NAGISING ako dahil sa sakit ng ulo ko at tumingin sa paligid. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa ulo ko at pilit inalala ang mga nangyari.
Nasa loob ako ng isang kwartong napaka-dilim.
At dahil nakakita ako ng isang maliit na light bulb ay binuksan ko ang switch no'n at doon na bumungad sa akin ang itsura ng paligid.
Madaling araw ngayon.
Napatakip ako ng bibig nang makita kong wala akong saplot na pangtaas at pambaba.
Nagsimulang tumulo ang luha ko nang makita ko ang nagkalat na damit sa paligid ng kamang hinihigaan ko kanina.
'Wag naman sana...
"Hindi 'to p-pwede..." Napa-upo ako sa sahig nang makita ko ang ilang damit ng lalaki roon. Amoy alak pa 'yon nang inamoy ko. "P-please, no... H-hindi 'to pwedeng mangyari..." Paulit-ulit na sabi ko 'saka ko niyakap ang tuhod ko. Binalot ako ng takot at pagsisisi habang iniisip kung ano ang dapat kong gawin.
Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi. Iniisip kung sino ang posibleng gumawa nito sa akin.
'Yung birthday ni Sunny... May nasabi ako kaya iniwan nila akong mag-isa roon... Nalasing ako. Tapos wala akong masakyan tapos biglang may lumapit sa akin na lalaking hindi ko na maalala ang mukha. Tapos may hinanap kami tapos sa kalagitnaan ng paghahanap biglang may nagtakip sa ilong ko.
Tapos nagising na akong nandito at iniwan pagkatapos niya akong babuyin.
Napasabunot ako sa buhok ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko bibigay na ako anumang segundo ngayon.
Paano nila nagawa sa 'kin 'to?
"Rackhie, okay ka lang ba talaga? Lagi ka na lang nakatulala ah." Alalang tanong ni Sunny sa akin. Nakaupo kami ngayon sa hagdanan habang kumakain kami ng recess.
Pilit ko siyang nginitian, "Okay lang ako. May iniisip lang ako. Sorry. May sinasabi ka ba?"
Bumuntong-hininga siya at hinawakan ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko na kanina'y nakalagay sa lap ko. Samantala ang isang kamay naman niya ay inilagay niya sa pisngi ko.
"May problema ka ba? Magsabi ka sa 'kin,"
Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko at tiningnan siya sa mga mata niya. "Ayos lang naman ako, Sunny. H'wag kang mag-alala," Sabi ko at ang pisngi naman niya ang hinawakan.
"Sus. Hilig mo magtago ng problema sa 'min." Sabi naman ni Renzo na kakarating lang galing canteen. "Ano pang silbi namin kung wala kaming maitutulong sa 'yo?" Tanong niya habang kumakain ng chips.
"Tangi, okay lang talaga." Sabi ko 'saka ko siya pabirong inirapan. "Pero kung meron naman at kaya ko, syempre sasarilihin ko muna kasi nga kaya ko, 'di ba? Magsasabi naman ako kapag hindi ko na talaga kaya."
Sunod-sunod na nagsidatingan ang iba pa naming kaibigan. Si Celine, Aia at Farrah. Nagtatawanan pa sila nang makarating sila sa harapan namin. Kumakain sila ng fries and drinks.
"Nasa'n si Wendy?" Tanong ko nang mapansing wala ang isa naming kaibigan.
"Ewan," sagot ni Celine at nagkibit-balikat.
Tumingin-tingin si Aia sa paligid, "Hala, kasama lang natin 'yun kanina ah. Bakit bigla siyang umalis?" Tanong niya pa sa dalawang katabi niya nang hindi mahagilap ng mga mata niya si Wendy.
"Oo nga. Saan kaya pumunta 'yun?" Tanong pabalik sa kanya ni Farrah.
Nalipat naman sa akin ang tingin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay upang magtanong kung bakit ganoon ang tingin niya. "Hindi pa ba kayo bati? Isang buwan na kayong hindi nagpapansinan ah."
"Ewan ko lang." Sambit ko at bumuntong-hininga na lamang. "Gusto ko sana magsorry kaso hindi ako makahanap ng timing. Kinakabahan kasi ako tapos ito nga, hindi siya sumasama sa inyo kapag alam niyang papunta kayo sa akin."
Si Wendy ay girlfriend ko. Magkaibigan lang talaga kami nung una pero talagang sobrang komportable ko sa kanya kaya ayun, nagtapat ako ng feelings ko sa kanya.
Never niya akong sineryoso kasi ang akala niya nagbibiro lang ako.
Pero kahit ganon, nakikipagharutan at landian pa rin siya sa akin. Hindi ko sure kung pabiro ba 'yon o hindi pero wala akong pake.
Pare-parehas kaming natulala matapos kong magsalita. Wala kahit sino sa amin ang nagtangkang magsalita. Sabay-sabay pa kami nang pagbuntong-hininga nang tumunog na ang bell namin.
Pumasok na kami sa room namin at nakinig sa lesson namin ngayong araw.
Lumipas din ang oras at dumating na ang oras ng uwian naming mga estudyante. Hindi kami makapagsabay dahil magkakahiwalay ang bahay naming magkakaibigan ng daan pauwi.
Nang makalabas na ako, hindi pa gaanong nakakalayo sa school ay nakita kong naglalakad si Wendy papunta sa hindi pamilyar na direksyon. Tumingin-tingin pa siya sa paligid 'saka siya nag-iba ng daan kaya sinundan ko siya.
Saan kaya siya pupunta?
Nanatili ang distansya ko sa kanya upang malaman kung saan siya pupunta. Nagtatago rin ako sa bawat puno o mga pader kung sakaling lilingon siya sa likod upang siguraduhing walang sumusunod sa kanya.
Nakita ko siyang pumasok doon sa isang lumang bahay. Ganoon na lamang ang taka ko dahil dati nung bati pa kami lagi niyang kinu- kwento sa amin na haunted ang bahay na 'yon at walang nakatira. Pero bakit ngayon papasok siya sa loob?
May kinuha siya sa bag niya. Isang susi 'yon.
"Tangina naiihi ako," bulong ko at napahawak sa puson ko at humanap ng pag-iihian pero tanging ang bahay na 'yon lamang ang nakatayo rito.
Ngayon ko lang din napansin na ang layo pala ng nilakad ko! Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon pero alam ko dinadaanan namin 'to dati sa tuwing magkakasabay kami ni Wendy pag-uuwi. Doon niya kinukwento ang mga nakakatakot na stories tungkol sa haunted house na pinapasukan niya ngayon.
Kahit na naiihi ako ay nakatingin pa rin ako sa kanya. Ang tagal kasi bago bumukas 'yung gate. Nakita ko pa siyang kinalikot ang cellphone niya nang ilang minuto bago tuluyang bumukas 'yung gate na 'yon.
Bago siya tuluyang pumasok ay muli siyang tumingin sa paligid. Nang mapatingin siya sa direksyon malapit sa pinagtataguan ko ay nakita ko ang pag-iiba ng kulay ng mga mata niya. Mula sa pagiging kulay itim ay naging light brown 'yon.
Kitang-kita ko ang pagka-brown no'n kahit na walang araw na tumatama sa mga mata niya.
"Gago," mahinang mura ko nang dumaan ang mata niya sa mismong direksyon ng pinagtataguan ko. Napa-talikod ako bigla para hindi niya makitang nandoon ako.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kung anong dahilan na hindi ko malaman. Basta, kinakabahan talaga ako. Baka dahil illegal 'tong pagsunod ko sa kanya? O dahil nag-iiba ang kulay ng mga mata niya?
Nakapasok na siya sa loob ng bahay kaya tahimik akong sumunod sa kanya papunta roon sa gate kasi hindi naman nakasarado. Syempre maingat pa rin kasi nga 'di ba, baka mahuli ako.
Naghintay ako ng ilang minuto bago muling tumingin sa pwesto niya, nakita kong pumasok na siya sa loob. Tinanggal niya pa ang tali sa buhok niyang kanina ay naka-ponytail.
Tumingin-tingin muna ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin. Nang makasiguradong walang nakatingin dahil nga ang layo ng nalakad namin, tahimik akong pumunta roon sa bahay na 'yon.
Hindi naman ako natatakot.
"What are you doing here?"
Medyo pala. Kaunti lang, slight lang.
Tumingin ako sa loob ng bahay upang makita kung sino ang nagsalita. Pero wala namang tao roon. Tumingin ako sa paligid dahil sobrang linaw kasi nung pagkakasabi no'n. Ibigsabihin, malapit lang sa akin 'yung nagsalita.
"S-Sino 'yan?" Tanong ko habang pilit na itinatago sa sarili ang kaba. "Wendy babes, ikaw ba 'yan? Hindi a-ako natatakot ha. Alam kong pinalalim mo lang 'yang boses mo para kunwari lalaki! A-Akala mo," Dagdag ko pa 'saka muling tumingin sa paligid.
Pabulong pa rin ang boses ko kahit kinakabahan na ako. Malay mo hindi pala tao sa loob ng bahay 'yung tumawag sa akin tapos sinagot ko nang malakas.
