Itinigil ni Dwayne ang pagbabasa sa dokumento na hawak at nilingon ang asawa na nasa kandungan, napangiti siya ng makita na mahimbing na itong natutulog, isiniksik pa nito ang mukha sa dibdib niya. "kaya pala hindi kana malikot" bulong niya rito, hinawi niya ang mga nakakalat na buhok na mukha nito. Pinagmasdan niya ang magandang mukha nito, para sa kanya mas maganda ito kapag wala itong make up sa mukha, mas gusto niya ang natural na ayos nito. Napaisip siya kung ano pumasok na kalokohan sa utak ng lola niya pati ang asawa niya napagdiskitan nito. Ang ikina-inis niya ay ang pinasuot sa asawa niya. Inaamin niya sa sarili na naakit siya sa asawa ng makita ang ayos nito,bumagay rito ang suot hindi halatang college student ito,uminit pa nga ang pakiramdam niya nang makita ito, ngunit napa

