Chapter XXV Jessica Marie Padilla's POV Naalimpungatan ako sa liwanag ng kalangitan na pumapasok sa silid dahil sa paggalaw ng kurtina. Nilingon ko kaagad si Tyler na ngayon ay nakayakap sa akin mula sa likuran ko, hanggsng ngayon ay mahimbing pang natutulog. This is crazy. Ang usapan namin ay pause muna kami, pero dito ako natulog sa kuwarto niya. Siguradong sasabunin ako mamaya ng mga kaibigan ko. Matapos namin kagabi ni Tyler ay bumaba rin naman kami. Siyempre hindi naman puwedeng mawala si Tyler sa party kagabi dahil para sa kaniya naman talaga iyon. Bukod sa celebration iyon ng success ng pelikula niya, despedida party na rin iyon dahil aalis na siya mamaya. Si Pops naman ay umalis din kaagad. Hindi na raw niya kayang mag-party na parang binata. Dahan-dahan akong gumalaw para hu

