“Ano bang ginagawa mo, Axton? Bakit kailangan mong manakit?” sita ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan talaga ang sarili.
“He tried to kill you!” matigas niyang katuwiran.
Marahas naman akong nagbuga ng hangin. “Ako ang may kasalanan, dahil bigla na lang akong tumawid. Hindi ko napansin na–”
“Exactly!” putol niya sa akin. “Siya ang nagda-drive kaya dapat lang na nakita niya na may tao sa harapan niya. What if he hit you? Paano kung hindi lang ‘yan ang nangyari sa ‘yo?” patuloy niyang panenermon sa akin.
“I think it’s not right to scold her when she’s already suffered physically and emotionally!” bigla ay singit ni Stanis. Kaya naman nabaling sa kaniya ang paningin ni Axton at sinamaan siya ng tingin.
“Huwag kang makikialam dito, ah! Hindi kita kinakausap!” maangas na asik ni Axton sa kaniya.
Napanganga ako dahil pakiramdam ko ay nagiging unreasonable na si Axton.
“Tama na, Axton! Bakit ba kasi nandito ka pa? Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo!” sarkastikong saad ko. Hindi ko naman ginustong maging sarcastic, pero hindi ko lang mapigil.
Hindi naman siya nakasagot at tumitig lang sa akin. At sa gilid ng mga mata ko ay napansin kong matamang nakamasid lang din si Stanis sa aming lahat.
Malamig ang hangin sa clinic, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init ng tensyon sa paligid. Pakiramdam ko, para akong nasa gitna ng isang digmaan, ang sakit sa katawan ko ay hindi ko na halos maramdaman dahil sa bigat ng emosyon na bumabalot sa akin.
“I think you need more rest and–”
Tumayo si Stanis at lumapit sa kama ko para alalayan akong muling mahiga pero agad siyang hinarangan ni Axton. Ano kaya ang problema ng lalaking ito?
“Umalis ka na rito! Hindi ka na namin kailangan. Bakit ba kasi nandito ka pa? Are you waiting for a reward? Magkano ang–”
“Axton!” gimbal na sigaw ko. “What the hell are you doing?”
Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Axton. Halatang na-realize niya ang nagawa niya pero mukhang walang balak mag-sorry man lang.
“It’s alright, Vielle. Please lie down again…” puno ng pagmamalasakit na saad ni Stanis.
Masakit ang sugat sa braso ko, at ramdam ko ang maliliit na pasa sa tuhod ko. Pero ang pinakamasakit sa lahat? Ang nangyari bago ang aksidente.
At ngayon ay umaakto na may kawirduhan itong si Axton kaya lalo lang akong naguguluhan.
May sasabihin pa sana siya ngunit biglang bumukas ang pintuan.
"Vielle!"
Napalingon ako, at agad akong niyakap ni Mommy na halatang gulat at takot na takot sa nangyari sa akin. Ramdam ko ang panginginig ang mga kamay niya habang hinahaplos ang mukha ko.
"Anak! Diyos ko, ano’ng nangyari sa’yo?!" Napaluha siya habang tinitingnan ang sugat sa braso ko.
Si Daddy naman ay hindi mapakali. Agad siyang lumapit sa doktor na kapapasok lang ngayon at seryosong nagtanong.
"Kumusta po ang anak ko, Dok? May dapat ba kaming ipag-alala?"
Ngumiti naman si Dok at bumaling sa akin. "Wala pong internal injuries, Sir. Wounds and bruises lang, pero kailangan pa rin niyang magpahinga," mahinahong sagot ng doktor.
Ngunit sa halip na mapanatag ay mas lalo pang kumunot ang noo ni Daddy. Halatang pinipigil niya ang galit sa sitwasyon.
"Bakit ngayon lang namin ito nalaman? Kung hindi pa tumawag ang driver namin, hindi pa namin malalaman na muntik nang mamatay ang anak namin!"
Narinig ko ang bahagyang pagbuntong-hininga ni Axton sa tabi ko. "Tumawag ang driver?" bulong niya, tila nagulat din.
Napatingin ako sa kaniya at doon ko narealize na hindi nga siya ang tumawag sa parents ko. Si Kuya Andy, ang driver namin, ang nag-abiso sa kanila.
Siguro napansin niyang hindi ako bumalik sa kotse, kaya naisip niyang may nangyaring masama. O nakita kaya niya ang nangyari sa akin?
Pero bago ko pa maipaliwanag kay Mommy ang lahat, biglang lumapit si Daddy sa isang tao na hindi ko inaasahan… kay Stanis Dela Ranta.
"Ikaw ba ang nagligtas sa anak ko?" malalim ang boses na tanong ni Daddy, pero halata ang pasasalamat.
Tahimik lang na tumango si Stanis. Mukhang composed pa rin siya kahit na may bahagyang galos sa braso niya.
"Opo, Sir. Ako po si Stanis. Nakita ko siyang tumatakbo sa daan at muntik nang masagasaan. Mabuti na lang at umabot ako bago siya tuluyang masaktan nang malala."
Halos hindi ako makahinga. Si Stanis ang nagligtas sa akin. Siya iyong humawak sa braso ko.
Napabuntong-hininga si Daddy, at kitang-kita ang relief sa mukha niya. "Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, iho."
“We are really grateful, Stanis. Hindi ko alam ang gagawin namin kung may masamang nangyari kay Vielle.” Pasasalamat naman ni Mommy at bahagyang ngumiti kay Stanis.
Biglang lumamig ang hangin sa paligid.
Napatingin ako kay Axton. Kitang-kita ko kung paanong tumalim ang tingin niya kay Stanis. Para bang may apoy na lumalagablab sa mga mata niya.
Kung nakamamatay lang ang panlilisik ng mga mata niya ay kanina pa tumimbuwang itong si Stanis. Ano ba ang ikinagagalit niya? Hindi ba dapat thankful pa siya?
Nagtagpo ang mga mata nila… dalawang alpha male na parehong may malakas na personality. Pero iba ang aura ni Axton. Parang gusto niyang sumingit, mayroon siyang gustong sabihin, pero wala siyang magawa.
"Hindi niyo po kailangang magpasalamat," biglang sabi ni Stanis habang nakatingin lang kina Mommy at Daddy. "Bilang kaibigan ni Vielle, natural lang na gusto kong siguraduhin ang kaligtasan niya."
Kaibigan?!
Hindi ko alam kung anong mas ikagugulat ko… ang paraan niya ng pagsasalita o ang sobrang seryosong tingin ni Axton sa kaniya.
“Magkaibigan kayo?” hindi napigilang tanong ni Axton.
Hindi naman ako nakasagot kasi sa totoo lang, ngayon ko palang nakilala itong si Stanis. Siguro sinabi niya lang na magkaibigan kami para hindi na gaanong mag-alala pa ang mga magulang ko.
“Y-Yes… we are friends,” salo ko sa sinabi ni Stanis. Dama kong napatingin sa akin si Stanis, pero nanatili ang atensyon ko sa mga magulang ko.
Maya-maya lang ay lumapit si Stanis sa akin at mahinang bumulong, "Okay ka lang ba?"
Napakurap ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Pero mas lalo akong naguluhan nang marinig ko ang malamig na boses ni Axton.
"Hindi mo na kailangang magpaka-bida pa rito, Dela Ranta," matigas niyang sabi, halatang hindi natutuwa sa buong eksena.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Stanis. "I just did what needed to be done, Aguilar. Kung wala ako roon, malamang..." Napatingin siya sa sugat ko. "...mas malala ang nangyari kay Vielle."
“Kilala mo siya?” mahina ngunit gulat kong tanong.
“A little,” tipid na tugon sa akin ni Stanis at nanatiling nakangiti.
“Axton, why are you here? And besides, don’t be rude to the man who saved my daughter…” pormal na tanong at may halong pagalit na saad ni Daddy.
“I’m sorry, Uncle… I was just worried for Vielle,” magalang namang tugon niya.
“That doesn’t answer the question, why were you here?” giit ni Daddy.
Halos hindi na ako makahinga sa tensyon sa pagitan nilang dalawa.
Ilang saglit lang ay lumapit na si Daddy kay Axton kaya lalo akong kinabahan. "Ikaw ba ang kasama ng anak ko bago nangyari ito? Tama ba ako?"
Tumango si Axton. "Opo, Uncle Ram."
Kumunot ang noo ni Daddy. "Then tell me, bakit siya tumakbo nang gano’n? Ano ang ginawa mo?"
Kita ko agad na nanigas sa kinatatayuan si Axton.
Alam kong hindi niya iyon inaasahan. Halatang nag-aalangan siya, pero hindi siya makasagot. Hindi niya kayang sabihin ang totoo.
Napapikit ako nang mariin. Hindi ko rin kayang sabihin ang totoong nangyari.
“I think we already talked about this. Malinaw ang usapan natin na hinding-hindi mo na ulit lalapitan o pakikialaman ang anak ko!” muling nagsalita si Daddy dahil hindi sumagot si Axton.
“Ram…” tawag naman ni Mommy kay Daddy. “Let’s talk about this at home. Iuwi na natin si Vielle. Tutal hindi naman na siya kailangang i-confine.”
Isang matiim na titig ang ibinigay ni Daddy kay Axton kaya napayuko ito, pagkatapos ay nagbuga ng hangin.
“Stanis,” bumaling si Daddy sa kaniya. “We are really thankful for what you did. If there’s anything I can do for you, don’t hesitate to say.”
“Thank you, Sir! Pero ang makitang okay si Vielle ay sapat na po sa akin,” maginoong tugon naman ni Stanis.
Maging si Mommy tuloy ay napangtii sa pagiging magalang niya.
“That’s good to hear then. Huwag mo na akong tawaging Sir, Uncle Ram na lang,” saad ni Daddy.
“Hindi po ba nakakahiya, Sir – I mean… Uncle Ram?” may pag-aalangan si Stanis.
“Of course, not! I want to invite you for dinner at our house one time…” alok pa ni Daddy.
Doon ko nakita kung papaanong lalong nagdilim ang mukha ni Axton. Ngunit hindi naman siya makapagsalita.
“Thank you po, Uncle Ram!” lumapad ang ngiti ni Stanis nang tumingin sa akin. Tinugon ko rin siya ng ngiti na puno ng pagpapasalamat.
Kahit kaya ko namang maglakad ay binuhat pa rin ako ni Daddy na parang baby hanggang sa marating namin ang sasakyan. Mabuti na lang at wala nang tao sa paligid, kung hindi ay nakakahiya sana.
“Stanis, mauna na kami. Salamat talaga sa tulong mo, ha? Pasensiya ka na kung pati ikaw ay naistorbo ko na,” sambit ko noong nasa loob na ako ng sasakyan.
“The pleasure is mine… pagaling ka agad…” masayang sagot naman niya.
Nahagip pa ng mga mata ko ang pagharurot ng sasakyan ni Axton paalis sa parking lot. Isang malalim na buntong-hininga lang ang pinakawalan ko.
I felt empty inside. Now that he’s gone. I almost died today because I was truly hurt by his words. Gano’n pa man, alam kong hindi peke ang pag-aalala niya kanina.
O baka naman guilty lang siya, kasi siya ang dahilan kaya muntik na akong madisgrasya?
“Vielle… why?” agaw ni Mommy sa atensyon ko habang nagbibiyahe na kami pauwi.
Pilit akong ngumiti at umiling. “Medyo mahapdi lang po ang sugat ko, Mommy. But, I’m alright…” pagsisinungaling ko.
Pero ang totoo, walang laban ang kirot ng mga sugat ko sa sakit na nararamdaman ng puso ko.
Nang makauwi na kami ay nag-shower ako. Pagkatapos ay pinalitan ni Mommy ang dressing ng sugat ko. Kumain lang din ako nang kaunti bago nahiga.
Sobrang naku-curious talaga ako kung sino ang girlfriend ni Axton. Anong klaseng babae ang tipo niya. Iyong nangyari sa amin, wala lang ba sa kaniya iyon? Ano iyon, libog lang?
Anong klaseng babae siya?
Mas maganda ba siya kaysa sa akin? Matangkad? Matalino? Mula rin ba siya sa mayamang pamilya?
Masaya ba si Axton sa kaniya?
Ang daming tanong na umuukilkil sa isip ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito kasakit?
Napatitig ako sa bouquet ng pulang rosas sa mesa, ang bouquet na dala ni Axton noon sa party ko. Akala ko, may ibig sabihin ang lahat ng iyon. Akala ko, sa wakas, kahit papaano…
Napailing ako at pinilit itulak ang sakit palayo. Hindi ako dapat magpaka-martir.
Tumayo ako at naglakad papunta sa vanity table. Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Ako si Avielle Venize Contreras, anak nina Ramvince at Leahbel Contreras, mayaman, maganda, matalino. Pero bakit parang hindi pa rin ako sapat?
Napakapit ako sa gilid ng mesa, habang pinipigil ang mga luha na magbabadyang pumatak.
Hindi ako pwedeng umiyak nang ganito lang. Hindi ako dapat nagpapatalo sa sakit.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mata ko. Kung may girlfriend si Axton, wala na akong magagawa doon.
Pero isang bagay ang sigurado ako… hindi ako papayag na burahin niya ako sa buhay niya nang gano’n-gano’n lang.
I need to know who that woman is!
Kinabukasan, maaga pa lang ay tinawagan ko na agad ang pinsan kong si Labhran Marconi. Alam kong siya lang ang makakatulong sa akin dito.
"Labhran, help me," agad kong sabi pagkarinig ang pagsagot niya ng tawag ko.
"Good morning din sa’yo, Vielle," mapang-asar na sagot niya. "Ano na naman ito? May ipapa-track ka na namang tao?"
"Exactly," mabilis kong sagot. "Kailangan kong malaman kung sino ang girlfriend ni Axton."
Natahimik siya ng ilang segundo bago tumawa. "Wow, Vielle. As in talagang gusto mong alamin iyan? I think you are too beautiful to be this desperate! Hindi mo ba kayang tanungin si Axton mismo?"
"Labhran," irritable kong sagot, "kung may balak siyang sabihin sa akin, ginawa na niya. Hindi siya nagsalita, which means may tinatago siya. At gusto kong malaman kung ano ‘yon."
Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Fine, I’ll help you. Pero may isang kondisyon."
Naningkit ang mga mata ko. "What is it?"
"You owe me one, and you don’t get to ask what favor I’ll ask in return. No questions, no backing out. Kung ano man ‘yon, kailangan mong gawin."
Napalunok ako. "Ano namang klaseng favor ‘yan? Baka naman gusto mong–"
"Deal or no deal, Vielle?" putol niya sa akin.
Napakagat labi ako. Labhran may be mischievous, pero never niya akong inilagay sa alanganin mula pa noon. Isang taon lang naman ang tanda niya sa akin.
"Fine. Deal."
"Good. Give me two days."
Dalawang araw. Dalawang araw akong naghintay nang may halong kaba at excitement. Hindi ako mapakali sa kakaisip kung sino ba talaga ang babaeng ‘yon.
Hanggang sa makuha ko na ang tawag ni Labhran.
"Her name is Adhelfa Rose Camia. Ynah daw ang nickname niya."
Napakurap ako. "Adhelfa Rose… Sino ‘yon?"
"She’s from a very wealthy family. Their main business? Online gambling."
Natigilan ako. Online gambling? Hindi ko inaasahan ‘yon. Bigla ko tuloy naalala si Atong Ang. Yumaman din yata iyon dahil sa online gambling.
"And here’s the interesting part," dagdag pa ni Labhran. "Mukhang seryoso siya kay Axton. They’ve been seen together in different private events these past few weeks."
Parang may pumiga sa puso ko. "I see," mahina kong sagot.
"Ano, satisfied ka na?" tanong niya.
Pero hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil sa halip na sagot, mas marami pa akong tanong sa isip ko.
Hindi ako mapakali matapos ang sinabi ni Labhran. Adhelfa Rose Camia… Ynah. Hindi ako familiar sa kaniya, pero kung totoong seryoso siya kay Axton, then I had to see it for myself.
At kaya nga heto ako ngayon, nasa loob ng kotse, tahimik na nakaupo sa passenger seat habang pinagmamasdan ang babaeng kanina ko pa sinusundan.
Labhran had managed to dig deeper, at nalaman niyang Ynah was studying to become a flight attendant. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko ‘yon, mas lalong gumulo ang isip ko. Axton wants to be a pilot. Ynah wants to be a flight attendant.
Para silang puzzle pieces na perpektong nagma-match. Damn it!
Nakakagat ko ang labi ko habang nagmamasid mula sa loob ng tinted na kotse. I parked at a discreet distance from the entrance of the Philippine State College of Aeronautics, kung saan nag-aaral si Ynah.
She was currently standing outside the building, casually chatting with a group of girls in uniform… white blouse, black pencil skirt, and a navy blue necktie. She looked so polished and elegant, parang isang flight attendant na talaga.
She was undeniably beautiful. Mahaba at bagsak ang dark brown niyang buhok, flawless ang balat, at may kakaibang sophistication ang bawat kilos niya. Pero hindi lang iyon ang bumabagabag sa akin.
Maya-maya pa, isang itim na Range Rover ang pumarada malapit sa kanila. Halos malaglag ang puso ko nang makita ko kung sino ang bumaba mula rito.
Si Axton.
Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok.
Naglalakad siya papunta kay Ynah, suot ang isang black polo shirt at dark jeans. His usual cold and unreadable expression was there, pero iba ang naging reaksyon ni Ynah nang makita siya, nagliwanag ang mukha nito.
She immediately walked towards him, at walang pag-aalinlangang niyakap ang braso ni Axton, as if it was the most natural thing in the world.
Para akong tinarakan ng maliliit at matatalim na karayom sa dibdib.
Pinanood ko silang dalawa, pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. I wanted to look away, pero hindi ko magawa.
Nakita kong may sinabi si Ynah, at sa gulat ko, bumaling si Axton sa kaniya at ngumiti, isang maliit pero totoo at bahagyang nahagip ng araw na ngiti.
Hindi ko na kinaya.
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Ni hindi ko alintana kung may makakakita sa akin. Hindi ko alam kung anong plano ko, pero gusto kong makita nang mas malapitan ang lahat. I needed to know the truth.
Naglakad ako palapit, pero bago pa ako makalapit, isang pamilyar na presensya ang pumigil sa akin.
"Well, well, well. Anong ginagawa ng isang Avielle Venize Contreras sa ganitong lugar?"
Napakurap ako at mabilis na napalingon sa nagsalita. Sa harapan ko ay isang lalaki… matangkad, may magandang tindig, at halatang galing din sa buena familia.
He had sharp features, piercing blue eyes, and a smirk that screamed amusement. Suot niya ang isang well-fitted navy-blue suit na parang galing lang sa isang high-end business meeting.
Napaatras ako nang bahagya. "Who the hell are you?" inis kong tanong.
Lalo siyang ngumiti, bahagyang yumuko at bumulong. "Delvin Yllandra. And you, my dear, just made my day more interesting."
Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Who is this man, and why does it feel like I just walked into a trap?
Napaatras ako nang bahagya, hindi dahil sa takot, bagkus dahil sa matinding discomfort na dulot ng presensya ng lalaking nasa harapan ko. Delvin Yllandra. The name alone sent a strange chill down my spine.
He looked at me like he already knew me, like he had been expecting me all along. His sharp blue eyes held amusement, pero may kung anong nakatagong intensyon sa likod ng titig niya na hindi ko mabasa.
"I asked you, who the hell are you?" ulit kong tanong, this time mas matigas na ang boses ko.
Bahagya siyang tumawa, isang tunog na parang sinadya niyang gawing nakakairita sa pandinig. "Oh, Vielle. You really don’t know me?"
My breath hitched. Bakit ba niya alam ang pangalan ko?
"What do you want?"
He smirked, leaning slightly closer. "Nothing much. Just… curious. Hindi ko lang in-expect na makikita kita rito, secretly spying on your boyfriend and his new girl?"
Muntik ko na siyang sampalin. Grabe, nakakapikon siya. "Mind your own damn business."
"Oh, but you’re making it my business, sweetheart," he chuckled. "Gusto mong malaman kung sino si Adhelfa Camia sa buhay ni Axton, tama ba?"
Nanigas ako.
His smirk widened as if he had just confirmed his suspicion. "Ah… So, I’m right. You’re here because of him."
Bago pa ako makapagsalita, bigla siyang tumingin sa direksyon nina Axton. My heart pounded in my chest as I followed his gaze. Nakita kong nakasandal si Ynah sa sasakyan habang nakatingala kay Axton.
She was saying something, at kahit hindi ko marinig, I could tell by the way she smiled na may kilig siya. They looked happy together.
Then it happened.
Ynah reached out… at hinawakan ang mukha ni Axton.
And he just stood there. He let her.
Parang binagsakan ako ng langit at lupa.
Hindi ko namalayang nanginginig na ang mga kamay ko. Hindi ko rin namalayan na humahakbang na ako palapit, pero bago pa ako makalapit sa kanila, may humila na sa akin.
"Uh-uh, wag ka munang gagawa ng eksena."
Hinila ako ni Delvin sa isang gilid, malayo sa tanaw ng ibang tao. Saka lang ako natauhan sa nangyari.
"Ano ba! Pakialam mo ba?!" I snapped, trying to shake off his grip.
Pero hindi siya natinag. Instead, he leaned even closer, enough for me to catch a whiff of his expensive cologne. "If you really want to know what’s going on, Vielle, I can help you."
"And why the hell would you do that?"
His smirk turned into something more sinister. "Because I’m very interested in you, Avielle Venize Contreras. And I always get what I want."
A cold shiver ran down my spine.
For some reason, I just knew… this man was dangerous.
Napaatras ako nang bahagya, pero hindi ko magawang bumitiw sa titig niya. His dark eyes held something unreadable, parang isang laro lang ang lahat para sa kaniya.
"You're insane," I spat, trying to put as much distance as possible between us. Pero kahit anong gawin ko, he was too close, too imposing, too... terrifyingly confident.
Delvin chuckled, leaning against the wall like he had all the time in the world. "Oh, sweetheart," he drawled. "If you really think that, then you have no idea what insanity truly looks like."
Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. My instincts screamed at me to run, to get away from him, pero may isang parte sa akin na gustong malaman, ano ba talaga ang pakay niya?
"Ano bang gusto mo sa ’kin?" I demanded, keeping my voice steady kahit na ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko.
His smirk deepened. "Let’s just say... I like things that are rare and unattainable." His gaze traveled over me in a way that sent chills down my back. "And you, Avielle, are the most fascinating thing I’ve ever laid my eyes on. The prettiest…"
Napakuyom ako ng kamao. "Stop messing with me."
"Who says I am?" He tilted his head. "You want to know about Axton’s little girlfriend, don’t you?"
Biglang nanigas ang katawan ko. How did he know that? Kanina pa ako kating-kating malaman, pero masyado siyang pabitin.
Kitang-kita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya, as if he could read my thoughts. "Oh, sweetheart, I know a lot of things. And believe me, if you want answers, you’re going to need someone with… resources."
His voice was smooth, calculated. A predator offering a tempting deal to his prey.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. "And what do you get out of this?"
This time, he didn’t answer right away. He stepped forward, at kahit gusto kong umatras, ay wala na akong aatrasan pa. Then, in a whisper that made my skin crawl, he said, "You'll find out soon enough."
Then, just like that, he walked away, leaving me standing there, shaken… and terrified of whatever game he had just pulled me into.
Mabilis akong umalis ng lugar na iyon, hindi alintana ang paghabol ng hininga ko. The encounter with Delvin Yllandra left me shaken, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. What the hell just happened?
He knew about Axton and Ynah. Alam niya na may hinahanap ako. And the way he spoke… parang may alam siyang hindi ko pa natutuklasan.
Mabilis akong sumakay ulit ng kotse at inutusan ang driver na umalis na. Manila were bright, pero parang lumabo ang lahat sa paningin ko. I needed to get out of here.
Pagdating ko sa condo ko, papasok pa lang ako sa elevator ay may humawak sa braso ko. Napalingon ako at muntik nang mapasigaw, mabuti na lang at nakilala ko agad si Labhran.
"Where the hell have you been?" he hissed, his sharp eyes scanning me from head to toe. "I've been trying to call you for the past hour!"
"Labhran, not now," I muttered, pulling away.
Pero hindi siya natinag. "Not now? Do you have any idea how reckless it was to come here alone? Sino ‘yong lalaking kausap mo kanina?"
Nanlaki ang mga mata ko. “Paano mo nalaman?”
“I had someone following that Ynah. At ibinalita nga niya sa akin na nakita ka roon sa school niya,” agad nitong sagot. “So, sino nga iyon? Bakit basta ka na lang nakikipag-usap sa hindi mo kilala?”
Tuloy-tuloy ang panenermon niya na para bang elementary teacher na pinagagalitan ang makulit na estudyante.
Napabuntong-hininga ako, still trying to process everything. "Delvin Yllandra," I admitted. "And he - "
Labhran’s expression darkened instantly. "You talked to him? Vielle, do you even know who he is?"
Nagkibit-balikat ako. "Some rich guy? Apparently, a powerful one?"
Labhran cursed under his breath. "He’s not just some rich guy, Vielle. He’s a multi-millionaire producer, yes, but he’s also dangerous. He’s known for making people disappear if they get in his way."
A cold shiver ran down my spine. "Disappear?"
Labhran grabbed my shoulders, forcing me to meet his gaze. "Stay away from him."
Napalunok ako, pero bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang cellphone ko.
Axton calling...
My heart clenched instantly. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin o hindi. Pero bago pa ako makapagdesisyon, Labhran snatched the phone from my hand at sinagot ito.
"What do you want, Aguilar?" ni-loudspeaker pa niya.
"Nasaan si Vielle?" Axton's voice was sharp, almost frantic.
Labhran narrowed his eyes. "Why? You’re busy with your girlfriend, and yet you want my cousin? Are you crazy, Aguilar?"
"Huwag mo akong subukan, Marconi," Axton growled. "Just tell me where she is."
Labhran smirked bitterly. "She’s with me. And believe me, after what you did? You don’t deserve to know more than that."
Then he ended the call, leaving me standing there, confused, torn, and more lost than ever.
“O? Bakit ganiyan ang hitsura mo? Don’t tell me affected ka pa rin?” tila mainit ang ulo na tanong niya.
Labhran was like a big brother to me. He is mischievous, but he is also very caring, supportive and protective of us.
“Sige na umalis ka na… salamat sa tulong mo,” mahinang sabi ko at tinalikuran na siya. Pero nagulat ako kasi pagsakay ko ng elevator ay sumunod din siya.
“I’m hungry! Pakainin mo naman ako. Pinagod mo kaya ako!” reklamo niya.
Napangiti ako. Alam kong dahilan niya lang iyan. Pero ang totoo ay nag-aalala siya sa akin kaya ayaw niya akong iwan mag-isa.
Wala man akong kuya dahil ako ang panganay, dalawa sila ni Kuya Llander na kuya ko. Mga tagapagtanggol kapag may umaapi o umaagrabyado sa akin.
“Why don’t we just drink?” suhestyon ko.
Naningkit naman agad ang mga mata niya kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi.
“Hindi porke 18 ka na ay puwede ka nang maging lasinggera, ha!” saway niya sa akin. Marahas lang akong nagbuga ng hangin. Gayunpaman ay iinom pa rin ako!
I will drown myself and my sorrow with alcohol. Nakakainis talaga nag Axton na iyon! Masyadong paasa! Paano ba ako makakaganti sa kaniya?