Chapter XXXXXXXIX Jessica Marie Padilla's POV "What! You invited him?" Napangiwi ako sa may pagkamatilis na boses ni Kendall matapos kong sabihin na inimbitahan ko si Marc sa birthday ko. Si Kuya Luke naman ay halos mapapikit. Magkatabi lang sila sa, mesa kaya naman halos sa kaniya tumama ang halos tili na reaksyon ni Kendall. Alanganing tumango lang ako dahil obvious kay Kendall na ayaw niya sa idea. Nasa bahay kami ngayon at kumakain ng hapunan at pinag-uusapan ang paghahanda sa birthday ko. Nauna ko nang sinabi na ayokong maghanda, first birthday ko kasing wala si Daddy. Pero siyempre nagbago ang plano namin dahil sa naging kasunduan namin ni Selena. But still, simpleng selebrasyon lang pa rin ang nais ko. Gusto ko sanang mag-BBQ party lang. "Bakit? At paano mo siya naimbitahan? Ba

