SIMULA:

2628 Words
As a doctor, I knew how fragile life can be. Tungkulin kong magligtas ng buhay dahil iyon ang sinumpaan ko. Pero sino ang mag-aakala na dumating sa punto na naisip kong ipaglaglag ang buhay ng sarili kong anak. Hindi dahil ayaw ko sa kanya, kundi dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka masira ang buhay ko, at ang buhay ng magiging anak ko. Dahil ang lalaking minahal ko...ang ama ng anak ko, ay nasa magulong mundo ng politiko. He was powerful, influential, and dangerous in ways I could not even explain. And I thought it was just a game between us, something light, something harmless. Akala ko kontrolado ko ang lahat. Pero mali pala ako. Dahil hindi ko inasahan na mahuhulog ako sa kanya at magbubunga ang lahat. Nang malaman ko noon na buntis ako, everything inside me collapsed. Parang biglang lumiit ang mundo ko at nasira lahat ng pangarap ko. I knew I should have been celebrating because life is supposed to be a blessing. Pero mas nangingibabaw agad ang takot. Takot na malaman niya. Takot na malaman ng pamilya niya. Kaya bago pa man nila madiskubre ang totoo, I made a choice. A choice to disappear. A choice to protect my child no matter what it would cost me. Walong taon na ang nakalipas, and I think that was the best decision I ever made. Ang itago ang anak ko sa ama niya. At ngayon habang inaasikaso ko ang pasyente kong bata, may bigla akong naalala. I was checking his vitals, adjusting his IV, doing what I always do…pero hindi ko maiwasang huminto saglit. Kasi sa liit ng kamay niya, sa mahina pero matapang na tíbok ng puso niya, may naalala akong iba. Ang anak ko. My son, my little boy who was about the same age. Dahan-dahan kong inayos ang kumot ng pasyente kong bata, the same way I used to do with my son kapag nilalagnat siya. Naalala ko kung paano ako noon mag-panic kahit mild lang ang lagnat ng anak ko. I realized how far I had come. How motherhood changed me in ways I never expected. Pinilit kong ibalik ang focus ko sa pasyente, pero habang inaayos ko ang stethoscope ko, napansin kong nanginginig nang bahagya ang mga daliri ko sa hindi ko malaman na dahilan. “Doc, okay lang po ba kayo?” tanong sa'kin ng nurse, noticing how my hands trembled. “Yes, okay lang. Pagod lang siguro.” Tipid akong ngumiti pero hindi iyon ang totoo. The truth was, I wasn’t tired. I was scared. After finishing the chart, I stepped out of the room. Habang naglalakad ako sa hallway mas lalo ko lang naramdaman ang bigat sa dibdib. My heart was racing in a way na hindi kayang ipaliwanag ng kahit anong medical logic. Hindi ko alam pero parang may instinct na kumikiliti sa likod ng isip ko. Something was off. Something was wrong. Hindi ko ma-pinpoint, pero ramdam ko. Pagdating ko sa dulo ng hallway, I stopped for a moment. Huminga ako nang malalim, pero bago pa man ako tuluyang kumalma. Tumunog ang phone ko sa pocket. Napatingin ako sa screen, and for a second, hindi agad nag-register sa utak ko ang pangalan. Pero nang luminaw ang paningin ko. It was Yaya Carlota who was calling. My son’s nanny. Ilang oras pa lang ang nakalipas mula nang iniwan ko ang anak ko sa bahay. He was perfectly fine. Walang lagnat. Walang reklamo. Nagpa-kiss pa nga sa pisngi ko bago ako umalis. Kaya nakakapagtaka kung bakit tumawag si Yaya Carlota. Hindi naman siya basta-basta tumatawag sa oras ng duty ko, lalo na kung alam niyang nasa ospital ako. Agad kong sinagot ang tawag, and my heart dropped the moment I heard her shaking voice. “Ma’am... si... si Aviel nawawala." “NAWAWALA!? Ano’ng ibig mong sabihin?” “Ma’am, k-kasi po..." narinig ko ang paghikbi ni Yaya Carlota, halatang nagpa-panic habang pinipilit magpaliwanag. “...kanina lang po nasa garden siya, naglalaro. Saglit lang akong kumuha ng juice sa kusina dahil nauuhaw siya. Pero pagbalik ko wala na po si Aviel. Akala ko pumunta lang siya sa kwarto, pero hindi ko po siya makita kahit saan. Nagtanong na rin ako sa mga—" Hindi ko na narinig ang mga sumunod pang sinabi ni yaya. Agad akong tumakbo papunta sa aking opisina para kunin ang susi ng kotse. Hindi ko na inalintana ang mga tumingin at ang ilang nurse na sumalubong sa’kin para tanungin kung may emergency. My mind was blank except for one thing. I needed to get home. I needed to find my son. Pagdating ko sa opisina, mabilis kong dinampot ang car keys sa ibabaw ng mesa. My legs moved on their own. I started walking fast, almost running down the hallway. Hindi na ako nag-abala pa na hubarin ang suot kong white coat, it was swinging behind me while my ID card bounced against my chest. Pagdating ko sa parking lot, halos mabitawan ko pa ang susi dahil nanginginig ang kamay ko. I forced myself into the driver’s seat, slammed the door shut, at agad pinaandar ang makina. Hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa adrenaline, pero halos hindi ko mapaandar ang sasakyan. “Come on… please… please…” bulong ko habang paulit ulit tinu-turn ang susi. Nang umandar na sa wakas ang makina, I let out a shaky breath and drove as fast as I could. Pagdating ko sa bahay, I didn’t even bother locking the car. I ran straight to the front door. Halos masira ko na ang door knob sa pagmamadali pagbukas. “Yaya Carlota!?” Kulang nalang madapa ako sa bilis ng hakbang ko papunta sa kanya. “Nakita mo na ba si Aviel? Have you checked all the rooms? The closets? The backyard? Lahat?!” Umiling siya, mabilis at sunod-sunod na halos bawat galaw ng ulo niya ay may kasamang paghikbi “W-Wala po, Ma’am. Hinanap ko na po sa buong bahay, sa likod, sa garden, nagtanong na rin ako sa mga kapitbahay pero—" Hindi ko na siya pinatapos. I ran past her and searched the house myself. Sa sala, sa kusina, sa banyo. Maging sa silid niya. I checked behind the couch, under the stairs, sa likod ng kurtina, sa play corner niya. Lahat ng sulok na alam kong pinagtataguan niya minsan kapag nakikipaglaro siya ng hide and seek. But nothing. Walang maliit na paa, walang pilyong tawa, walang kaluskos. "Ma'am Avianna..." Huminga nang malalim si Yaya Carlota, nag-aalangan siya pero sa tingin ko, may iba pa siyang gustong sabihin. “Ma’am, kasi ano...may nakita po akong kotse.” Napalingon ako bigla. “What do you mean, kotse?” “Isang asul na mamahaling kotse po. Hindi ko po nakita ang plate number. Pero kanina po, bago mawala si Aviel, nakita ko 'yong kotse na nakahinto saglit sa tapat ng gate ng kapitbahay. Pero nang lumabas ako ulit galing sa kusina… w-wala na po si Aviel. Ganon din 'yong kotse nawala na rin po." Hindi ako nakapagsalita. Parang natuyo ang lalamunan ko at nanigas ang buong katawan ko. And for a moment, I felt it again. That same overwhelming fear I had eight years ago. Yung takot na baka mawala sa'kin ang anak ko. 'Yung takot na baka mangyari ang kinatatakutan ko na kunin sa'kin si Aviel. “Bakit ngayon mo lang ‘yan sinasabi, Yaya!?” Hindi ko siya sinigawan, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa takot na halos hindi ko na makontrol. “Bakit hindi mo sinundan ‘yong kotse?!” "Ma’am, hindi ko po alam… akala ko baka nagpunta lang si Aviel sa loob ng bahay, o baka nagtago lang po, lagi naman siyang ganun kapag naglalaro." A blue expensive car? Sa street namin? Sa parehong oras na nawala si Aviel? Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa para matawagan ang guard house at mapa-check ang CCTV. Pero bago ko pa man ma-dial ang number...my phone rang. Nang makita ko ang caller ID, it was the guard. Si Kuya Ramil. The same guard na laging bumabati sa'kin at nakikipag-asaran. Nagmamadaling kong sinagot ang tawag. "Ma’am Avianna?” agad na bungad ni Kuya Ramil, pero hindi ‘yong usual na boses na kalmado at palabiro. This time, seryoso at urgent. “Ma’am, nasa police station po ang anak n’yo." “WHAT?! Bakit? Paano siya nakarating doon? Is he hurt? Is he safe?” sunod sunod kong tanong sabay lakad nang paikot sa sala na parang mababaliw na ako sa sobrang takot dahil akala ko kung ano na ang nangyari sa anak ko. “Ma’am, hindi ko po alam ang buong detalye pero may nagdala raw po sa kanya roon. Tumawag na lang po sa’min ang police station para i-verify kung dito nga nakatira ang bata." "Okay, I’m going there right now. Thank you, Kuya Ramil.” Nang maibaba ko ang tawag, I grabbed my bag and dashed out of the house again. I didn’t even remember closing the door. All I could think about was my son. My baby. Kung bakit nasa police station siya? Sino ang nagdala sa kanya roon? Was he hurt? Was he crying? Sa buong biyahe papunta sa police station, halos hindi ko namalayan ang mga stoplight. Pangalawang beses pa akong napagalitan ng traffic enforcer sa gitna ng intersection, pero hindi ko na sila pinansin. "Please, God… please keep my son safe…” bulong ako nang bulong habang nagda-drive. Hindi ako sobrang relihiyosa, pero sa moment na 'to, I was willing to beg anyone, anything, just to keep my child alive and unharmed. Pagdating ko sa tapat ng presinto, halos sumadsad ang kotse sa gilid ng kalsada sa sobrang pagmamadali ko. I stepped out without even checking kung maayos ba ang pagkapark ko. Bahala na. Wala na akong pakialam. Basta na lang akong bumaba at halos tumakbo. Pagpasok ko, sinalubong ako ng amoy ng kape, pinaghalong pawis at lumang papel. May tatlong desk sa harap, dalawang pulis na naka-upo, at isa na nakatayo sa may bulletin board. Lahat sila sabay napatingin sa’kin. Siguro dahil sa white coat ko, sa stethoscope na nakasukbit pa rin sa leeg ko na hindi ko na natanggal sa pagmamadali at panic. May lumapit agad na isang officer sa'kin, nasa early 40s siguro, at may hawak na folder. “Good afternoon po, Ma’am...” “Where is my son? Aviel ang pangalan. May nagdala raw dito sa anak ko. Nasaan siya? Is he okay? Nasaktan ba siya?” "Ma'am, wag na po kayong mag-alala. Safe po ang anak n’yo. Nasa loob po siya ng opisina kasama si Lieutenant Juarez at si—" “Can I see him? Now." Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang police officer. Hindi naman ako interesado kung sino ang kasama ng anak ko. Ang importante sa'kin makita ko siya agad at masigurado kong walang nangyaring masama sa kanya. “Yes po, Ma’am. Dito po.” Itinuro niya ang maliit na hallway sa gilid. Hindi na ako naghintay pa. My feet just moved on their own. Sa dulo, may nakita akong maliit na pinto na bahagyang nakaawang. Habang papalapit ako sa pinto, narinig ko ang mahinang boses ng isang batang lalaki sa loob. “Po? Iuuwi na po ako ni Mommy?” Parang biglang tumigil ang mundo ko. I knew that voice. Kahit pa pabulong, kahit na hindi ko pa man nakikita ang mukha niya. Alam kong si Aviel yan. My son. Hindi na ako kumatok pa. I pushed the door open. “Aviel!” Nilingon niya ako, those brown eyes na lagi kong nakikita tuwing umaga. Nakaupo siya sa isang upuan habang hawak ang paborito niyang blue toy car na niregalo ng Ninong Killian niya. “Mommy…” Tumakbo siya agad papunta sa’kin, halos mahulog pa sa upuan sa pagmamadali. I was not thinking straight when I dropped the car keys, and knelt down to his level. Binukas ko ang mga braso ko at niyakap ko siya nang mahigpit, kasi pakiramdam ko kung bibitaw ako, mawawala na naman siya. I pulled back para matingnan siya ng maayos. I checked his arms, his legs, his neck, bawat exposed na skin niya. Typical doctor instinct, pero this time hindi lang bilang doctor, kundi bilang ina na muntik nang mawalan ng anak. "God, Aviel… you scared me… Akala ko... akala ko…” hindi ko na natapos. My voice broke. Naramdaman ko na lang na may mainit na luha ng pumatak sa pisngi ko. “Shhhhh... mommy don't cry. I'm a big boy na po, remember?” Marahan niyang pinunasan ng maliit niyang daliri ang luha sa pisngi ko. God. This kid "I don't like it when you cry, Mommy." Parang lalo akong naiiyak sa sinabi niya. My brave little boy, comforting me, when it was my world that almost collapsed without him. Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang hagulhol. I cupped his cheeks gently. “I’m sorry, baby. I’m so, so sorry. I just got really scared. Akala ko… akala ko mawawala ka na sa’kin.” Umiling siya, nagpout at sumeryoso ang mukha. “Hindi po ako mawawala, Mommy. I’ll always come back to you. Promise.” Huminga ako nang malalim, trying to calm the storm inside my chest. Habang yakap ko si Aviel, saka unti-unti bumabalik ang awareness ko sa paligid. Kanina, pakiramdam ko kami lang dalawa ni Aviel sa silid. Ngayon ko lang naalala na may ibang tao pa pala dito sa loob ng opisina. "Ahem..." Narinig ko ang mahinang paglinaw ng lalamunan ng isang lalaki. Paglingon ko, saka ko lang napansin ang presensya ng dalawang tao sa loob. Isang pulis na nakaupo sa swivel chair. May desk name plate sa harap niya na may nakasulat na Lieutenant Colonel, Ysmael Juarez. Pero hindi siya ang nakakuha ng buong atensyon ko. Kundi ‘yong isang lalaki na nakatayo sa gilid ng bintana habang nakatalikod sa amin. One hand was in his pocket. Habang ‘yong isang kamay ay hawak ang cellphone, kausap ang kung sino man sa kabilang linya. Mula sa pwesto ko, kita ko ang tikas ng tindig niya. Broud shoulders, tall, composed, neatly trimmed hair and damn expensive-looking dark suit. Kahit hindi ko pa nakikita nang buo ang mukha niya, may kumislot agad na alaala sa dibdib ko. There was something disturbingly familiar about that silhouette. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit halos walong taon na ang lumipas, kahit hindi kami nagkita, hindi pa rin nagbago ang aura niya. That quiet dominance. That same authority I remembered all too well. “Ma’am,” maingat na sabi ni Lieutenant Juarez nang binuklat ang folder. "Ano po ang full name niyo? Just to complete the report." My full name? Hindi ako agad nakapagsalita. Parang nanigas ang dila ko, as if my entire body refused to cooperate. “Ma’am?” the Lieutenant prompted gently. “We just need your full name po para ma-file nang maayos ang incident report.” Lumingon ako ulit sa lalaking nakatalikod. Napamura nalang ako sa isip ko sa pag-aalangang sabihin ang buong pangalan ko. "My name is…” I swallowed hard, forcing my voice to steady. “A–Avianna. Avianna Zimmerman.” At sa mismong sandaling iyon, sandaling napatigil ang lalaking nasa tapat ng bintana. His hand froze mid-air. Dahan-dahan niyang ibinaba ang phone mula sa tenga niya. The man turned slowly... And in that split second, I swear I forgot how to breathe. Eight years. Eight years of hiding. Eight years of silence. Eight years of pretending I had escaped. And now he’s here. Standing right in front of me. Ang lalaking sinubukan kong kalimutan. Ang lalaking akala ko hindi ko na muling makikita. Ang lalaking kinatatakutan kong malaman ang totoo. The father of my child. Gov. Hendrix Montero. ━━━━༻TO BE CONTINUED༺━━━━
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD