Chapter II

2680 Words
Chapter II Jessica Marie Padilla's POV "Hey, Jessy, wake up!" Pinilit kong ignorahin ang kanina pang umaalog sa akin na si Kendall. Noong una ay naririnig ko lang ang boses niya. Ang buong akala ko ay nananaginip lang ako, pero nang alisin niya na ang kumot kong nakatabon sa mukha ko at inalog-alog ay namalayan kong nandito nga talaga siya sa tabi ko. Nang bahagya kong minulat ang mga mata ko para tingnan siya ay nakita kong nakasimangot na siya habang nakatingin sa cellphone niya. Siya na rin ang nakakumot ngayon. Walang nagagawang umupo ako at sumandal sa dashboard ng kama, na kaagad niyang napansin at nginisian. Ayoko pa sana siyang pansinin, ang kaso baka sa sobrang bored niya ay maisipan niya nanaman na i-text ang ex-boyfriend niyang nakipag-break sa kaniya nitong isang linggo lang, dahil sa nanliliit daw siya dahil mas malaki ang kinikita ni Kendall sa modelling. No wonder, dahil magaling naman talaga si Kendall pagdating sa modelling. Para bang isang flash lang ng kamera ay ibang tao na siya. Maganda si Kendall at sexy. Matangkad rin na lalong nakakapagdagdag ng good aura image niya sa modelling, idagdag pa na dinadala siya ng maemosyon niyang mga mata. Para sa akin ay napaka walang kwenta ng dahilan ng ex-boyfriend niya para makipag-break, kaya naman naiinis ako kapag naiisipan ni Kendall na makipagbalikan, for me he's not worth it. Pride versus Love? He simply chose his pride. "Kenny, alam mo namang puyat ako, mamayang alas sinco pa ang gising ko," nakasimangot kong sinabi saka kinuha ang phone niya na kasalukuyang nasa message inbox nila ni Billy, her ex. Umupo naman siya at sumandal din sa dashboard kapantay ko. "I just found out na nasa bar ninyo raw kahapon ang Rulers?" ngingiti-ngiti niyang sabi at malisosyong tumingin sa akin. Napailing ako. "At saan mo naman nalaman 'yan-" napaupo ako bigla ng diretso. "Don't tell me nakarating na sa media? Naeskandalo ba ang bar? Lagot ako kay Kuya!" "Hey! Relax!" hinila niya ako sa balikat ng natatawa kaya napasandal uli ako dashboard. "Selena told me okay," sabi niya ng naiiling. "She knows how much I love that band, that's why she told me. Buti nga siya naalala ako, e," kunwaring pagtatampo niya. "Sasabihin ko naman sa 'yo, e, kaso siyempre hindi kaagad dahil pagod ako," sabi ko at niyakap ang unan ko. Halos hatakin uli ako nito sa pagkakatulog sa lambot kung hindi ko lang nararamdaman ang paggalaw ni Kendall sa kama. "Hmp! Edi nakita mo na, guwapo ang crush ko," pagmamalaki niya na akala mo'y boyfriend na niya. Muli ko naman inisip ang mukha nila, especially ay kay Tyler. Matagal ko na rin naririnig ang Rulers kay Kendall, alam kong pareho sila ng idol ni Sam, pero hindi ko masiyadong naaalala ang hitsura nila, kaya nga kung hindi pa sinabi nina Sam kung sino si Tyler ay hindi ko pa makikilala. Pero kagabi ko lang na-realize at naintindihan kung bakit bukod sa musika nila ay hitsura rin nila ang kinaaadikan ng mga kababaihan sa Pilipinas. Hindi sila mukhang pure Pinoy, pero sa pagkakaalam ko ay diretso silang magtagalog, base sa mga sinasabi nina Kendall at Sam, at base na rin sa narinig ko kagabing accent nila. "Nabalitaan ko rin na nagbigay sila ng advance payment para sa pagbalik nila?" nagtaas-baba siya ng kilay. Napapikit ako ng mariin. Pakipaalala nga sa akin na kailangan kong habaan ang pasensya ko dahil kaibigan ko ang babaeng ito at kailangan niya ng kaibigan sa panahon na ito. Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. "Kenny, kung babalik man sila, hindi ngayon iyon. Malamang may hangover pa iyong tao." Sumimangot siya niyakap ang kumot ko. "Gusto ko na siyang makilala ng personal, si Tyler. Saka malay mo type ka pala ng nagbigay sa 'yo ng advance payment, baka gusto ka niyang balikan-" "Please! Don't even go there," pagbabanta ko. "'Di ba alam mo naman na ayokong tinutukso ninyo ako sa kung kani-kanino?" Sumandal siya sa akin. "Okay, sorry. Pero alam mo naman na hindi talaga kami magkasundo ni Sam, 'di ba?" Tiningnan ko lang siya. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi niya talaga gusto ang attitude ni Sam, at minsan pakiramdam ko ganoon din si Selena, hindi lang niya pinapakita. Si Amber naman ay inaamin sa akin na ayaw niya kay Sam pero pinapakisamahan niya pa rin ito. Hindi kagaya ni Kendall, si Amber kinakausap si Sam kahit ayaw niya, si Kendall ay hindi talaga. Hindi ko rin alam kung bakit, or maybe I know but I don't care. Noong una naman ay gusto nila si Sam para sa akin, kaso anim na buwan na kaming magkarelasyon nang nahuli siya ni Kendall na may babae at sinumbong sa akin. Naghiwalay kami noon, pero nag-sorry siya at nangakong magbabago, kaya naman binigyan ko siya ng second chance. Pinatunayan niya naman sa akin ang loyalty niya, kaso hanggang ngayon ay hirap pa rin para sa mga kaibigan ko na tanggapin at pagkatiwalaan siya, hindi ko sila masisisi doon, pero maayos ang samahan namin ni Sam, mahal ko siya, kaya umaasa ako na matatanggap uli siya ng mga kaibigan ko. "Okay, ganito na lang, tatawagan ko si Amber, pupunta kami sa bar ngayon at papuntahin mo rin si Sam." Bahagya ko siyang inilayo sa akin para makita ang mukha niya. "Bakit parang gusto mong biglang bigyan ng chance si Sam? Please don't tell me na gusto mo rin bigyan ko ng chance si Billy in exchange?" Bahagya siyang ngumiti sa akin na kaagad kong inilingan. "Sige, go ahead and invite Amber, para mag-enjoy. Pero hindi ko tatawagin si Sam, you can hate him whenever or however you want, but don't make me want Billy again for you." Tumayo na ako at iniwanan siya sa kama. *~* "Ang bilis ng balita ah! Nakarating kaagad kay Kenny?" bati ko kay Selena pagkapasok niya sa living room ng bar para ilagay ang mga gamit niya. Usually ay naka-pants siya at t-shirt pagdumarating sa bar, dito na siya magbibihis ng short at ng kung anong top na maisipan niya. Its not her uniform though, pero siyempre para hindi siya ma-out of place sa bar ay kailangan din niyang makisabay sa mga tao rito. Pekeng ngumiti siya sa akin. "Sorry na, alam ko naman kasing hindi ipagkakalat ni Kenny iyon, siyempre iniingatan ka rin namin. Malay mo lang makabuo ako ng string," paliwanag niya na nagpakunot-noo sa akin. "Anong string?" naguguluhan ako. "String! Brokenhearted si Tyler at brokenhearted din si Kenny-" "Ipapares mo siya sa brokenhearted? No! Gusto mo bang magkaroon ng part 2 ang pagiging heartbroken ng kaibigan natin?" Tumayo ako mula sa sofa at nilapitan siya na kasalukuyang nakatayo pa rin sa may mesa kung saan niya nilalagay ang gamit niya. "Hindi natin siya irereto." Ngumiti ng malambing si Selena at inayos ang maayos at diretso ko namang buhok. Ganito ito kapag nanlalambing o mang-uuto, nagkakainteres sa buhok ng kausap. "Malay mo lang, pero hindi ko ipu-push, promise." Inirapan ko siya at napatingin sa cellphone niya nang mag-beep iyon. Nakita kong pangalan ni Amber iyon kaya hinintay ko na lang na basahin niya. "Nandiyan na raw sila," sabi niya at nagsimulang mag-ayos. Napailing na lang ako at lumabas na patungo sa bar kung nasaan panigurado ang dalawa. Hindi pa gaanong karami ang tao since kakabukas lang, mamaya pa ang dagsa ng mga customer. At dahil konti pa lang ang tao ay nakita ko kaagad sina Kendall. Nakabihis na si Kendall ng yellow backless at black fitted jeans, nakakulot din ng bahagya ang hanggang balikat niyang itim na itim na buhok. Sabi niya kanina magbibihis daw siya sa condo ni Amber dahil marami raw ulit damit si Amber na bago galing sa ineendorso niyang damit, kaya iniwan niya ako kanina. Which is mabuti na rin dahil at least nakaidlip uli ako. Si Amber naman ay naka-black tube na pinatungan niya ng see through na black long sleeve, at maong short. Nakatali ang buhok niya pataas na dahilan para makita ang may kahabaan niyang leeg at batok. No wonder kung marami nanamang makakapansin sa appeal niya. Nang makita ako ni Amber ay ibinaba niya sa counter ang cocktail na iniinom niya saka lumapit sa akin. Halatang sanay na sanay siya sa high heels niyang sapatos. "Hindi na kita iiwan, para makapagpahinga ka mamaya." Alam kong ang pinupunto niya ay ang pang-iiwan sa akin kahapon ni Sam. "Get over with, Amber! May trabaho si Sam, ikaw ba wala?" Kunwari siyang nag-isip saka umiling. Kagaya ni Kendall ay modelo rin si Amber, at mayroon din siyang sarili niyang boutique. Ang pamilya niya kasi ay nagmamay-ari ng clothing business at iyon ang ineendorso niya. Kaya minsan nadadala kami ni Selena kapag kasama namin ang dalawang ito. Hindi kami puwedeng hindi nakaayos dahil si Kendall at Amber kahit nakapantalon lang o maluwag na damit ay akala mo rarampa pa rin kapag nagdala ng sarili. Fortunately ay alam ni Selena na pupunta ang dalawa naming kaibigan kaya nag-aayos siya ngayon. Ako naman ay alam ko pero hindi ako nag-abalang mag-effort masyado dahil bukod sa nandito ang mga kaibigan ko, marami akong customer at empleyado na aasikasuhin. Like my usual outfit ay nakasando lang ako na may manipis na lace at pantalon. Nakaladlad lang ang hanggang baywang kong tsokolateng buhok. "Ibinilin ko na ang boutique ko, at wala akong photoshoot bukas, so I'm all yours!" sabi niya at hinabit ako sa baywang. Nakita kong palapit na rin sa amin si Kendall at Selena na ngayon ay nakangisi. "Let's start the party!" tinaas ni Kendall ang kamay niyang may hawak na baso. Si Selena naman ay itinaas ang kamay niya at nag-snap. Nagsimulang tumugtog ang musika. Nang tingnan ko ang puwesto ng DJ ay nakita ko roon si Joe, ang kaibigan namin ni Selena na dating customer lang. Napailing na lang ako nang mapansin niyang nakatingin ako saka kinindatan. Maayos naman ang halos buong gabi namin. Nagkukuwentuhan at inuman. Siyempre hindi ako nagpapakalasing para kung magkagulo naman. Good thing ay wala pa naman. Hanggang sa 12:00 AM na, supposed to be ay nagpapahinga na ako, pero dahil sa nandito ang mga kaibigan ko ay hindi pa ako nagpapahinga. Unfortunately unlike me ay lasing na sila, hindi pa naman masyadong tumba pero hindi kasi kagaya ko ay hindi nila iniwasang malasing. Si Selena naman ay mataas ang tolerance sa alak, kaya hindi ko siya masyadong problema. "Gusto n'yo ba ipahatid ko na kayo?" tanong ko kina Amber at Kendall. "Ayoko pa! Sasayaw pa ako!" tanggi ni Kendall at hinawi ang kamay ko, saka naglakad ng halos pasuray-suray sa dance floor. "Kenny!" "Go get her, dito lang ako," sabi ni Amber sakayumukyok sa bar counter. Naiiling na sinundan ko si Kendall, at hayun! Nakita ko siyang sumasayaw at ilan beses nang muntik ma-out of balance. Nang lapitan ko siya ay nginitian niya ako. "You know who to call to pick me up," sigaw niya para marinig ko kahit napakalakas ng tugtog. "No! I won't call Billy!" "Please..." Tuluyan na siyang na-out of balance, nasalo ko siya pero dahil mabigat siya at halos walang malay ay muntik na akong matumba, mabuti na lang ay may sumalo sa akin pasandal. "Are you two okay?" narining kong sabi ng lalaki sa likod ko, malapit lang sa tainga ko kaya naman kahit maingay at 'di siya sumigaw ay narinig ko. "Me, yes, but her, I'm not sure." "Okay, I got her." Dahan-dahan niyang binitiwan ang braso ko at ang baywang at maagap na sinalo si Kenadall. "Thank you-" natigilan ako nang makita ko na ang mukha niya dahil nasa harapan ko na siya. "Tyler?!" "Hello, Miss Owner." ~*~ "Pasensya na ha, customer ka pero naistorbo pa kita," sabi ko habang binababa niya sa sofa sa living room si Kendall, habang ako ay nasa lababo sa CR at binabasa ang panyo ko. "Wala iyon, naistorbo rin naman kita kahapon." Nang lumapit ako ay umupo siya sa kahoy na maliit na mesa sa harap ng sofa, at ako naman ay umupo sa maliit na space sa tabi ni Kendall, saka siya pinunasan. "Naaalala mo ang nangyari kahapon?" I asked. "May mga naaalala ako, hindi ko alam kung may nakalimutan pa 'ko. Some are blurred. Try me." Tiningnan ko siya na ngayon ay halos lumapit na sa akin dahil nakapatong ang siko niya sa tuhod niya habang pinapanood ako sa ginagawa ko. "Pagpinaalala ko sa 'yo, baka masaktan ka lang." "Edi iwasan mo iyong nakakasakit?" "Para ano? Para hindi mo alam na bukas o makalawa ay sasaktan ka lang niya? Mas mabuti nang alam mo para makapag-ingat ka." Natigilan ako sa sinabi ko at napaiwas ng tingin. I shouldn't said that. "Look, I'm sorry-" Sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Selena na kasalukuyang inaaalalayan ng isa sa bandmate ni Tyler, kasunod ang isa buhat si Amber, at ang isa naman ay siyang nagsara ng pinto. "Hey Tyler, you're here!" sabi ng nagsara ng pinto na para namang hindi nagulat. "Will, I told you hintayin n'yo ako sa bar counter," sabi ni Tyler na sinagot ng natatandaan kong si Jameson na kasalukuyang inaalalayan paupo si Selena sa couch. "Yeah, kaso naabutan namin si Miss DJ na hindi kayang buhatin si ahm," tiningnan niya si Selena pero ako na ang sumagot at nagsabing 'Amber' saka niya tinuloy ang pagpapaliwanag. "Kaya nag-offer na kami ng help." Tumayo ako para tulungan si Ram, kung hindi ako nagkakamali, na maihiga si Amber sa carpeted floor, nilagyan ko rin siya ng unan. Good thing ay may mga throw pillow ako rito. Kinuha ko ang jacket ni Selena sa mesa at pinatong sa hita niya, at ang kumot ko naman na ginagamit dito ay ipinatong ko kay Amber. "Bakit hindi ka nagpatulong kina Carl?" tanong ko kay Selena nang ayusin ko ang pagkakasandal niya sa maigsing couch. "They just came first," sagot niya nang nakapikit. "Its okay, ikaw naman ang ipinunta namin dito," sabi ni Jameson na kasalukuyan nang nakaupo sa armrests ng kinalalagyan ni Selena. Pinaningkitan ko siya, pero bago pa ako makapagsalita ay napatingin na ako kay Tyler nang magsalita siya. "Are they always like this? Made you handle their mess?" "No!" depensa ko. "That's the last thing they want to do." Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. "Mababa lang kasi ang tolerance ni Amber sa alak, kaso brokenhearted si Kenny kaya wala siyang magawa kundi samahan. Si Kenny brokenhearted kaya napapainom. Si Selena naman mataas ang tolerance kaso kaninang 8 pa siya gising. Hindi iyan lasing, pagod iyan. " "And you?" tanong ni Ram na inilingan ko. "I'm the manager so I have to go." Tumayo na ako. "Tara sa labas, iwan na natin sila." "Hindi ka magpapahinga?" tanong ni Tyler . Nagpamulsa ako. "Usually, nagpapahinga ako matapos magpahinga ni Selena, or kapag nandito ang boyfriend ko, pero wala akong mapag-iiwanan ngayon, so, kailangan kong bumalik." "May boyfriend ka?" tanong ni Will na parang walang naintindihan sa iba kong sinabi. Sasagot pa lang ako nang mapatingin ako kay Tyler nang lumapit siya sa akin. "But you look tired," sabi niya nang napapailing. "I used to it." "Or let us help you," singit ni Jameson na halos pumaggitan na sa amin ni Tyler. "No, thank you." "Come on! I can do managing, I have a business," pagmamalaki ni Ram. Naningkit ako. "Why?" "What 'why'?" Napapikit ako ng mariin saka sila tiningnang apat na ngayon ay magkakahilera na sa harap ko. "If this is the way of you guys thanking me for what happened yesterday, its really okay. You payed, you leave, then done. You're welcome." "Hey, hey." Pinigilan ako ni Tyler nang bubuksan ko na sana ang pinto, at halos humarang siya roon. "You don't know how much it helps me last night, so let me do this in return." Siya na ang nagbukas ng pinto at naunang lumabas. Ang huling lumabas ay si Will, at nangunot ang noo ko nang ipakita niya sa akin ang isang porselas ng susi, susi ko iyon! Bago pa ako makalabas ay sinarahan na nila ako ng pinto. Unfortunately, ni-lock nila ito. What the hell?! Hindi naman siguro sila modus, 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD