Chapter XXXXXXXXXIX Jessica Marie Padilla's POV "I'm gonna miss you, Jessy." Mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Joe bilang pabaon. Nagtatrabaho na bilang regular na DJ si Joe rito sa Jesstle Bar nang wala na ako rito, but that doesn't mean that he's not my friend. Bilang customer pa lang ay napalapit na siya sa akin, kaya naman isa siya sigurado akong mami-miss ko kapag alis ko. Nandito kami ngayon ni Kuya Luke sa Jesstle bar. Ngayong gabi ang alis ko kaya naman bago ako dumiretso sa airport ay naisipan kong dumaan muna rito. Ang Jesstle bar ang naging comfort zone ko sa loob ng ilang buwan, taon pa nga, kaya naman ginusto ko muna itong makita bago tuluyang umalis. Isama na rin ang iba pang employees na napalapit na sa akin. Pati nga ang mga regular customers. Everything and eve

