*Ana point of view*
Nandito kami ngayon sa canteen kasama si best at Jason. Umalis din naman ako kanina Pagkatapos ng pangyayaring sagutan namin ni Sir Samuel. Iwan ko ba sa lalaking yun, Iba Iba Ang pinaggagawa. Di ko na Sya Minsan na iintindihan kasi naman Minsan sweet, mabait pero bigla naman nag susungit. Di ko nalang inabala Ang isip ko sa kakaisip sa kanya, gutom din naman kasi ako at natutuwa sa pinag kekwento nitong Isa kaya nawala na rin sa isip ko si sir hanggang matapos kaming mag lunch.
Pabalik na ako ngayon sa floor Kung Saan ako naka assigned. Nag aantay ako na bumukas ang elevator kaya nag antay pa ako ng ilang sigundo, ngunit sa Pag bukas nito ay Sya ring Pag bungad sakin ng mukha ni Sir Sam. Nag Dalawang isip akong pumasok dahil nahihiya parin ako sa nangyari kanina. Pero ayaw ko namang malate kaya wala na akung nagawa.
Tahimik Lang ako habang paakyat Ang sinasakyan namin. Iwan ko ba wala ring sumasakay na iba kami Lang dalawa. Para tuloy akung ma bingi sa katahimikan namin.
"I'm sorry for what I did kanina". Nabigla ako sa sinabi ni sir kaya napunta Ang mga mata ko sa kanya. Puno ng sinsiredad ang maabo niyang mata habang nakatitig sakin. Di ko Kasi inaasahan na mag so-sorry Sya sakin.
"O-okey Lang sir, pasinsya na rin po". Nauutal Kung sabi, Subrang kinakabahan kasi ako tuwing kaharap ko si sir. Yung parang lalabas na Yung puso ko sa Subrang kaba.
Sandali pa kaming tumahimik habang naka tingin sa pinto ng elevator.
"I didn't mean to do that, na dala Lang ako ng emosyon ko, I think". Kumonot naman ang noo ko sa sinabi nya. Emosyon? ano naman kayang emosyon iyon? saka sa tingin nya lang?
"Okey Lang po yun, SA tingin ko naman po".
"uhmm. Ana can you- "
Dina natuloy ni sir Ang sasabihin dahil agad din namang tumigil at bumukas ang elevator. Di namin na pansin na nasa huling palapag na pala kami at may sasakay pababa na ilang impleyado ng kompanya. Agad din naman akung lumabas doon at nag lakad papunta sa table ko. Sumusunod naman si Sir na naka pamulsa, na tila ba walang problema.
Hanggang sa huminto Sya sa tapat ko.
"Ana Yung kanina, I just wanna ask you if pwede mo ba akung sabayan Kumain ng lunch? di pa kasi ako kumakain" Mukhang nahihiya pa ito at nag antay ng sagot ko. Well Nag sorry naman Sya kaya Pag bibigyan ko nalang. Ngumiti nalang ako bilang Pag sang-ayon sa kanya.
"Thanks baby". At nag lakad na ito pa Alis habang may kinukuha sa bulsa. Pero na stock Ang isip ko sa huli niyang sinabi. Ano daw? baby? baby ba yon??
Habang busy ako sa Pag aayos ng sarili tumunog ang telepono sa mesa ko. Agad ko itong kuniha at sinagot, Si Sir Samuel ang nasa linya. Nag tatanong Kung ready na ba akung pumasok dahil parating na rin daw Ang inorder nya na pagkain ,sumagot naman ako at binaba na ang tawag. Tapos naman rin ako kaya tumayo na ako at nag lakad papasok, di na rin ako kumatok dahil Alam naman nya na papasok ako..
"Sit down, hmmm nag order na ako ng kahit ano di ko naman kasi na tanung Kung ano gusto mo".
"Okey Lang po, busog din naman ako".
May kumatok sa pinto at agad din naman itong binuksan ni Sir, Yun Yung nag diliver ng pagkain. Subrang Dami naman ng inorder nya, di naman ata to ma uubos.
