Chapter 41 Amber Hill's POV Tahimik akong nakatanaw sa harap ng coffeeshop na naisipan kong tambayan ngayon, pinapanood ang mga nagdadaanang sasakyan sa at mga tao. Katatapos ko lang sa photoshoot ko kaya as usual ay rito ulit ako nagpababa. Gusto ko sanang magpunta sa bar ngayong tapos na ang trabaho ko, alam ko kasing may problema si Jessica. I think that she needs a friend. Pero sabi ni Selena ay okay na raw sila ni Kuya Luke, kaya naman hindi na ako tumuloy. Nakauwi na rin naman daw si Jessica, so... Nawala ang pagmumuni-muni ko nang may tumikhim sa may gilid ko. Nang tingnsn ko iyon ay otomatikong napangiti ako. "Will? Bakit ka nandito?" Umupo pa siya sa upuan sa harap ko saka nagkibit-balikat. "Busy sng lahat, hindi ako makatulog kaya lumabas na muna ako," aniya saka tumingin sa

