Sharlotte PoV
Napangiti ako nang matanaw ko na padating na si JC excited akong malaman lahat ng gumugulo sa utak ko. Lumabas ako ng kotse para ipaalam na nandito nako.
"JC her...e..." masaya kong tawag, pero naglaho sa hangin ang sasabihin ko at nabitin sa ere ang kamay ko ng makita ko kung sino ang kasabay nya.
sa...sabay sila?
Ilang layo nalang nila sakin nang tumigil sila sa tapat ng isang kotse, sa pagkaka tanda ko dito bumaba kanina si Dwayne. Humarap si Dwayne kay JC.
"I'm going" rinig kong paalam ni Dwayne
Σ(O_O)
na....na...nag paalam talaga siya kay JC?
"take care" sagot ni JC
Σ (゚Д゚)
wha...t....what? si JC ba talaga to? hindi naman siya ganito sa ibang lalaki maliban sa fiance at mga pinsan niya.
"you too take care" he said softly
Σ(⊙▽⊙")
she nodded
what the hell is happening? can somebody tell me!
"see you tomorrow" sabi pa ni JC
"mMm" sabi ni Dwayne at tumalikod na para sumakay ng kotse.
Nag lakad na uli sya papunta sa direksyon ko ng makaalis na ang kotse ni Dwayne.
"oh nandyan kana pala" sabi niya nang makalapit na sakin.
Oo naman!! kulang nalang mamatay nako sa atake sa puso dahil sa nasaksihan ko!!! Ibang Dwayne at JC ang nakita ko.
"nauna lang ako ng ilang minuto sayo" sagot ko habang pasakay kami sa ng kotse kahit ang totoo kanina pa ako dito at sunod sunod na shocked ang naranasan ko ilang minutong nakaraan.
"saan mo gustong magsimula?" excited kong tanong pagkapasok namin sa loob ng kotse.
"sharl mamaya nalang sa unit,just let me take a nap"
"ano tutulugan moko?" pasigaw kong sabi,kanina ko pa gusto mag uwian para lang marinig ang sasabihin mo tapos tutulugan mo lang ako? ni hindi nga ako naka pag concentrate sa buong mag hapon, sabi ko sa loob loob ko, nilingon ko siya saglit ...ang loko nginitian lang ako at pumikit na.
"nag paalam kaba kay Owen?sinabi mo bang sakin kana sasabay?" tanong ko uli sakanya
"no need" nakapikit niyang sagot
"huh? bakit?" kunot nuo kong tanong
"sharl I said later right?"nakapikit pa rin niyang sagot.
"wag mong sabihin pati kayo ni Owen may LQ?" naghihinalang kong tanong
"sharl!!!" nakukulitan nyang sabi
"ok ok maidlip kana po para may lakas ka pong makwento mamaya" sarkastiko kong sabi
Bakit ba kasi antok na antok to?, nag laro na naman siguro ito ng online game niya pero hindi naman siya nag pupuyat kahit naglalaro,may limit siya lalo na kung may pasok kinabukasan, mag pupuyat lang to kakalaro pag may gustong kalimutan, stressed, galit o may.....teka may problema ba siya?, haist! tinulugan kasi ako,maghanda ka talaga mamaya sakin babae ka!
Joryn's PoV
"What?" sigaw ni sharlotte, halos hindi siya makapaniwala sa mga nalaman. Ikinuwento ko lahat ang nanyari nuong lingo sa mansion pati na rin yung kung pano kami nag kakilala kahapon ni Dwayne maliban sa deal namin,personal issue ni Dwayne ang involved at ayaw kong mangaling sa bibig ko, malay mo kung ayaw pala nyang ipaalam sa ibang tao o hindi, at ayaw kong masira ang tiwala niya.
"now I know kung kanino nag mana ang demonyitang emerald nayan,sa ate nyang maharot na kampong ni santanas." galit na wika ni sharlotte.