"Subrang Dami naman po ata niyan?"
"Yeah, It's okey para maka pili ka Kung ano gusto mo, Okey let's eat?" Sabay ngiti nito. Ang gwapo lalo Pag ngumingiti pala. Bat di nalang Sya Ganyan, para lalo syang gogwapo.
"Gwapo po pala kayo Pag naka ngiti". Pag puri ko Dito habang tinitingnan Ang mga binili nya.
"What did you say again baby?" Yan nanaman Sya sa baby na Yan! Baka ma sanay ako ha..
"Sabi ko gwapo po pala kayo Pag naka ngiti, saka di po ako baby kaya wag nyo akung tawagin na baby". Tumawa naman ito bigla. Tumatawa din pala ito?
"Pag naka ngiti lang ba?" aba! ano naman gusto nito palabasin?
"Oo, wag ka nga piling noh". Natatawa Kung sabi sa kanya.
"I'm just asking here hahaha".
"Oo na, Kumain na nga tayo" Pag Iwas ko ng topic. Baka Saan pa to ma punta eh.
"Okey! sabi mo eh, so dapat naka ngiti ako, para gwapo ako sa paningin mo".
"Ano!? di naman po sa ganun sir, mas okey kasi pag naka ngiti Ang isang tao noh". Pag didipinsa ko sa sarili, tama din naman ako Diba? hehehe Pero sa totoo yes, gwapo po talaga kayo sir sam sabi ko sa isip.
Di na rin Sya sumagot pero may nakakalokang ngiti sa labi. Napa ngiti na rin ako dahil atleast napangiti ko Ang masungit Kung boss. Habang masaya kami sa Pag Kain biglang bumukas ang pinto at niluwa noon Yung bruhang punta Dito na parang sino. Di rin marunong kumatok! Agad din namang tumayo si Sir at nilapitan Ang babae.
"Wow!? a boss with the secretary eating together!". Titig na Sya sakin noong sinabi nya iyon. Tahimik Lang ako habang naka upo.
"Jessica! what are you doing here!? di ka ba marunong kumatok?"
"Dadalawin Lang naman Sana Kita Babe, Samuel pero bat nandito yang secretarya mo at sabay pa kayong Kumain?"
"Wala ka nang paki doon jes".
"Or maybe?... She's also one of your girl babe? well di na ako mag tataka pa dahil sa hitsura nya palang wala naman syang pinag Iba!".
"Stop it jessica! umuwi ka na muna".
"No! I just want to remind her na wag Sya assuming! dahil sa Dami namin na babae mo wala kahit ni isa Ang siniryoso mo samuel, Saka di ko Alam Bumaba na pala taste mo babe!"
Wala akung narinig na sagot mula Kay Sir Sam, kaya umalis na ako dahil Di ko na nakayanan pa Ang mga na rinig ko at maririnig pa kaya umalis na ako doon na walang paalam, patakbong pumunta sa restroom. Ang huling rinig ko nalang ay ang Pag suway Dito ni Sir Samuel. Pagka dating ko sa CR ay naluluha ako, di ko Alam bat parang apiktado ako sa mga sinasabi ng babaing iyon, paano Kung totoo Ang sinabi nya na may balak pala Sya na masali ako sa listahan nya ng mga babae? Bat ako nasasaktan ! Bat ako umiiyak! di dapat ganito dahil, wala naman akung nararamdaman sa kanya, mabait lang sakin si sir Sam dahil impleyado nya ako..
Nag palipas ako ng ilang sandali doon at nag retouch, dahil na Alis Ang light make up ko. Saka para di rin Halata na umiyak ako. After Kung na check Ang sarili ko sa malaking salamin ,ngumiti ako ng mapait . Ayaw Kung mag pahata na nasaktan ako doon sa mga narinig ko, ayaw kung maging mahina lalo na sa harap ni Sir Samuel dahil baka ma isip nya na makuha nya rin ako gaya ng mga babae nya!
"Smile Ana Marie, Wag mag papa apekto !" Pag papalakas ko sa loob ko at tuluyan na akung lumabas ng restroom..