Chapter XXXXXI Tyler Graham's POV "Tyler, hindi ka puwedeng hindi magpunta sa Paawan, you know Direct Ong, ayaw niya sa lahat ay 'yong isini-set aside ng artist ang project niya!" Dama ko ang panggigil sa akin ni Cath habang paulit-ulit na ipinapaliwanag sa akin kung bakit hindi ako puwedeng mag-stay pa muna rito sa Manila. Bukas na sana ang flight ko papunta sa Palawan kasama ang buong staff, crew at ibang artist na kakailanganin namin doon. Pero ayokong umalis, hindi ko puwedeng iwan si Jessica. She just lost her father yesterday, and I want to be with her while she's coping up. I know that she's strong, ilan beses niya na nga sa akin sinabi na okay lang siya at hindi ko kailangang mag-alala. Actually, she's the one who convinced me to go home. Hindi ko siya maiwan mula kahapon kahit