Kapag nagkamali ako, edi malalaman ni Wendy na chismosa ako at sinundan siya? Edi mas lalong nagalit 'yon. Wala ng pag-asa kapag gano'n. Dapat isip-isip muna bago gawa.
"Are you blind? I'm here,"
Bumulong ulit ako habang parang tangang paikot-ikot ang tingin sa paligid. "Kuya kung sino ka man, h'wag mo 'kong pinaglololoko. Susupalpalin ko 'yang mukha mo kapag nakita kita." Banta ko nang wala talaga akong makita.
"Look down."
Sinunod ko 'yon at tumingin ako sa baba. Doon ko nakita ang isang itim na pusa. Nakatingin pa 'yung pusa sa akin! At hindi lang 'yon, napakalaki ng pusang 'to! Normal lang ba 'to para sa average na pusa? Napakalaki naman ng pusang 'to! Imported 'ata 'to eh! Parang lion sa unang tingin dahil napakalaki! Malapit na ngang umabot sa bewang ko pero hindi ko pa nakita kanina.
"Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo magpakita. May hinahanap ako kaya please 'wag niyo na akong pinagloloko. Naiinis na ako," Sabi ko 'saka bahagyang sumilip sa bintana nang makitang may gumalaw roon.
"What are you doing here? How did you know this place?" Muling tanong nung boses ng lalaki. Hindi ko siya nakikita pero alam kong malapit lang siya.
"Pake mo ba?"
Umirap ako sa hangin dahil hindi ko manlang 'yon magawa roon sa lalaki dahil nga hindi ko nakikita ang mukha niya. "Wag ka rin mag-ingay, baka may makarinig sa atin. Magagalit sa akin 'yung girlfriend ko." Dagdag ko pa.
"Huh?"
Napahinto ako sa pagtingin sa loob nang biglang bumukas ang pinto ng bahay kaya dali-dali akong tumakbo pabalik sa tinataguan ko kanina.
Nakita kong lumabas si Wendy kasama 'yung babaeng sobrang puti. I mean, mas maputi pa kay Wendy kahit na siya na ang pinaka-maputing babae sa school namin. Base sa nakikita ko, mukhang close na close sila dahil tumatawa silang dalawa ng girlfriend ko. Mas matanda rin sa kanya 'yung babae.
Hindi palatawa si Wendy. Ilang taon na rin simula noong huli ko siyang nakitang tumawa.
Ano kayang pinag-uusapan nila?
Sinenyasan siya nung babae. Hindi ko alam kung anong ibigsabihin noon pero pumasok agad sa loob si Wendy habang kumakaway pa sa kanya. Nakangiti pa rin siya samantala 'yung babaeng kasama niya ay naging seryoso na.
Naiwan sa labas 'yung babaeng kasama niya. Suminghot pa siya sa hangin na para bang nakalanghap siya ng isang masarap na pagkain. Ang seryosong mukha nung babae ay unti-unting nagkaroon ng isang nakakatakot na pagngisi.
Bigla siyang tumingin sa pwesto ko!
Nanlaki ang mga mata ko nang mag-iba ang kulay ng itim niyang mata. Naging kulay pula 'yon! Nakakatakot talagang tingnan!
"You need help?"
Boses ulit 'yon nung lalaki kanina. Pamilyar 'yon sa akin pero hindi ko alam kung saan ko na 'yon narinig.
"H'wag kang maingay, maghahanap ako ng mapagtataguan. 'Wag kang lalabas kung nasaan ka man ngayon. Lagot ka talaga sa akin! Sinasabi ko sa 'yo,"
"Wherever you go, she can find you. Kaya kung ako sa iyo, hindi na ako mag-iinarte at sasama na lang ako sa 'kin."
Kumunot ang nuo ko. "Paano kita susundan e hindi nga kita nakikita? Ni-hindi ko nga alam kung buhay pa ang kausap ko o multo."
"Would you believe me if I tell you I'm a cat?"
"Ano?" Tanong ko habang nakatingin pa roon sa babae pero bigla siyang nawala roon sa pwesto niya kanina. Kanina lang ay palapit na siya sa akin pero bigla siyang huminto at naglaho.
"Ayun, nakaalis na siya!" Pakiramdam ko ay medyo nakahinga ako nang maluwag. Huwag lang sana niya akong mamukhaan dahil siguradong mas lalong sasama ang loob sa akin ng girlfriend ko. Hays.
"Hey, I'm asking you,"
"Ano---" nanlaki ang mga mata ko nang biglang yumakap sa paa ko 'yung pusa. "Teka, s**t. Ano ba naman 'yan ang cute nung pusa."
"Of course I am."
"Luh gago nagsalita!" Nanlalaki pa ang mata ko habang sinasabi 'yon. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong lalaking 'to pero sasabayan ko siya. Akala niya ah.
"Follow me. I'll help you get out of here."
Umiling ako sa hangin. "Ayoko nga. May titingnan pa ako. May kailangan akong i-confirm. Ikaw na lang ang umalis kung gusto mo." Sabi ko 'saka muling sumilip doon sa gate pero saktong biglang lumitaw 'yung babaeng kasama ni Wendy kanina.
Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ko.
"Sige na susunod na 'ko sa 'yo, saan ba dadaan?" Nagmamadaling tanong ko roon sa pusa kahit alam kong hindi naman 'yon magsasalita.
"Sa isang kundisyon."
Nagsalubong ang kilay ko. "Ano? Hindi ko ibebenta ang katawan ko sa 'yo,"
"Basta may kundisyon. Wala pa akong maisip kaya dadalawin na lang kita sa bahay niyo mamaya tapos sasabihin ko roon."
"Alam mo bahay namin?"
"Malamang. Ano, deal?"
I clicked my tongue. "Deal."
Nagsimulang maglakad 'yung pusa papunta roon sa isang puno tapos nagtago siya sa likod at humiga roon. Kumakawag pa ang buntot niya habang nakahiga at nakatingin sa akin ang kulay blue niyang mata.
"Diyan na ako magtatago?" Dismayadong tanong ko sa pusa. "Are you gagoing me?"
"For your information, I'm not a gago and I'm not gagoing you. Tinutulungan lang kita. Kung ayaw mong pumunta rito, edi 'wag. Basta gagawin mo pa rin 'yung kundisyon ko."
Umirap ako, "Pag ako nahuli rito puputulin ko buntot mo." Banta ko pa.
Sinamaan ako ng tingin noong pusa bago tumayo at tinago ang buntot niya sa may pwetan niya. "Subukan mo." Saka siya umalis at pumunta sa kung saan.
Nakarinig ako ng isang tunog. Nang tiningnan ko kung saan galing 'yon ay nakita ko na pumunta pala roon sa pwesto ko kanina 'yung kasama nung girlfriend ko kanina. Inaamoy- amoy niya pa 'yon bago tumingin sa paligid. Natingin pa siya sa direksyon ko pero nilagpasan niya ako agad na parang wala siyang nakitang kahit anong suspicious doon.
Bahagya akong napaatras nang makita niya ang bimpo ko roon na naiwan ko. Mukhang galit siya base sa ekspresyon na nakikita ko ngayon. Galit 'ata dahil hindi niya ako nakita.
Sinusundan ko lang siya ng tingin habang papunta siya roon sa bahay nila ni Wendy pero nahinto ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha na 'yon dahil nakita ko siya bago ang mismong araw na binaboy ako.
'Yung lalaking may itim na panyo.
'Di kalayuan ang pwesto ko sa kanila kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila nang magkalapit sila.
Lumapit sa kanya 'yung babae na kanina ay galit pero biglang nagbago ang ekspresyon nang makita siya. "Ameer, anak, ikaw pala. Kumain ka na ba?"
"Have you seen Weylin?" Imbes na sumagot ay tanong pa niya habang tinitingnan ang paligid.
"Your cat?" Tanong pabalik sa kanya noong babae.
"Yes." Sagot niya.
"Hindi ko alam. Hindi ko nakikita eh."
"Where's my sister?"
"Wendy is in her room. She's doing her homework. Why did you ask? Lumabas ka pa. Baka may makakita sa 'yo rito."
Sinamaan siya ng tingin noong Ameer. "Stop acting like you care. It creeps me." Sabi nito na may halong pagkadisgusto bago niya iniwan doon ang babaeng kausap ni Wendy kanina na sa tingin ko ay ina niya.
O ina nilang dalawa ng girlfriend ko.
"I never asked to be a monster." Sabi pa nung babae kahit na medyo nakalayo na 'yung Ameer na anak niya.
"But you made Wendy and I a monster. We never wanted to be like you, too." Pumihit siya roon sa babae. "My cat is missing so someone already knew about us, again. I don't want to hide anymore like you. I'll let them know." Galit na sagot pabalik noong lalaki 'saka padabog na sinarado ang pinto.
Nang mag-isa na lang 'yung babae ay napabuntong-hininga siya at may sinabi bago pumasok sa loob ng bahay nila.
"I'll find you wherever you are, Rackhie."