My Senorito 3

1847 Words
Ella's POV Maghahating gabi na ng paakyat na sana ako ng kwarto ni Señorito. Subalit napatigil ako ng makita kong papunta din si reina sa kwarto nito. Mapang akit ang suot nito. Kahit babae ako alam kong kahit sino man ang makakita sakanya ay talagang titigasan. Nagtago ako ng makita kong buksan iyon ni señorito. Gulat ang mukha nito pero masungit na nakakunot ang noo. Nakatopless lang ang lalaki at boxers. Narrator's POV " What are you doing here Reina? " Matigas ang bawat salita nito. " I can't sleep alone there. Im scared Uly " mapang akit ang boses ng babae ng lumapit ito sa lalaki. Kita dito kung paano nagtagis ang mga panga nito. " Don't play with fire Reina" mahihimigan mong pagbabanta sa boses ng lalaki. " But I want to play with fire Uly. To feel your body to mine" sabi ng dalaga at hinaplos pa ang dibdib ng binata. Halata mo namang nagpipigil ang lalaki. Hindi maintindihan ni Ella bakit andun pa din ito at pinapanood ang lahat ng iyon samantalang unting unting nadudurog ang puso nito. Ang durog ng puso niya ay mas nadurog pa ng maghalikan ang dalawa. Maalab ang halikan na iyon bagay na hindi naranasan ni Ella sa señorito nito. Ang bawat haplos nito sa katawan ng dalaga at ang unti unti nitong pagbuhat dito upang ipasok sa kwarto. Hindi na makayanan pa ni Ella ang manatili doon. Lumuluha itong lumabas ng mansion upang kumalma. Napili nitong pumunta sa lugar kung saan may duyan. Kita ang nagkikislapang bituin dun. Pero hindi magawang mamangha ni ella sa mga iyon. Nanlalabo ang matang tumingala sa langit. " Bakit? Bakit hindi niya ako kayang mahalin? Tama pa bang mahalin siya? Kasi ang sakit sakit na. Sobra sobra. Kailan ba ako magiging masaya? Paano ba maging masaya? Ganito ba talaga kapag nagmahal laging nasasaktan? " Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay may kaakibat na sakit at luha. Sa ilalim ng parehong bituin ay may isang pusong nasasaktan at may dalawang tao namang umuusbong ang pagmamahalan. ______ Ella's POV Kinabukasan. Mabigat ang pakiramdam ko ng bumangon ako ng araw na yun. Pinilit kong mag ayos at lumabas na para tumulong pero napahinto ako ng mabungaran ko ang mga kasama ko na nasa gilid at tila namamangha. Dahil sa kuryosidad ko ay nilingon ko ang tinitignan ng mga ito. At doon ko nakita ang isang bagay na bago sa paningin ko. Si señorito naghahanda ng pagkain. " Ang swerte ni señorita Reina noh? Akalain mo nagluto ang señorito para sakanya " bulong ng kasamahan ko sakin. Napangiti naman ako ng mapait. Tila may bumabara sa lalamunan ko. Ang swerte nga ni Reina. Ang bagay na ginagawa ko kay señorito ay sa iba niya ginagawa. Kung may isasakit pa ang nakita ko dito ay malamang isa na ito sa mga yon. Tangkang tutulungan na ng kasamahan ko si señorito ng iaakyat na yun " No. I can take it from here. You do what you have to do" walang halong lamig ang boses nito ngayon tila normal lang pero maawtoridad pa din. Tila wala itong napapansin kundi ang pagkain lang na dala nito. ____ Buong araw ay masama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam dahil kulang ako sa tulog o ano. Pero alam ko isa sa dahilan nun ang walang kapagurang paglalambingan ni Señorito Ulysses at Reina. Hindi umalis si señorito upang samahan si Reina na lumangoy at iba pa. Inutusan naman ako ni Aling Nena na maglinis daw sa kwarto ni señorito na ibinilin nito. Mabigat ang hakbang kong pumapasok sa kwartong saksi sa pagmamahalan ni Reina at Ulysses. Ng makapasok ako ay may mga nagkalat na gamit. Maging ang bed sheet ay may bahid ng dugo. Sa mga yun palang na nakita ko ay nananinikip na ang dibdib ko. Alam kong virgin pa si Reina ng ankinin ito ni Ulysses kagabi dahil sa dugong iyon. Mabigat man ay inaayos ko na ito. Binalik ko sa pagkakayos ang nagkalat na gamit at pinalitan ang bed sheet. ______ Kinagabihan Pinatawag ako ni señorito sa opisina nito. Kinakabahang pumasok ako sa opisina nito. Nakita ko itong nakatanaw sa labas. At lumingon lang ito ng maramdamang nakapasok na ako. " Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. " Simula nito. Malamig nanaman ang boses nito hindi gaya kung pano nito kausapin si Reina kanina. Inabot niya sakin ang isang sobre. "Yan na ang huling sweldo mo as my s*x buddy. I don't need your body anymore. At ayaw kong may pagsasabihan ka sa kung anong nangyari sa atin lalong lalo na kay Reina. " Sabi nito. At kahit anong pigil ko ay tumulo ang luha ko. Yumuko nalang ako para hindi niya makitang umiiyak ako. " Sige po señorito" pinilit kong ayusin ang pagsasalita ko at matagumpay ko yung nasabi. " Sige makakaalis ka na " walang paalam akong nagmadaling umalis doon hawak ang sobreng inabot niya. Ayaw ko man tangapin yun ay wala akong magagawa ilalagay ko nalang siguro sa lamesa nito pagkaalis nito sa opisina niya. Tumatakbong lumabas ako ng mansion. Takbo lang ako ng takbo upang makalayo sa lugar na yun pansamantala. Hanggang sa napadpad ako sa isang waterfalls. Umupo ako sa isang bato roon. At tahimik na nilalabas ang hinanakit ko. " Ella" malumanay ang boses ng lalaking iyon. Tumabi ito sakin " Jether" bigla kong pinunasan ang luha ko. " Huwag mo ng itago pa. Alam kong umiiyak ka. Ang señorito nanaman ba ang dahilan?" Sabi nito. Alam kasi nitong mahal ko si señorito. At alam niya din na lagi akong nasasaktan dahil dito. " Bakit ganun Jether. Ang hirap maging masaya ang sakit na kasi eh" pagrereklamo ko dito. Ginulo naman nito ang buhok ko " Sa pag ibig ella masasaktan at masasaktan ka talaga. Ang tanong nalang ay kung hanggang saan mo makakaya at ipaglalaban. O kung may dapat ka bang ipaglaban. Halika nga dito" sabi nito at hinila ako payakap. Kaya ko pa. Kaya ko pa siyang ipaglaban. Kunti pa. _____ Kinabukasan. Hinahanda ko na ang tanghalian at inumin ng señorito na dadalhin ko sa palayan mamaya. May dala din akong extra t shirt at damit nito. Naayos ko na ang pagkain ng pumasok si Reina sa kusina. Masaya niya akong binati na ginantihan ko naman. " Pwede ba akong sumama sayo? Si ulysses kasi hindi ako ginising sabi ko pa naman gusto kong sumama. Please ella" pagmamakaawa nito. At sino ba ako para tumangi. Wala akong karapatan. " Yehey! Wait I'll make him a drink, it so hot kasi so baka he needs cold drink" hindi ko na ito napigilan ng gumawa na ito ng inumin. Umakyat din ito sa itaas para mag ayos. Maya maya may dala itong bag at hawak din ang inuming gawa nito. Gusto kong iwan na ang inuming ginawa ko pero masisira ang pag kaayos ko. Di bale hindi ko nalang iyon ilalabas . ___ Naglakad lang kami. Pinilit ko itong magpahatid nalang pero sabi niya maglakad nalang daw ng tanungin niya ako kung paano ko hinahatid ang pagkain. Ng makarating kami ay nadatnan naming pawis na pawis ang señorito kasama nito si Jether na siyang umaalalay dito. Hindi ko napansin si Manong Bert kaya baka yun ang dahilan bakit andito si Jether. Inalabas ko na ang dala kong pamunas at lalapit na sana kay señorito ng unahan ako ni Reina na siyang humalik kay señorito at pinunasan ito. Masayang tintignan lang ito ni señorito. Ngayon ko lang nakitang ngumiti ang señorito. May igwagwapo