Chapter 9

2635 Words
NANINGKIT ang mga mata ng dalagang may suot na maskara ng makita ang isang pamilyar na mukha sa family portrait na nakasabit sa dingding ng bahay na kinaroroonan n'ya ngayon. Pino ang kanyang mga lakad at hindi maririnig ng sino man ang bawat paglapat ng paa sa kumikislap nitong tiles. Alas 2 ng madaling araw at tahimik ang buong mansyon. Nasisiguro n'yang hindi pa natutulog ang lahat ng tao dahil na rin sa iilang ilaw na umaaninag sa pintoan ng ilang nadaanan n'yang silid. Dahan-dahan n'yang pinihit ang bakal na hawakan ng pinto para mabuksan ito, umusbong ang kasiyahan ng matamaan ang dahilan ng kanyang pagpunta sa lugar. Napangisi s'ya ng umungol ito. Inilapat n'ya ang dulo ng hawak n'yang tangkay sa tainga nito at kumunot ang noo bago dahan-dahang bumukas ang isang mata. Ng makita s'ya ay dumilat na ito ng tuloyan. Sa una ay pansin n'yang naguguluhan ito pero ng itaas n'ya ang bagay na nasa kamay n'ya ay nanlaki ang mga mata nito at nabuhay ng takot sa mukha. Akmang babangon ang kaharap ngunit mabilis n'yang naipatong ang paa sa bandang t'yan nito. Mahinang umungol ito at naapayos ng higa. Hindi n'ya ito ginagawa pero sa oras na ito ay parang gusto n'yang paglaruan ang kaharap. "A-anong gi-gina-gawa m-mo di-to?" nanginginig ang boses nito sa takot. Hindi s'ya namangha doon pero wala rin s'yang maramdaman na kahit na ano. Hindi n'ya ito sinagot dahil nawalan na s'ya ng ganang pag tripan ito. "Any last words?" bulong n'ya na lalong nagpabuhay sa takot nito. "S-sino ang n-nag-pa-dala sa'yo di-dito?" nauutal na sabi nito pero bakas sa boses ang galit kahit natatabunan ng takot 'yon. Umiling s'ya dito at walang awang tinarak ang dulo ng hawak n'yang tangkay. Umingos ang lalake at umiri ng diinan n'ya ang hawak. Bumakas ang maraming dugong nanggaling sa leeg nito sa hinihigaang puting kobre kama. Hinahabol nito ang hininga at hindi n'ya pa rin tinatanggal ang nakaturok ditong tangkay na hawak-hawak n'ya. "M-my do-daugh-ter" nauubong sabi ng lalake at lumalabas na sa bibig nito ang dugo. Saktong paghugot n'ya sa tangkay na hawak ay ang pagkawalan ng buhay ng kaharap. Mabilis s'yang kumilos pero bago lumabas ipinatong n'ya sa bangkay nito ang ginamit na tangkay sa pagkitil ng buhay na may magandang bulaklak, ang itim na rosas. "My account is getting feed, " nakangising sabi n'ya. SUMUSUNOD LANG ako kay Kara habang naglalagay ng kung ano-ano sa cart na tinutulak ko. Chips and everything. "Bakit ang dami ng pinamimili mo?" "Walang pagkain sa bahay mo kaya dapat mag stock ka, " wala sa sariling sagot n'ya dahil ang mga mata n'ya umiikot sa buong grocery store habang ang mga kamay n'ya busy sa paglalagay ng mga pagkain oh ano pa sa cart. "Wala akong paglagyan ng mga 'yan doon, baka dagain lang yan." "Edi bumili ng lagayan." Laglag ang panga ko sa sagot n'ya. Pangalawang cart na namin 'to at napupuno na rin. Tumigil ako sa pagtulak ng mag ring ang phone ko. Napangiti ako ng makita ang pangalan ng caller. ("Hi, are you busy?") wala talagang hi hello ang isang 'to. "Uhm...kinda. Nasa grocery store ako kasama si Kara." ("Sure. Tumawag lang ako since nasa labas ako. I thought you were free.") he chuckled kaya napanguso ako. "Sorry. Babawi nalang ako." What? ("You surely will.") Sasagot pa sana ako ng may magbagsak ng limang balot ng yakult sa cart at walang pasabing hinablot ang phone kong nakadikit sa tainga ko at pinatay ang tawag. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya at hindi makapaniwala. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa akin hawak ang cellphone ko na inaabot n'ya sa'kin. "Seriously Jaq! Lingon ako ng lingon dahil akala ko nakasunod ka sa 'kin pero wala ka. Nandito kalang pala nakikipaglandian over the phone," nakapamewang at masungit na sabi nito. "Kara, una sa lahat, mabigat na yang cart, awat na. Pangalawa, hindi ako nakikipag landian. May tumawag lang." "Boyfriend mo na 'yon?" mataray n'yang tanong.  "What? No!" "Mahirap ang walang label," pang-asar na sabi n'ya at tinulak ang cart. Inirapan ko lang s'ya at di pinansin. Magkaibigan lang kami ni Earl. Nothing more, nothing less. "Hoy! Kaninong cart yan?" habol ko sa kanya ng pinakialaman n'ya ang isa pang cart. Nag-angat s'ya ng tingin at ngumiti may pag kindat pa! "Our third cart," casual na sabi n'ya lang. Tiningnan ko ang laman at nakita ko ang mga gamit sa cr at mga panligo. Take note, mga gamit ko lahat! "Isang taon ko atang supply yan!" Parang nawala sa sarili kong sabi. Nagulantang ako sa dami. Di kaya mag expire nalang ang mga 'yan di ko pa maubos? "Talaga? Gusto ko sanang dagdagan pa kaso baka mag expire lang at di mo agad maubos. Kaya 1 year supply nalang. Ay, oo nga pala. Wait!" Sinundan ko s'ya ng lumiko s'ya sa may alcohol section at pagbalik n'ya ay tulak-tulak n'ya na ang isang panibagong cart na panay inumin ang laman. Holy s**t! "Bibitayin mo ba ang sarili mo?" gulat kong tanong habang nakaturo ang daliri sa cart. Tumawa lang s'ya at walang sinabi. Inayos n'ya sa pila ang apat na cart na nakuha n'ya. Napapayuko ako ng tingnan ng ibang tao ang isang cart ng alak. "This will be a long night! Linggo bukas kaya walang pasok," she giggled in excitement. "Di ako iinom." Inikotan n'ya ako ng mata kaya hinampas ko s'ya sa balikat pero binilatan lang ako. "Wag kang magpanggap! Mas malakas ka sa alak kaysa sa 'kin," napanguso ako dahil totoong mas mataas ang alcohol tolerance ko. Pero hindi ako ganyan karami uminom! Tinulongan kami ng ibang boy na ilagay sa sasakyan n'ya ang boxes ng mga pinamili namin. Naka tatlong malalaking boxes kami sa mga goods at tatlong boxes din ng iba't-ibang klaseng inumin. "Salamat kuya." "Walang anuman po ma'am," ngiting matamis ng isang bagger na tumulong sa 'min. "Wag kang mag ka crush d'yan kuya, mamamatay ka ng maaga," natatawang sabi ni Kara. Kinununotan ko s'ya ng noo at napatingin kay kuyang bagger na namula sa hiya at napakamot sa ulo. "Sige ma'am, salamat po," anito bago kami tinalikuran. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kara at sabay humalakhak. "Sira-ulo ka! Pinahiya mo 'yong tao." "Duuh, halata namang manyak! 1000 times low version ni Adam." Pareho kaming tumatawang pumasok sa sasakyan n'ya. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang dalawang bulto na nasa harap ng gate ng bahay ko. Nagmadali akong lumabas ng saktong maipark ni Kara ang sasakyan. "Anong ginagawa n'yo dito?" Laking gulat kong kinakausap ang dalawang agaw eksena dito sa lugar namin. Halos lahat ng kapitbahay ko ay nakatingin sa kanila. Sino ba namang hindi. Parehong naka uniform pa ang dalawa at sa kabilang gilid ng kalsada naka park ang mamahalin nilang mga sasakyan. "Oh, nauna pa nga kayo sa 'min. Pakitulongan naman kami sa mga box please," casual na sabi ni Kara sa dalawa kaya napatingin ako sa kanya. She just gave me a smile and a wink! Nakatulala lang ako habang isa-isang binubuhat ng dalawang lalake ang naglalakihang boxes na pinamili namin at inakyat sa 4th floor! "Tingnan mo ang biceps nilaaa," kinikilig na sabi ng kaibigan kong kakatayo lang sa tabi ko. "Paano mo napapunta ang mga 'yan dito?" madiing tanong ko. "Well, I texted Lieutenant Lopez." Lieutenant Biel Lopez, isa sa mga officer ng team ni Earl at nakilala namin s'ya noong pumunta kami sa presinto. "Text mate na agad kayo? Sana sinabihan mo muna ako.....di ko pa napaakyat d'yan si Earl eh," mahinang sabi ko na ikinalaki ng mga mata n'ya. Napanganga s'yang bumaling sa 'kin at napatakip sa bibig. Napanguso ako at yumuko. "Last box!" Lt. Lopez said, shouting. "For real?! Oh My God! I'm sorry! Hindi ko alam! Matagal na kayong lumalabas, hindi mo pa s'ya pinapunta dito sa bahay mo?" Umiling ako, "hanggang doon lang sa may 711." "Napaka mo! Halika na nga! Kausapin natin ang dalawang 'yon. Baka kaya di na bumaba si Major dahil baka akala n'ya paaalisin mo!" "Mauna ka nang umakyat, kakausapin ko lang ang landlady ko. Binigla n'yo ko!" Nauna s'yang umakyat at ako naman ay nilalapitan ang nakasilip sa bintana kong landlady. Nasa first floor sila ng tinitirhan ko mismo. Ang maganda lang kasi sa apartment na 'to, hindi mo maiistorbo ang ilang kapitbahay. Which is sobrang nagugustuhan ko. "Bakit may mga pulis na umakyat sa taas Jaq?" mahinahon na sabi ni manang Perri. Ngumiti ako ng tipid. Nakakahiya kasi na saka ko lang ipaalam na nakaakyat na sila. "Ahm..mga kaibigan po namin ni Kara manang." "Mukhang matataas ang ranggo ng mga kaibigan n'yo," anito. "Uuwi din po sila manang." "Wala namang problema, 'wag lang magkalat ng mga basura sakaling mag-inom kayo, ha." Ngumiti ako dahil alam n'yang mag-inom kami. Well, kitang-kita naman sa mga boxes na inakyat ng dalawang lalake kanina. Umakyat na ako at nakita ko agad ang dalawang lalake na nakaupo sa may lamesang kainan. "Bawal ba kami dito?" agad na tanong ni Lt. Lopez. "Anong bawal? Hindi!" si Kara ang sumagot. "Sorry for coming without telling you. Kara told us to surprise you," tipid na ngiting sabi ni Earl. Nahihiya ako sa kanya dahil ako nakapunta na sa penthouse n'ya samantala s'ya kahit sa harap ng gate di ko pinapapunta. Nagpapa-hinto lang ako sa may 711 sa may kanto. Ngumiti ako't tumango, "okay lang, nakapunta ka na nga dito," tumawa ako para hindi maging awkward. "Yeah." Lumapit si Lt. Lopez kay Kara at tumulong maglinis ng biniling liempo para daw ihawin. Lumabas