"...at yang Owen na yan dapat binubugbog, bakit hindi mo pa kasi sabihin sa mga pinsan mo, kay tito Charles at sa lolo mo?" inis na sabi nya
"sharl ayaw kong masaktan si grandpa at mga pinsan ko, at ayaw kong mag karoon ng alitan sila papa at tito tita nang dahil sa ginawa sakin ni ate Jade at emerald, lalaban ko sila at ibabalik ko ang mga ginawa nila sakin hindi ko kailangan mag sumbong" sagot ko
"kung lalabanan mo yung mag kapatid hindi malayong malaman ni tito at ng mga relatives ninyo"
"may mag sasabi ba? walang makaka alam na may internal battle kami at hindi rin ipapaalam ng mag kapatid na sila ang nagsimula." paliwanag ko
" makikipag break kaba kay Owen? babawiin mo ba siya kay ate Jade?"
"hindi pa sa ngayon,pero darating ang tamang oras alam ko may plano sila kaya hihintayin ko muna yun, babawiin? hindi naman siya naging akin ginamit lang nila ako at kung sakaling hindi man si ate jade ang karelasyon nya bakit ko babawiin ang lalaking manloloko? di naghanap lang ako ng sakit sa ulo" sabi ko, lumipat sya ng upo sa tabi ko at kinabig ako payakap na ikinagulat ko.
"ayos ka lang? iiyak mo lang yan wag mong pigilan, wag kang mag kunwaring matapang sa harap ko, sige lang ibuhos mo na yan" she said warmly
"ayos lang ako wag kang mag alala" nakangiting sabi ko at ginantihan sya ng yakap, wala nakong mai-iiyak pa,naibuhos ko na lahat nung magkasama kami ni Dwayne.
"pag makita ko lang bukas yang emerald nayang sasabunutan"
"wag na ako na bahala sakanya, pag ginawa mo yun lagi lang kayo mag aaway, tandaan mo pareho tayong tatlo ng school at sa susunod na pasukan tayo parin tatlo ang mag ka-schoolmate."pag papaalala ko sa kanya
"ang bait mo talaga Joryn Chen, bakit hindi naambunan yung mag ate mong pinsan?" naka ismid nyang sabi
"kaya pala kanina ayos lang sayo ang hindi mag paalam sa kanya, anu yun sinabi mo na ba na wag kanang isabay lagi?" tanong uli ni sharl nung umayos na siya ng upo sa tabi ko
"mula kahapon at ngayong buong araw lagi syang may dahilan, kung bakit hindi nya ako masabay sa pag pasok at pag uwi, which is ok lang sakin dahil hindi nako nahirapan gumawa ng dahilan para iwasan sya"
"malamang kasama niya ang taksil mong pinsan, kay CEO Dwayne naman tayo kung kahapon lang kayo nag kakilala bakit ganun na mga kilos nyo?, parang ang tagal nyo nang mag kakilala, hindi ba parang ang bilis mo naman ipalagay ang loob mo sakanya?" sunod sunod na tanong ni sharlotte
"wala naman mali sa kilos namin, mabait naman siya" simpleng sagot ko, ok naman syang kasama
"mabait?" °Д°
" Didn't they say that his temperament is not that good?and his aura is scary, his face is also very serious, are you not afraid of him or nervous when you face him?" tanong nya uli
"no, kumportable naman syang kasama" seryoso kong sabi, totoo naman ang sinabi ko,yan ang una kong naramdaman kahapon, at ibang ugali ang pinakita nya sakin hindi tulad ng mga narinig ko.
"ano?" sigaw na naman nya
"and he is....."
"tama na tama na ok na, maawa ka naman sa puso ko baka hindi na kayanin." exaggerated na putol nya sa sasabihin ko.
"hindi pa nga ako nakaka move on sa shocked ko kanina sa parking lot "bulong pa nya
"what ?" tanong ko sakanya
"wala wala" mabilis nyang tanggi
"ok" hindi nako nag pumilit
"anu hindi mo na ako kukulitin?" sigaw na tanong na naman nya
-_-+
"anu? bat ganyan ka makatingin" nang mapansin nyang naniningkit ang tingin ko sa kanya
"hindi mo sasabihin di ba?" tukoy ko sa bulong nya kanina
"hindi!" sagot naman nya
"oh! bakit nagtataka kung bakit hindi na kita kinulit?" nakataas kilay kong tanong sakanya
"um...ah... a..wala" nauutal nyang sabi
"tama na nga yan!, buti pa umalis kana nasagot ko na lahat ng katanungan mo, may gagawin pako" pang taboy ko sakanya
"ouch! ang harsh mo naman sa best friend mo" sabi ni sharlotte sabay hawak pa sa puso umakto na akala mo nasakatan talaga, itinukod ko ang siko sa armchair ng sofa at ipinatong ko ang ulo ko sa kamay ko at tumingin sa kanya.
"ayos lang na mag stay ka muna,walang problema sakin yun...pero di ba may isang tao dyan na takot kay Dwayne?" nakangisi kong sabi sakanya ^_^
oh diba natuod ka sa pwesto mo
Σ(っ゚Д゚;)っ
"s....i...si Dwayne pu...punta dito?" hindi niya makapaniwala tanong
...tumango ako sakanya
"a....anung gagawin niya dito?" nabubulol niya pa ring sabi
"ngayon niya ako sisimulan turuan ng mga kailangan kong malaman about sa company"
"bakit dito? I mean pwede naman sa resto or anywhere,bakit dito sa unit mo pa?" sunod sunod na naman nyang tanong
"I'm the one who suggested it, hindi ako makakapag concentrate pag sa labas at alam mong hindi ako sanay sa maraming tao" i said matter of fact
"pano kung pumunta si Owen dito?" usisa nya
"hindi sya pupunta"balewala kong sagot
"sure ka?"
"uhum" i grunt
"pano mo nasabi?"
"busy siyang tulungan si ate Jade na gumawa ng strategy na gagamitin sa feb. 13, kahit na pareho sila ng kurso about sa business, hindi sila basta basta mag papakampante kung ang magiging judge ay ang higher ups,si grandpa at kuya Dexter." paliwanag ko
"sabagay, pero pano nga kung sakali?" pangungulit nya
"di pumunta siya"
" talaga ayos lang sayo?pano pag mag stay sya hangang hindi umuuwi si Dwayne?" parang batang excited na tanong ni sharl
"kung makakatagal syang kaharap si Dwayne, ikaw nga hindi makatagal natatakot ka agad" sabi ko, lumukot ang mukha nya
"ang bad mo sakin, and paalala hindi ako natatakot, hindi lang ako sanay na kaharap sya" pagdadahilan niya
"OK" pag sang ayon ko nalang
"talaga naman!" sabi pa niya nginitian ko nalang sya at dinapot ang cellphone ko nang marinig ko ang message alert ko.
"sino yan?"
"si Dwayne papunta na daw sya dito, nag palitan kami ng phone number kahapon baka tanungin mo pa" sabi ko, pag kababa ko ng cellphone sa coffee table
"huh?" shocked na naman nyang sabi, sobra bang nakakatakot ang Presence ni Dwayne kaya ganito maka react tong babaeng to?
"JC uwi nako thanks sa snacks kita nalang tayo bukas,wag mo nako ihatid sa labas umuulan baka mabasa ka pa may payong naman ako, sige babye"paalam nya, tumayo agad sa pag kakaupo sa sofa at umalis na ng living room
Hindi takot huh? pero di mag kanda ugaga sa pag alis,at kaylan pa umulan sa loob ng parking lot nitong Duchess Tower Condominium?sa labas lang ang ulan ah.
***************************
Hi/hello po sa mga nag babasa ng book ko^_^ ,thank you po ng marami pati sa mga silent readers ko thankyou, pwede po ba akong mag request? paki follow naman po ako kung ok lang, salamat po^_^