pa pala ito. Pero ang ngiti nito ay hindi para sakin. Nakatitig lang ako sa dalawa na walang pakielam sa mundo. Kaya nagulat ako ng may pumitik sa noo ko. Nasa tabi ko na pala si jether na nakatitig din sa dalawa. " Kung masakit huwag mo ng titigan pa" sabi ni Jether. Mapait lang akong ngumiti dito. " Ako nalang ang punasan mo. Pawis na pawis na ako dito oh ! Ang heartless mo naman " biro nito upang pagaanin ang loob ko. Nagbuntong hininga nalang ako at iniwas ang tingin sa dalawa. Tumalikod nalang ako sa dalawa para punasan si Jether. Pinunasan ko ang mukha ni Jether na nakakalokong tumitingin sakin. Masuyo ko lang itong pinunasan kahit na gusto ko na itong ingodngod sa ngisi nito. " Dito pa oh" mahinang bulong nito at iginilid niya ang ulo nito para ipakita ang leeg nito. " Tsk kung di lang kita kaibigan" sabi ko at pinunasan ang leeg nito. Habang pinupunasan ang leeg nito ay pansin kong may pawis din ang dibdib nito kaya itinaas ko ang damit nito para punusan ang dibdib niya. May ipagmamalaki din ang binata sa katawan nito " Uy tsansing na yan ah" biro pa nito pero hinayaan lang ako at wala namang ginawa para patigilin ako. " Tse ikaw na nga itong pinupunasan. Oh likod mo naman " sabi ko at pinatalikod ito. Pinunasan ko ang likod niya at idadampi ko na sana ang kamay ko sa likod nito para pulbusan ng biglang... " Ella! Give me my t shirt goddamn it!" Sigaw ni señorito. Hindi ko naman maiwasang mataranta kung saan ko nilagay yung t shirt niya. Si jether naman tawang tawa pa. Ng mahanap ko ang t shirt nito ay patakbo akong lumapit dito. Halos hingalin pa ako sa sobrang taranta. " Eto na po señorito. Sorry po akala ko may dala po si señorita" hinging paumanhin ko pero matalim pa din ang tingin nito sakin. "I don't want to hear your excuse. Do your job first before flirting" may diin sabi ng bangitin ang huling salita nito. Napayuko nalang ako sa kahihiyan " Don't be mad at her babe. It's my fault I forgot to bring your shirt." Ligtas naman ni Reina sakin. " No babe. Don't blame yourself. Kumain nalang tayo" lumambot naman ang boses nito ng kausapin si Reina. Nagbuntong hininga nalang ako at sumunod nalang sakanila sa may kainan. Binigay ni Reina kay Señorito ang inuming gawa nito na may kasama pa palang sandwich habang isa isa kong nilalabas ang pagkain sa lalagyan. Iniwan ko ang sandwich at inuming ginawa ko. " It taste good babe. Thank you for this" sabi ni señorito. Hindi ko maiwasang mainggit dahil ni minsan hindi nagpasalamat sakin si Ulysses sa mga pagkaing dala ko. Napatingin naman ako sa pagkaing ginawa ko. Sayang naman yun. Tama! Baka gutom si Jether. Dinala ko na ang bag na laman ang sandwich at juice na gawa ko at inabot lay Jether. " Oh pangit sayo na ito!" Walang alinlangan naman niya itong tinangap. At ng ilabas niya yun ay hindi ko maiwasan mamula ng ngumisi ito habang hawak ang isang note. Have a nice day :-) Pinilit kong inabot ang sulat na yun na itinataas niya lang " Ano ba ella! Binigay mo na ito at babawiin mo pa!" Inabot ko lang ito ng inabot. " Hindi para sayo yan! Nasama lang yan!" " Eh sakin mo binigay mo na sa akin edi akin na. Itatago ko ito. Remembrance. " Sabi nito at kinindatan pa ako ng loko. Tinago niya na sa bulsa nito dahilan para hindi ko na makuha yun. Tsaka ngayon lang ding may nakaappreciate ng gawa ko at hindi itatapon kaya hinayaan ko nalang din ito. " Ella! " Dali dali akong bumalik kay señorito ng sumigaw nanaman ito. Siguro hanggang dito nalang talaga ako. Isang utusan. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD