Chapter XXXXXXXXXIV Jessica Marie Padilla's POV Ngumiti ako nang simulan ni Marc ang pag-stream ng gitara. Ngumiti siya sa akin saka bumaling sa mga kasama namin at sinimulan ang pagkanta. "Naghahanap ng lunas sa sugat na nabaon, hinahanap ang tamang sagot sa mga tanong. Iniisip kung tama bang ipilit pa, kung para bang hindi tayo para sa isa't isa..." Natigilan ako sa una niya pa lang stanza. Ang sabi niya ay na-inspired siya dahil sa rami niyang narinig na love stories these past few days na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon... "Ilan beses nang nagkasakitan, itinatatanggi ang tunay na nararamdaman. Ilan beses nang umibig, ngunit ikaw nga ba ang huli?" Napansin kong nakatingin siya sa gawi nina Amber, kaya napatingin din ako sa kaniya, at doon ko napansin na pasimpleng tumitingin