si Earl sa may balcony kaya sumunod ako sa kanya. Nakita ko syang tinitingnan ang paligid bago lumingon sa'kin. "Safe ba dito kapag gabi ka na umuuwi?" "Oo naman. Tsaka, kilala naman nila ako dito at friends ko 'yong mga tumatambay dyan sa labas pag gabi." Kumunot ang noo n'yang tumingin sa 'kin. "Bakit?" tanong n'ya. "Anong bakit?" "Bakit ka friends sa kanila?" "Kasi di ako pumapayag na pag-tripan nila noong una kaya nakasanayan na rin nilang tawagin akong astig," natatawa kong pagbalita sa kanya. "Uhm..nga pala, pasensya ka na kung di kita pinapa diretso dito ah." "I understand, I know you have reason." Tumango ako at napangiti. Tumingin ako sa kabuuan n'ya at para akong nakaharap sa batas dahil sa suot n'yang uniform. "Wala ka bang dalang pamalit?" Napatingin s'ya sa sarili at mahinang natawa. Pinagpagan ang balikat saka tumingin sa 'kin. "Sa sasakyan ko meron." "Kukunin ko?" "Yes please," Inabot n'ya ang sa akin ang susi. Hindi naman ito ang unang beses na bubuksan ko ang sasakyan n'ya. Hindi ko alam pero binigyan n'ya ako ng access dito, pinag-dadrive ako pati sa motor at sa penthouse n'ya, naka register ang finger prints ko. "Samahan nalang pala kita," singit n'ya ng akmang papasok ako sa loob ng bahay. "HOY! SAAN KAYO PUPUNTA?" sigaw ni Kara mula sa kusina ko. "Kukunin ni Earl ang damit pamalit n'ya sa kotse n'ya." "Major, makikisuyo din sa 'kin," pahabol ni Lt. "Bumaba ka asshole!" asik ni Earl dito at hinila na ako pababa. Natawa ako kaya pinitik nya ang tungki ng ilong ko. "Masakit!" "You're cute!" Inirapan ko s'ya at sumilay ulit ang ngiti sa labi n'ya. "Sana sinabay mo nalang 'yong kay Lt. para di na s'ya bababa, busy pa naman ang dalawang 'yon sa kusina." "Matanda na 'yon, kaya n'ya na ang sarili n'ya." Nakabalik kami sa taas ng di ka n'ya kinuha ang damit ni Lt. Ngumuso ito ng makita kami at ng makitang nakabihis na si Earl. Sumusubo ng buto ng liempong naihaw na. "Dapat sa veranda ka na nag-ihaw Kara! Mapupuno tayo ng usok dito!" taranta kong sabi. "Oo nga no! Biel, buhatin mo nga 'tong ihawan," natatawa nyang utos sa katabi. Napatitig sa kanya si Biel na para bang nagbibiro ito. "Are you serious? Mainit yan!" "Kaya nga may gloves dyan oh!" asik naman ng kaibigan ko at hinagis ang gloves kay Lt. Lumipat ang tingin ko kay Earl at tumaas ang kilay ko ng makitang nakatingin ito sa 'kin. "Yes? Nagagandahan ka ba sa'kin?" sumilay ang ngiti sa labi nito kaya napalunok ako sa di malamang dahilan. "You're indeed a beauty." Sagot n'ya. Sinimangutan ko s'ya at lumapit sa mga busy-ing nag-ihaw. "Oh? Bakit ka nandito?" Mataray na salubong sa 'kin ng kaibigan ko. "Makikikain ako ng inihaw." "Ulol! Mamaya na!" "Nagugutom na ako eh." "We brought foods," singit ng lalakeng biglang tumayo sa gilid ko. Lumingon ako dito at mataman itong nakatingin sa 'kin. "Talaga?" Tumango ito at hinawakan ang kamay ko papuntang kusina, nakita ko nga ang isang balot na may label ng isang restaurant name. Familiar to! Dito kami dinala nila Adam at Enzo noong nakaraan. Bigla akong naglaway kaya inilabas ko na ito sa paperbag at sinimulang kainin! "BUSUGIN MO YAN MAJOR! MALAKAS SA PULUTAN YAN KAPAG GUTOM!" dinig kong sigaw ni Kara na ikinatawa ng dalawang lalake. Sinamaan ko ng tingin si Earl na natatawang nakatingin din sa 'kin. "Ano?!" Maangas na tanong ko. "Ms. Pulutan ka pala eh," asar n'ya. "Sinisiraan lang ako ni Kara." "Sabi mo eh, pero anong mayro'n? Bakit ang dami nyong pinamili?" tanong n'ya at sinusulyapan ang mga boxes na nakasarado pa. Bukas na pala ang dalawa, 'yong may mga lamang karne at isang box ng alak na inilipat na sa ref. "Stock ko daw yan." "Stock? Why?" Nag kibit-balikat lang ako at tumuloy na sa pagkain. "Ayan! Kumain ka na at magpakabusog ka para di kawawa pulutan natin," biglang pasok ni Kara para kumuha ng pinggan. "Why is she mad at you?" bulong ni Earl na ikinatawa ko ng mahina. "Hindi s'ya galit sa'kin. Inlove sa 'kin yan." "What? She's lesbian?" gulat nyang tanong pero mas ako nagulat kaya bigla s'yang nag panic para abutan ako ng tubig dahil literal na nalunok ko bigla ang isang hiwa ng manok ng 'di nanguya sa gulat. "Gago ka! Papatayin ka n'yan pag narinig ka," sabi ko sa gitna ng pag-ubo at habang pinapaypayan ang sarili. "You said, she's inlove with you." "Not romantically inlove!" "Tss" "Everything's ready!" umalingawngaw ang boses ni Kara ng sa loob kasunod si Lt. na bitbit ang isang tray na may lamang inihaw. Ang bango! Tatayo sana ako para kumuha pero pinigilan ako sa kanang braso ni Earl at sa kaliwa si Kara samantalang nilalayo naman ni Lt. ang hawak n'ya mula sa 'kin. Gulat kong tiningnan sila isa-isa. "Ano?" "May pagkain ka na d'yan. Pulutan 'yon, hindi ulam!" Galit na sabi ni Kara kaya padabog akong umupo pabalik at kumain hanggang sa nawalan na ako ng gana. Tiningnan ko si Earl ng kumuha na naman s'ya ng panibagong bote ng inumin. Tiningnan ko ang mga boteng naitabi n'ya na at binilang. Pang-anim n'ya na yan! "Baka malasing ka." "This is light, hindi ako tatablan nito," mayabang n'yang sabi kaya umirap ako. "Major!" tawag ni Kara dito. "Alagaan mo 'yang bestfriend ko!" putcha may tama na to. Nakailang bote na ba to? Naka apat palang ako eh! "Hoy! Pang-ilan mo na yan?" "7" "Ambilis mo naman!" "Mahina ka lang hehehe," taena lasing na. "Lieutenant, baka sukahan ka nyan," pang-asar ko sa kanila. Sinamaan ako ng tingin ni Kara at binelatan si Lt. "Ihuhulog ko 'to sa veranda pag sumuka. Pero 'wag mo na akong tawagin nyan, Biel nalang," nakangiting sabi n'ya at nakatanggap ng pagbatok mula sa kabigan ko. "Ano major? Bakit tahimik ka dyan?!" pang-aagaw ni Kara ng atensyon ni Earl. "I'll take care of her, I promise," seryosong sagot ni Earl na ikinatahimik ko. Malaking ngisi ang sumilay sa mga labi ng kaibigan ko at tumingin sa 'kin. Nawala ang ngiti ko at ang kahit na anong emosyon kaya nag buntong-hininga ako. "I'm keeping a big secret Jaq, at sigurado ako na pag nalaman mo kung ano 'yon. Kamumuhian mo 'ko. Kaya ngayon, ang wish ko para sa 'yo sana maging masaya ka. Deserve mong magmahal at mahalin. I wish, I deserve to be loved too." "You deserve to be loved," si Biel ang sumagot. "I don't, cause I am a monster."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD