NAPA-SMIRK SI Kara habang wala namang emosyon ang mga mata ni Jaq habang pareho silang nakaharap sa mga laptop nila at nanonood ng balita. "Ganito ka determinado ang mga Police na makuha ang 120M sa ulo mo?" dinig n'yang saad ng kaibigan. "120M sa ulo natin," pagtatama n'ya dito. "Hindi pa nagsusumbong si Adam, or possibleng nagsumbong na hindi palang alam ng media," dagdag n'ya. Narinig n'ya ang pagbuntong hininga ng kaibigan. "I'm sorry, Jaq. Kung alam ko lang na alam ni Adam ang tungkol sa pagiging JADE mo, sana pinagpali---" "Ipagpaliban man natin oh hindi, pareho lang 'yon, kagabi man, mamayang gabi oh bukas ng gabi, pareho lang din 'yon. Darating pa rin talaga ang oras na malalaman at malalaman nilang lahat ang tungkol sa totoo kong pagkatao," sabi n'ya habang may pino at peke

