa't-isa ay kung anong nakikita namin sa araw-araw. "Jade managed to escaped from me, once again," aniya bago pa ako makapagtanong  at hinilot ang sintido. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya, "kanina?!" gulat kong reaksyon? "Nagpakita s'ya ng umaga?" "Press are nagging me out. Asking what did I do ang let Jade escaped. She killed two innocent civilians in front of me. I'm working on this case hard so I don't want this case removed from me for the rumors that I'm neglecting my duty." Tahimik akong nakatingin sa kanya at inaaral ang bawat salitang binibitawan n'ya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin na possibleng magpapagaan sa loob n'ya. Wala akong mahanap na tamang salita. Kaya hinawakan ko nalang ang kamay at pinisil 'yon. He looked at me and smiled. Kapag may gan'tong mga pagkakataon kaya s'ya noon, sino ang kausap n'ya?  "You can catch her next time," I tried my voice to sound like convincing. He sarcastically smirk and look down, "I always said that to myself. She's a girl, kaya akala ko noong una madali lang s'yang mahuli. I faced him before in the dark and she perfectly beat me to escape. Now, she uses two lives as an Ace for escape. That means, marami pa s'yang pwedeng gawin para makatakas sa batas." Tumayo ako at kumuha ng apat na bote ng san mig light sa ref. Ngumiti akong pinakita ang apat na boteng iniipit ko sa daliri. Napailing s'ya pero inabot at ang isa at binuksan. "Ikaw ang tinatawag nilang pinakamatinik na police kaya impossibleng kukunin nila sa'yo ang kaso. Malabo 'yon. Sa mga nagdaang humawak sa kaso ni Jade wala pa sa kanilang nakaharap sa kanya hindi ba?" Naningkit ang mga mata ko nang nakita kong nakatingin s'ya sa akin ng mariin. Amused. "How did you know that?" Inismiran ko s'ya at pinitik ang tainga. "That's all over the internet. Nag search pa ako lalo para mas malaman ang history ng mesteryosang si Jade pero 'yong mga report lang ang nakita ko. No personal background." "She's a stand alone killer, wala pang nababalita na galing s'ya sa isang grupo oh ano. Noong binigay nila sa akin ang kasong 'to matapos ko malipat dito ay walang kahit na anong information tungkol sa kanya bukod sa isa s'yang babae." Matamaan ko s'yang tiningnan at kitang-kita ko sa mga mata n'ya ang kagustuhang mahuli si Jade. Determinado s'yang matatapos ang kaso sa mga kamay n'ya. Tinungga ko ang boteng hawak ko at binuksan ang isa pang bote na para sa akin. "Would you rather kill her or catch her alive?" He sigh and breathe, lean on and stretch his legs in the mini table. "At first, I want to catch her alive. I believed I can catch her alive. She has to pay everything in prison and the die there." Natutuwa ako sa naging takbo ng usapan naming 'to. Jade is very confidential case, yet he's opening her to me. Hindi ganoon kalalim but still, he said his frustration out. He let me hear about Jade. "Anything that changes in mind?" Tumingin s'ya sa 'kin ng mas seryoso. "Yes." "So you'll gonna kill her to catch her." "If I have to. If I have no choice. It's against the protocol to kill a suspect if they're not showing any harm." "She's a wanted." "Still......." he insist. "What scared me is that, she's smart. She would probably think that I'd do anything next time to make her fall on my traps." "You can make her. Kaya mo." Naiintindihan ko ang ibig n'yang sabihin. "Wala bang nanggugulo sa 'yo?" Kumunot ang noo ko at umiling. Ayaw ko ng sabihin ang mga ilang beses na pagpaparamdam ng hindi ko alam kung sino noong nakaraan para hanapin sa akin si Jade. Ang nakakapagtaka ay bakit sa akin? "Pwede ka n'yang gamitin bilang panangga sa 'kin. Kapag nalaman n'yang malapit ka sa 'kin. Ayaw ko ng maulit pa ang mga nangyari noon." "Hindi n'ya ako magagalaw. Kaya kong protektahan ang sarili ko. Wag kang mag-alala sa 'kin. Mag focus ka sa trabaho." "She's being aggressive now. She's showing herself in the crowd now." "Pero paano n'yo nalaman na si Jade 'yon?" My question caught him. He sit properly and think about my question. Bigla s'yang napaisip na para bang may inaalala. Agaran n'yang nilabas ang cellphone at nagtipa doon. Pinagmasdan ko lang s'ya sa ginagawa n'ya at parang ang tanong ko na 'yon ay nagbukas pa ng panibagong tanong. "Her signature black rose. Iniwan n'ya sa kung nasaan s'ya pumwesto bago targetin ang main target n'ya." "That's her signature?" "Yes. But I have to check about it tomorrow. That bothers me now. At my isang bagay pang gumugulo sa isip ko." "What is it?" Hindi ko inasahan ang sunod n'yang sinabi. Nakuha noon ang atensyon ko. "Her eyes looks familiar."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD