Chapter 79 BOOK 2 Jake POV: Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa ka-business partner namin. Hindi ko kasi inaasahan 'to na mangyari. Buong akala ko, kami lang na tatlo ang magkakasama. Shit! She also lied to me! Yung pagsisinungaling ko na hindi kami nagkita sa personal ni Max, bumalik sa akin ang karma. All this time, nagkakasama pala sila ni Gino habang ako ay walang kaalam-alam. Mahigpit kong hinawakan ang ballpen dahil sa galit na namumuo sa damdamin ko. Siguro nahalata ito ni Maxine kaya tumayo ito sa pagkaka-upo at hinarap kaming dalawa. "Pa'no, maiwan ko muna kayong dalawa. Have a nice day.", paalam nito bago lumabas ng office. Nang makaalis na siya, saka ako tumingin kay Airah na ngayon ay nag-iwas tingin naman sa mata ko. "Hanggang kailan mo ba itatago ito s

