Chapter 2

2518 Words
Rocky Davis POV Mula sa isang daang mga fans na dumadalo ng mini concert namin noon sa isang parke, limang taon na ang lumipas, ay umabot na sa halos limang daang libong tao ang naririto ngayon sa pinakamalaking stadium dito sa Seoul, South Korea na nanonood at nakikisaya sa aming concert. Hindi pa kasali rito ang ibang mga Soldiers na nasa ibang panig ng mundo. Soldiers ang tawag namin sa aming mga taga-suporta na lubos na nagmamahal sa grupong Bullet Boys. Kung dati rati ay halos lumuhod kami sa mga tao upang panoorin lang nila ang aming libreng concert sa isang parke, ngayon ay halos wala nang malugaran ang ibang Soldiers sa stadium na ito. Palaging sold out ang tickets sa aming mga concert na labis na nagpapagalak ng aming mga puso. Puno na rin ang aming schedule buong taon dahil sa mga nakatakdang concerts sa iba't-ibang bansa. Halos wala na kaming pahinga upang makapagpasaya lamang ng aming mga Soldiers. Pero maligaya kami basta't sa ikaliligaya rin ng aming mga tagasuporta. Nakatanaw ako sa libo-libong Soldiers na may hawak na official lightstick ng aming grupo. Isinasayaw nila ang mga ito sa ere habang pinakikinggan ang aming mga awitin. Unti-unting umagos ang luha sa mga mata ko habang pinakikinggan ko ang aming mga tagasuporta na sinasabayan ang aming mga kanta. Napakaswerte namin sa aming mga Soldiers dahil labis-labis ang kanilang pagmamahal para sa amin. Malayo na nga ang narating ng aming grupo na noon ay sa pangarap lamang namin ito nakikita. Ang pitong kabataang lalaki na nagsumikap noon upang abutin ang aming mga pangarap, ay halos nasa kamay na namin ang lahat ngayon. Nasilayan ko ang iba ko pang mga itinuturing na kapatid na syang bumubuo rin sa Bullet Boys na sina Hunter, Axel, Jet, Grayson, Eryx at Jethro na dumadaloy din ang luha sa mga mata dahil sa labis na kaligayahang kanilang nadarama. Nabalot ng hiyawan at sigawan ang buong stadium. "We Love you Bullet Boys!!" Dinig na dinig kong sigaw ng ibang mga Soldiers. Pumikit ako at tumingala sa kalangitan. "We Love you!!! SOLDIERS!" Sigaw ko sa buong stadium. Hindi pa rin natigil ang kanilang hiyawan na tila mababaliw na sa kanilang kinatatayuan. Mahal na mahal ko ang aming mga Soldiers. Dahil kung wala sila, ay wala rin naman ang Bullet Boys na hinahangaan nila ng sobra-sobra. Pagkatapos ng aming concert ay agad naman kaming naghanda para naman dumalo muna sa isang Press conference. Nagmamadali na kami dahil wala na kaming oras pa. Kahit mga pagod kami sa concert ay hindi ito hadlang upang hindi dumalo sa nasabing Presscon. Hindi namin gusto na pinaghihintay ang napakaraming Press na naroroon. Paglabas ng aming grupo mula sa tent ay narinig kong muli ang sigawan ng mga Soldiers. Sa tuwing makikita nila kami ay hindi magkandamayaw ang kanilang sigawan at tilian. Hanggang sa napukaw ng aking atensyon ang isang babae na may gawak na malaking papel. Naantig ang puso ko sa mensaheng inilagay nya roon. I HAVE STAGE 3 CANCER. CAN YOU GIVE ME A HUG? Sa kabila ng pakikipaglaban nya sa kanyang karamdaman ay naririto sya sa malaking Stadium na ito upang sumuporta pa rin sa amin. Marahan akong lumapit sa kanyang pwesto. Ibinigay ko ang kanyang hinihiling. Tila may kakaibang pintig ang aking naramdaman sa kaibuturan ng aking puso. Mahal na mahal ko ang katulad nyang Soldier na lubos ring nagmamahal sa amin. Ginawaran ko pa sya ng isang matamis na halik sa pisngi upang bigyan sya ng pag-asa sa buhay. Unti-unti na akong hinatak ng mga guwardiya at inilayo sa kanya. Muli ko syang pinagmasdan. Hinding hindi ko malilimutan ang kanyang maamong mukha at napakagandang mga mata. Sana ay malampasan nya ang kanyang karamdaman. Iyon lang ang tanging hiling ko para sa kanya. Kaagad na kaming umalis sa stadium na iyon at hindi pa rin matinag ang hiyawan at sigawan ng mga Soldiers para sa amin. Ngunit paano nga ba nagsimula ang aming grupo? Ano ang aming mga pinagdaanan bago namin marating ang rurok ng aming tagumpay? September 12, 1999Home of Dreams, Quezon City. "Akin na kasi yan!!! Sister Elena oh! Si Grayson po kinukuha yung laruan ko! Uhmmp! Akin na yan!" Galit na sigaw ni Hunter Hinatak nya ang laruan mula kay Grayson at tumakbong palayo sa kaawa-awang bata. Ang walang muwang naman na si Grayson ay umiyak na lang dahil kinuha na ni Hunter ang laruan mula sa kanya. Napailing ako sa ginawa ni Hunter. Bilang nakakatandang bata sa bahay ampunan ay responsibilidad kong gabayan sila. Nagtungo ako sa gawi kung nasaan sya at tumayo ako sa kanyang harapan. "Bad boy! Mas nakakatanda ka kay Grayson. Dapat ay pinagbibigyan at iniintindi mo sya. Ikaw ang dapat na laging magparaya dahil mas matanda ka sa kanila. Sige na, ibalik mo na yan kay Grayson at humingi ka ng tawad sa kapatid natin." Pangangaral ko sa kanya. Nakita kong napakagat labi si Hunter at mahigpit na hinawakan ang laruan. Huminga sya ng malalim at kaagad din namang nagtungo sa kinaroroonan ni Grayson. Inabot nya kay Grayson ang laruan. Niyakap nya ang umiiyak na bata at binigyan pa nya ito ng isang halik sa noo. "Sorry Grayson, di na mauulit." Unti-unting lumalabas ang mga ngiti sa aking labi dahil sa nasilayan ko. Kailangan naming matutunan ang magbigay sa isa't-isa dahil wala namang ibang magtutulungan kundi kami lamang. "Very good Rocky! Ikaw talaga ang laging gumagabay sa lima mong mga kapatid dito sa bahay ampunan. Sa tingin ko, magiging magaling kang leader balang araw." Nagulat ako sa boses ni Sister Elena. Paglingon ko sa may pintuan ay naroroon na sya at mayroong magagandang ngiti sa akin.Lumapit sa akin si Sister Elena at hinimas himas nya ang aking buhok. Sabay naming pinagmasdan sina Grayson at Hunter na naglalaro sa kabilang dako ng silid. Pareho kaming may nakatatak na ngiti sa aming mga labi. Ako si Rocky Davis, iniwanan ako ng aking ina dito sa Home of Dreams noong pitong buwang gulang pa lamang ako. Ang kwento sa akin ni Sister Elena ay anak ako sa pagkadalaga ng aking ina at hindi nya ako kayang buhayin pa. Kahit napakasaklap ng kwentong iyon ay binigyan ng pag-asa ni Sister Elena ang bawat araw ko rito sa ampunan. Tinuruan nya kaming lahat na huwag magkimkim ng sama ng loob sa aming ina dahil sa pag-iwan nila sa amin. Tinuruan kami ni Sister Elena na magpasalamat sa lahat ng biyaya sa aming buhay, maliit man ito o malaki. Ang totoo, ay hindi talaga kami magkakadugo nina Grayson at Hunter. Sila lang kasi ang pinakamalapit sa akin kaya itinuturing ko na silang mga kapatid. Ako na ang tumayong kuya nila simula ng mamulat ang kanilang kaisipan dito sa bahay ampunan. Ang aking mga itinuring na kapatid ay sina Hunter, Axel, Jet, Grayson at Eryx. Magkakaiba man kami ng mga magulang ay hindi hadlang iyon upang ituring namin ang isa't-isa bilang mga tunay na kapatid. Araw-araw ay ginawa naming positibo ang lahat ng bagay dito sa loob ng bahay ampunan. Ginagawa naming masaya ang bawat segundo ng aming buhay at lumalayo kami sa negatibong parte nito. Ako ang gumagabay sa kanilang lima dahil ako ang nakakatanda at may mas malawak na pananaw sa buhay. Hanggang isang araw ay may bagong sanggol na naman ang iniwan sa Home of Dreams. Ang balita ko ay iniwanan na lamang ang sanggol sa labas ng bahay ampunan. Nakikita ko ang aking sarili sa sanggol na iyon. Bata pa lamang sya ay wala na rin syang maituturing na tunay na ina. Kagaya namin ay mamumulat din sya sa loob ng ampunang ito na hindi alam ang pinagmulan ng kanyang pagkatao. Pumasok ako sa loob ng nursery room upang makita ang sanggol. Napakagwapong sanggol nya at ang sarap nyang titigan. Ngumiti sya sa akin na syang nagpagaan ng aking loob. "Sya si Jethro, ang bago nyong makakasama dito." Wika ni Sister Elena "Gusto mo rin ba syang maging kapatid, Rocky?" Masayang tanong naman ni Sister Beth May dalang tsupon ng gatas si Sister Elena para kay Jethro. Kinuha naman ni Sister Beth ang sanggol mula sa kuna nito at naupo sila sa may sofa na nasa gilid. Isinalpak ni Sister Beth ang tsupon sa bibig ng sanggol na halatang gutom na gutom na. "Napakagwapong bata." Tanging nabanggit ni Sister Beth Nakamasid lamang ako sa kanilang mga ginagawa habang pinapadede nila si Jethro. "Gusto mo ba na ikaw ang humawak ng tsupon, Rocky? Halika dito anak, lapitan mo ang bago mong kapatid na si Jethro." Wika ni Sister Elena Ngumiti ako at kaagad na hinawakan ang tsupon. Maingat ang pagkakahawak ko. Napacute ni Jethro habang sumusupsop ng gatas mula sa tsupon. "Mula ngayon ay aalagaan mo na rin si Jethro kagaya ng iba mo pang mga kapatid." Sambit naman ni Sister Beth Hindi maipaliwanag ang kaligayahan sa puso ko ng marinig iyon mula kina Sister. Alam kong kailangan ako ng sanggol na si Jethro at mula ngayon ay ituturing ko na rin syang kapatid. Sya ang bunso namin na mamahalin namin kagaya ng pagmamahal namin sa isa't isa. Lumipas pa ang ilang taon ay pare-pareho na kaming lumalaki ng aking mga kapatid. Dahil sa nanggaling kami sa iba't-ibang pamilya ay may iba't ibang pag-uugali rin ang bawat isa sa amin. Si Hunter ay likas na palangiti ngunit minsan ay mapang-asar din. Si Axel naman ay madalas na masayahin at lagi ring may ngiti ang kanyang mga labi at pati na rin ang kanyang mga mata. Si Jet naman ang pinakamaraming alam na kalokohan, ngunit hindi sya nabibigong pangitiin kami. Si Grayson ay likas na nakakatawa ang personalidad, sya ang pinakamasayahin ngunit pinakaiyakin at duwag din. Si Eryx naman ay likas na masungit at laging naiirita lalo na kapag inaasar sya ng iba naming mga kapatid. Si Jethro naman ay hindi ko pa masyadong alam ang pag-uugali dahil napakabata pa nya, ngunit sa nakikita ko ay isa syang napakabait na bata. Kahit may kanya-kanya kaming pag-uugali ay mas pinipili naming intindihin ang bawat isa dahil wala na kaming masasandigan pang iba. Habang kami ay nasa hapag kainan... "Oh, ikaw na ang manalangin ngayon, Axel . Magpasalamat tayo sa biyayang ibinibigay ng maykapal." Wika ni Sister Elena Nagulat si Axel nang tawagin ang kanyang pangalan. Hindi nya gusto ang manalangin para sa lahat. Pakiramdam nya kasi ay lagi syang pagtatawanan ng iba naming mga kapatid. "Hala bakit ako Sister? Si Hunter na lang, mas matanda aman sya sa akin. Bulol po ako." Pagtanggi ni Axel "Bakit ako? Ikaw daw eh!" Pagmamaktol naman ni Hunter Kaagad na umingay ang hapag kainan dahil sa mga tawanan tungkol sa mga sinabi nina Axel at Hunter. Talagang tinatanggihan nila ang pagdarasal dahil tiyak na aasarin sila ng ibang mga bata dito. "Hindi magandang ugali yan Axel. Sige na, magdasal ka na at magpasalamat sa Diyos." Sambit pa ni Sister Elena Napakamot sa kanyang ulo si Axel. Kahit labag sa kanyang loob ay pinilit nyang magdasal. "Sabihin mo ang lahat ng iyong dasal mula sa puso. Lahat ng nais mong sabihin ay ilabas mo lang. Purihin mo ang kanyang pangalan." Wika pa ni Sister Elena Kaagad na pumikit si Axel at taimtim na nagdasal. Pumikit na rin kaming lahat upang damhin ang pagdarasal na kanyang sasambitin. "Sa ngalan ama, anat, esprito, santo Amen. Lord, salamat po dahil may masarap kami pagkain araw-araw. Salamat po dahil nariyan lagi sa tabi namin sina Sister para alaga kaming lahat. Salamat din po dahil kahit iwan kami ng mga magulang namin ay binigyan mo pa rin kami ng isang ina, si Sister Elena. At may legaro pa kami, dahil binigyan mo kami ng mga kapatid na mapang-asar. Lord salamat po. Wala na po ako mahihiling dahil kuntento na po ako dito. Amen." Panalangin ni Axel Naantig ang puso ko dahil sa panalangin ng nakababata kong kapatid na si Axel. Sa murang edad ay marunong na syang makuntento sa buhay at hindi kailanman naghahangad ng yaman sa mundo. Dito sa bahay ampunan ay walang puwang ang kasamaan. Tinuruan kami ni Sister Elena ng lahat ng kabutihan sa mundo. Ibinahagi nya sa amin na ang isang mabuting bata ay maraming biyaya ang makukuha mula sa Diyos. Kahit na pinalaki kaming mabubuting bata ni Sister Elena ay may kapilyuhan din kaming taglay paminsan minsan. Kapag sumasapit ang Disyembre ay may pumupuntang pares ng mga mag-asawa sa bahay ampunan upang mamimili sa amin nang kanilang aampunin. Nakahilera kaming lahat sa harapan ng malaking Christmas tree sa labas ng ampunan at para kaming mga laruan na syang pagpipilian nila. Lingid sa kaalaman ni Sister Elena ay gumawa kaming magkakapatid ng malaking plano. Sa tuwing may pupuntang bisita ay ipapakita namin ang pinakamasama naming ugali upang huwag nila kaming piliin. Alam kong hindi maganda ang aming gagawin ngunit ang gusto ko lang naman ay magkasama-sama pa kami ng mga itinuring kong mga kapatid. Ayokong mawalay ang kahit na isa sa kanila. Hindi ko kakayanin kapag naiisip kong magkakahiwa-hiwalay kami. At sa palagay ko ay ganun din ang iba ko pang mga kapatid. Habang tahimik na naglalakad ang mag-asawa upang kilatisin kami, ay binigyan namin ng masamang tingin nina Hunter at Axel ang babae, kasabay ang nakakaasar na pagngisi sa kanila. Nang titigan ng babae sina Hunter at Axel ay dali-daling naglabas ng dila ang mga kapatid ko at pinapangit nila ang kanilang mga itsura. Napangiwi ang babae at napailing na rin, isang indikasyon na hindi nya gusto ang mga bata na nasa harapan nya. Ayos! Mukhang magtatagumpay pa rin kami ngayong taon! Sina Jet, Grayson at Eryx na lang ang gagawa ng masamang imahe para sa kanilang sarili upang hindi sila mapili ng mag-asawang ito. Itinapon ko sa sahig ang bubble gum na nginunguya ko kung kaya't naapakan ito ng babaeng kumikilatis sa amin. Nagtawanan naman sina Jet, Grayson at Eryx. "Buti nga sa kanya!" Sambit ni Jet "Dapat tinpunan mo pa ng tubig sa mukha eh!" Wika naman ni Grayson "Kapag pinili nya ako, uubusin ko ang laman ng ref nila, tapos manonood lang ako ng TV maghapon. Ang sarap siguro gawin yon!" Wika rin ni Eryx Lumingon ang babae sa amin. Kitang kita ko ang galit na galit na reaksyon ng kanyang mukha. Iyon ang nais namin, ang mainis sa amin ang mga bisita upang hindi nila kami piliin. "Ah! Bastos na mga bata!" Wika nung babaeng inaasar namin Pinipigilan namin ang aming mga tawa dahil baka umusok na sa galit ang babaeng iyon. Pagka-alis ng mag-asawa sa aming harapan ay kaagad na nagbigayan kami ng high five ng mga kapatid ko. Nagtagumpay muli kami ngayon na hindi mapili. Magkakasama-sama muli kaming magkakapatid sa bahay ampunan. "Rocky! Magtungo ka sa opisina ko ngayon din!" Malakas na tinig ni Sister Elena Sa pagkakarinig ko sa kanyang tinig ay alam kong galit si Sister. Biglang namuo ang kaba at takot nang makita ko ang reaksyon ng kanyang mukha. Alam na kaya nya ang kalokohang ginagawa namin sa mga bisita. Alam kong mali ang mga ginawa naming iyon at napakarami nang pangaral ang ibinahagi sa amin ni Sister Elena, ngunit may dahilan kung bakit namin iyon ginagawa. Hindi namin gusto na magkahiwa-hiwalay kaming pito. Sana ay maintindihan iyon ni Sister Elena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD