Chapter XXXIII Jessica Marie Padilla's POV Isang yakap ang sumalubong sa amin ni Kuya Luke pagkauwi namin. Matapos makipag-usap sa Mama ni Sam ay bumalik kami ni Amber sa bar. Pinapauna na talaga akong umuwi ni Kuya Luke para makapagpahinga. Pero hindi ako pumayag, una dahil gusto kong asikasuhin ang bar hangga't maaari. Ayaw kong madamay ang trabaho ko. Pangalawa, hindi pa ako handang harapin sina Daddy. Naintindihan naman ako ni Kuya at nangakong sasamahan niya ako kapah haharapin na namin ang magulang namin. As usual, pinagplanuhan na naman namin kung paano ipagtatanggol ang isa't isa. Ngunit hindi ako nakarinig ng kahit na ano mula kina Daddy pagkauwi namin, niyakap lang ako ni Daddy at sinabing, "Everything's gonna be fine." Mula niyon ay gumaan na ang loob ko. Sa halos buong magd

