Mula nung matapos mag hapunan hangang ngayon mag kakasama silang nakaupo sa sala pinagmamasdan ni Mr. Charles ang nag iisang anak na babae na nakaupo sa tabi ng asawa nito. Naisin man niyang magalit dahil nag pakasal ito ng maaga ngunit wala na siyang magagawa, kahit noon nagalit siya nung malaman niyang pumayag ang anak na ma-engaged ito kay Owen pero nangako ang anak na tatapusin muna ang pag aaral bago mag pakasal kaya hinayaan niya. Pero hindi niya akalain na mas mahal ng anak niya ang bagong nobyo kahit ilang taon ang agwat ng mga edad at nagawang pang mag pakasal ng lihim.
Naniniwala na siya na mahal nga ng mga ito ang isat isa hindi dahil sa nakita niya kanina, kundi sa mga kilos na pinapakita nila ngayon walang bahid ng pag kukunwari, hindi pa niya nakita na ganito ang anak sa dati nitong nobyo. Napansin rin niya kung paano i-spoil ng lalaki ang anak niya.
"apo ice-celebrate dito sa susunod na sabado ang pagkapili ng ate Jade mo bilang bagong vice president ng kumpanya, pumunta kayong mag asawa" masayang balita ni Mr. Robert sa apo niya
[bakit siya?bakit hindi si Lucas?]
Naikuyom ni Joryn ang kamay na nakapatong sa hita niya.
[oo nga naman sayang ang ginawa niya sa akin kung hindi siya ang mapipili]
Nakita ni Dwayne ang naka kuyom na mga kamay ng asawa,hinawakan niya ito bago sumagot.
"yes grandpa we are going"
Tumingin sa kanya si Joryn na parang sinasabing nitong hindi ito sang ayon.
"grandpa pupunta ako pero hindi kasama si Dwayne"
May lungkot na dumaan sa mga mata ni Dwayne na hindi niya pinahalata sa asawa.
"apo pano makikilala ng asawa mo ang iba pang miyembro ng pamilya?pupunta rin bukas ang mga kuya mo" malungkot na saad ng matanda.
"darating tayo diyan grandpa, pero hindi ngayon diba napag usapan na natin na sikreto muna ang tungkol sa amin ng asawa ko" pagdadahilan ni Joryn
Lihim na napangiti si Dwayne nang mabangit ni Joryn ang salitang 'asawa ko, napawi ang lungkot na naramdaman kani kanina lamang.
"anak pwede naman siyang ipakilala ng grandpa mo na special guests o kaibigan ni Lucas tutal magkakilala naman na sila" suhestiyon ni Mr. Charles
"sabihin na natin ganun, pero Pa ang pangit naman tignan kung hindi kami mag kasama ng asawa ko o mag uusap man lang, magtataka naman sila kung lalapitan ko siya o mag kasama kami lagi" mahabang salaysay ni Joryn
pffftt...
nagtataka siyang napatingin sa tatlong lalaki na kasama
[may nakakatawa ba akong sinabi?] tanong niya sa sarili
"you're too possessive sweetie" komento ng papa niya
[what? ganun ba ang naging dating ng sinabi ko?]
"syempre anak ikaw ang itatalaga ng grandpa mo na samahan ang asawa mo,iisipin nila sinusunod mo ang utos ng grandpa mo na samahan ang guests natin" natatawang paliwanag ni Mr. Charles
Pinisil ni Dwayne ang kamay ni Joryn, napatingin naman ito sa kanya dahil sa ginawa "payag ka na?" nakangiting tanong nito sa asawa.
"fine, may magagawa ba ako kung pinag tutulungan nyo ako" she said on defeat
Hindi naman siya nag aalala kung makilala ni Dwayne ang iba pa niyang pamilya, hindi lang siya kampante kasi nandun din bukas si Jade. Baka ahasin niya rin si Dwayne.
"I won't look at any other woman except you if that's what you're worried about" he whispered
Napanganga si at namula ang mukha ni Joryn sa tinuran ng asawa
"why should I worry? I don't care who you pay attention to" she replied
"really?"
"BAKIT MAY BALAK KANG IPAGPALIT AKO?" prangkang tanong ni Joryn
[akala mo huh hindi ko papatulan pang aasar mo] ani ni Joryn sa isip niya
"definitely not" Dwayne answered quickly and pinched Joryn's nose
"see?!, bakit ako mag aalala kung alam kong akin ka lang" mayabang na sabi ni Joryn
ahaha...
Natawa si Dwayne sa sagot ng asawa niya, napapasaya talaga siya nito tuwing mag kasama sila.
"conceited"
"of course not!"
"yes you are"
"I'm not" naiinis na sagot ni Joryn
"you are really beautiful when you are annoyed" he said to his wife and caresses her cheek
Nakatulalang nakamasid ang mag ama sa dalawa, nakalimutan yata ng mag asawa na kasama sila ng mga ito.
Ang topic lang kanina tungkol sa selebrasyon na gaganapin sa susunod na sabado at kung papayag si Joryn na dumalo rin ang asawa, paanong napunta sa paglalambingan nilang dalawa? nakalimutan pa ng dalawa na may tao pa sa paligid.
[anak nandito pa kami ng lolo mo baka gusto ninyong mamaya ituloy yan, pag kayong dalawa na lang ng asawa mo ang magkasama] gustong sabihin ni Mr. Charles sa mag asawa
Mr. Charles cleared his throat, hindi naman siya nabigo na agawin ang attention ng mag asawa dahil sabay na tumingin ito sa kanya.
"ngayon pumayag kana, pwede ba namin makausap ang asawa mo ng sarilinan anak?" tanong ni Mr Charles sa anak, nung dumating kasi ito nag batian at nag usap lang ang mga ito ng ilang bagay pero hindi pa nag usap sa seryosong bagay.
hindi agad nakasagot si Joryn,nag dadalawang isip siya kung papaya ba siya o hindi
[ baka hindi mag tugma ang sasabihin ni Dwayne kay papa sa mga sinabi ko kanina]
"hindi naman namin kakainin ang asawa mo at sandali lang kami mag uusap" natatawang sabi nito sa anak ng makita niya sa mukha nito na nag aalinlangan na iwan ang asawa kasama sila.
"don't worry too much wife" he gently said to his wife
She shook her head, nakampante na siya nung nag salita si Dwayne, naisip niyang hindi naman siya pababayaan nito hangat kasama niya ito.
"ok sige, mauna na ako sa kwarto sumunod ka na lang pag tapos na kayo" bilin ni Joryn sa asawa.
Sa mansion kasi sila matutulog ngayon hindi na sila pinayagan umuwi ng kanyang grandpa. Itinawag na lang ni Dwayne sa villa na panghatid siya ng damit pang trabaho na gagamitin bukas.
"mMm" he grunt and patted her head
Tumayo na siya at nag paalam na sa papa at grandpa niya.
[ anu kaya ang pag uusapan nila?] curious na sabi ni Joryn sa sarili.
Nagkibit balikat nalang siya at pinag patuloy ang paglalakad papunta sa kanyang kwarto.
Meanwhile.....
Nag mamadaling pumasok si Sofia sa silid ng anak niya, nalaman niya sa mga katulong na mula nung umuwi ito kaninang umaga ay nag kulong na ito sa kwarto at walang ginawa kundi uminom ng alak.
Nag aalala siya para sa anak dahil hindi pa ito kumilos ng ganito, iniisip niya kung may problema ba ito at kung meron gusto niyang malaman para matulungan ito.
Pag pasok ni Sofia sumalubong sa kanya ang matapang na amoy ng alak at mga naka kalat na bote. Nakaupo naman sa sahig ang binata na may hawak ng bote habang nakasandal sa paanan ng kama.
Lumapit ang ginang sa binata, umupo rin siya upang mag kapantay sila.
"anak anong problema mo? bakit ka nag papakalunod sa alak?" nag aalalang tanong niya sa anak, hindi siya nilingon nito
"mom hangang kailan ko susundin ang gusto ni tita Sapphire?" tanong nito sa kanya
"bakit anak?" kinakabahan niyang tanong
"mom ano ba talaga ang laman ng usb na dapat kong makuha sa kanya? sabihin mo mom para alam ko ang dahilan kung bakit kailangan kong sundin bawat utos niya! bakit mom? sagutin mo ako mom" umiiyak na sabi nito
"anak...."
"mom iniwan na ako ni Joryn" sabi nito na ikinagulat niya
"iniwan niya ako dahil napabayaan ko siya at dahil yun sa kakasunod ko sa babaeng yun!" galit na wika nito
Parang pinipiga ang puso niya ng makita ang anak na umiiyak at nahihirapan dahil sa kanya, alam niya kung gaano kamahal ng anak ang fiancee nito.
"sorry anak kasalanan ko" umiiyak na rin niyang sabi
Natauhan si Owen ng makita ang inang umiiyak
"mom sorry" hinging paumanhin niya sa ina
"it's not your fault anak, ako ang may kasalanan....kung hindi ko sinabing sundin mo ang bawat sabihin niya hindi ka mahihirapan ngayon,hindi ka sana iiwan ni Joryn" umiiyak pa rin na saad ng ginang
"mom ano ba ang laman ng usb?"
pinunasan ni sofia ang mga luha sa mukaha at huminga muna ng malalim bago nag salita
"natatandaan mo ba yung aksidenteng kina sangkutan ni Joryn na dahilan ng pag kamatay ng mama niya?" simula ni Sofia
"yes mom,anong kinalaman nun sa usb?" naguguluhang tanong niya sa ina
Natatandaan niya ang araw na namatay ang ina ng dating nobya, ito ang dahilan kung bakit hangang ngayon hindi na nag mamaneho ng kotse si Joryn. Ito kasi ang nag mamaneho nung naaksidente ito kasama ang ina.
"si Sapphire ang naka bungo sa kotse nila Joryn at ang laman ng usb ay ang pagtataksil ko sa ama mo, ako ang nanguna para imbestigahan ang nanyaring aksidente....handa ko na sanang ibigay ang footage ng pinangyarihan sa pamilya nila ngunit tinawagan ako ni Sapphire dahil may ipapakita daw siya at dun ko nalaman na may hawak siyang laban sa akin, naki pag deal siya sa akin na mag palitan kami .....pumayag ako pero hindi ko akalain na may kopya pa siya at yun yung hawak niya ngayon na ipinang ba-blackmail" mahabang salaysay ni Sofia
Nanlamig ang buong katawan ni Owen hindi siya makapaniwala sa lahat ng nalaman, hindi niya lubos maisip na ang tinitingala at ginagalang na ina ay gagawa ng ganun bagay.
"anak sorry" umiiyak na sabi nito
"get out mom" malamig na sabi ni Owen
"Owen"
"I said get out of here now!" sigaw ni Owen nang tangka siyang hawakan ng ina.
Walang nagawa si Sofia kundi lumabas na umiiyak. Hindi niya masisisi ang anak kung ganito ang pakitungo nito sa kanya, kasalanan niya kung bakit.
Aaaaaargghh!!!
galit na sigaw ng binata
Napasabunot sa buhok si Owen dahil sa inis, lahat pala ng ginagawa niya ay para mapagtakpan ang ina?! pati ang relasyon nila ni Joryn nasira dahil doon!
[hindi kita kukunsintihin mom, at ikaw Sapphire mananagot ka! pag babayaran mo ang pag kamatay ni tita Clara]
********************
Hi po☺, sa mga nag comment sa comment section, yung mga nasa gc at yung mga nag mention sakin sa sss thank you thank you po ng marami☺, at sa mga bagong readers pahingi po ng follow ninyo at ng heart☺,thank you po uli sa inyong lahat`(*∩_∩*)′