Ella's POV
After two years
Sa loob ng dalwang taon ay marami ng nagbago. Sa tulong ni Odyseus ay nagkaroon ako ng maliit na negosyo. Isang cafe ang naisipan ko dahil sa hilig ko din sa pagtimpla ng iba't ibang klase ng kape.
Nung makabawi sa puhunan ay unti unti kong binabayadan si Odyseus.
Nung una hindi niya gustong tangapin pero pinilit ko dahil ayaw kong maging abusado dito. Dahil dito na din kami tumira sa puder niya ng anak ko.
Para siyang tumayo ama ng anak kong nasa isang taong gulang pa lang. Ramses Greko ang pangalan ng anak namin.
Si Odyseus ang may gustong isunod ko sa apelyido ng ama nito ang anak ko. Oo nasabi ko na kay Odyseus ang lahat lahat ng nangyari sa amin ng kapatid niya dahil sa sobrang pangungulit nito.
Naging mabuti itong kaibigan sa loob ng dalawang taon lalo na ng nagbubuntis ako.
Ang kinalulungkot ko lang ay tulad ko ay sawi din ito sa pag ibig na siyang dahilan pala nito ng umuwi sa probinsya noon.
Hindi niya man sabihin alam kong mahal na mahal niya yung babae. Kapag minsan ay nakikita ko itong tulala lang at nakatingin sa litrato ng babae, nabawasan lang dahil inaalagaan niya din ang anak ko. Masaya naman ako at kahit panandalian ay nagiging masaya si Odyseus kay Ramses kaya hindi ko din maiwan ito at bumukod.
" Odyseus hinanda ko nq ang damit mo sa kama. Sumunod ka nalang sa baba at kakain na" katok ko dito sa banyo. Sa ganitong maliliit na bagay ay maibalik ko lang sana ang mga kabutihan nito.
Bumaba na ako at hinanda ang pagkain namin pati na rin ang kay baby.
Nagtitimpla na ako ng kape para kay Odysseus. Alam ko na kasi ang timpla nito at alam kong hindi ito mapakali kapag walang kasamang kape ang breakfast nito kaya sinisugarado kong ipagtimpla ito lagi.
" Good morning Ella. Good morning baby " sabi niyo pagkapasok sa hapagkainan at humalik sa pisngi ni baby ramses. Nginitian ko naman ito at inaabot ang kape nito ng makaupo ito.
" Huwag kang ganyan Ella baka masanay ako at hindi na kita paalisin kung magaasawa ka na" biro nito ng tinangap ang kape.
Hinampas ko naman ito sa balikat sa biro nito
" Sira ka talaga!" Tinawanan lang ako nito. Lumapit naman ako kay baby upang subuan ito
" Kamusta pala ang business mo ella?" Pambasag katahimikang sabi ni Odysseus. Napatingin ako sakanya sandali at patuloy na sinubuan si baby
" Ayun ayos lang. Kumikita naman buti nga at marami ang nagustuhan ang bagong gawa kong kape. Ikaw kamusta sa opisina?" Pambalik kong tanong. Ganito kami lagi naming kinakamusta ang isa't isa. Sino pa ba ang magdadamayan kundi kami lang din?
" Maayos naman. Kaso..." Tuluyan na akong napatingin dito ng hindi niya ituloy ang sasabihin nito. Sa nakikita ko sa mukha niya ay mukhang nagdadalawang isip itong sabihin ito.
" Sabihin mo na. May problema ka ba? Si Prema ba ?" Tukoy ko sa babaeng mahal niya. Nagbuntong hininga lang ito.
" We need to go back sa hacienda, ikakasal na si Kuya kay Reina" nag iwas ako ng tingin dito ng marinig ko ang sinabi nito. Ayaw kong ipakita dito na apektado pa rin ako sa sinabi nito. Pinakain ko nalang ulit si baby.
" We? Bakit kasama kami? Hindi kami kailangan dun Odysseus alam mo yan" gusto kong pasalamatan ang sarili na nakakaya ko ng umaktong walang pakialam. Ewan siguro unti nalang makakaya ko na.
" I need you there Ella. Nandoon si Prema at ayaw kong masaktan na makita itong may iba ng mahal. Kayo lang ni Ramses ang nagpapalimot sakin sa sakit" nagsusumamo ang mata nito ng sabihin ang mga ito. Kahit namang gusto ko itong tulungan ay hindi ko maiwasan mangamba na babalik ako sa lugar kung saan pilit kong iniwan at kasama pa ang aking anak. Marami ang magtataka. Hindi pa ako handa.
-si Prema ay ang kapatid ni Reina. Kaya naman hindi malabong nandun ito sa hacienda sa kasal ng kapatid nito.
"Pero hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo ella. I can still handle it " sabi nito at nginitian ako. Napansin siguro nito na nagaalanganin ako.
" I'm sorry Ody" sabi ko nalang. Naguguilty ako oo pero hindi ko talaga kaya.
" No ella. I should be the one asking for forgiveness. Alam ko naman ang nangyari sa inyo ni kuya and here I am still asking for you to go to the devil. Kalimutan mo na ang sinabi ko". Sabi nito at nagpatuloy na ng kumain.
Matapos kumain ay umakyat ulit si Ody para mag ayos para pumasok sa opisina. Ginawan ko ito ng baon para sa lunch niya at sumunod sa kwarto ni Ody.
Pinabaunan niya din ito ng extra long sleeve at towel. Ewan ba niya may addiction ata siya sa pagdadala lagi ng extra damit at towel.
" Grabe ka talaga Ella ginagawa mo akong bata. You know you don't need to pack me lunch mayroon naman sa opisina. I can take out. And extra tshirt at towel really ella? " Kahit ganyan yan tumututol lagi ay lagi niya din namang dinadala ang pinapadala ko. Kunwari lang kasi feeling matanda.
"Stop whining like a child kung di ka na bata. Bagay mo nga eh " sabi ko habang pababa kami ng hagdan bitbit ko si baby at siya naman ay bitbit ang pabaon ko. Hindi ko mapigilang mapabungisngis ng makita ang itsura ni Ody para itong batang papasok sa school.
" Tch stop laughing tignan mo pati si baby Ramses pinagtatawanan na din ako" sabi niya at pinisil ang pisngi ni Ramses.
" Stop pinching him you bastard! " I said kasi alam namang baby pa si ramses eh. Over protective at oa na nanay siya kaya ganyan siya. Tumawa lang ito at kumaway na paalis.
Habang ako naman niready ko na ang gamit ni baby at papasok na ako sa trabaho. Bibisita lang ako saglit.
____
Sumapit ang gabi tapos na kaming maghapunan habang si baby naman ay pinapadede ko na ng pumasok si Ody.
Sanay na ako na pumapasok ang mokong na ito kahit na nagpapabreast feed ako. Tsaka hindi naman din eto apektado kahit na ilang beses niya na nakita ang dibdib ko.
Minsan nga nung kakapanganak ko ay sumuso ito ng walang lumalabas na gatas sa dibdib ko. Medyo awkward na may ibang lalaki na sumususo sakin pero wala akong choice nun nataranta kasi kami talaga. Patuloy na umiiyak si Ramses at tila barado ang dibdib ko at walang nilalabas na gatas kaya naisip na din ni Ody na tumulong. Walang malisyaa.
" Oh mukhang malungkot ka. Lasing ka ba?" Tanong ko ng makita itong medyo nahihirapang tumayo ng maayos. Dahil dito ay inalapag ko muna si baby sa crib nito at hinila palabas si Ody papunta ng kwarto ng binata. Ayaw ko kasing mangamoy alak sa kwarto namin ni baby.
" Bakit ganun ella? Bakit ang sakit pa din? Nakita ko sila kanina! Parang wala lang sakanya kahit nakatingin ako! Hinalikan niya pa ang gago! Ella! Bakit bakit! May mali ba sakin! Nagkulang ba ako! At anong sabi niya! See you tomorrow! Putcha nangagago ba siya! Hindi ba niya ako maintindihan! Wala ba siyang tiwala sakin! Nakikipagbalikan ako pero ayaw na niya! " Patuloy itong nagwawala at nagsisigaw. Puno ng hinanakit ang mukha nito.
Hindi man niya sabihin ay alam kong may kasalanan ako bakit naging ganito ang lovelife niya.
Magkakabalikan naman talaga na sana ang dalawa kaso nadatnan ako ni prema dito sa bahay ni Ody at buntis pa ako nun kaya nagselos at nagalit si Prema.
Niyakap ko nalang si Ody ng hindi na siya magsusuntok sa pader.
" Tama na Ody. Magiging okay din ang lahat.' hinila ko ito papunta kama at hiniga. Humiga naman ito at kumalma. Maya maya din ay nakatulugan nito ang pag iiyak at pagrereklamo.
Hindi mo deserve ito Ody. Kung kinakailangang ako ang magpaliwanag kay Prema ay gagawin ko. Maging masaya ka ulit tulad ng dati. Napakabuti mo lalo na sa amin ni Ramses. Panahon naman na ikaw ang sumaya. Kahit na harapin ko pa ang impyerno.
_____
Kinabukasan
Inayos ko na ang damit namin ni baby Ramses at mga gagamitin nito tulad ng diapers at iba pa.
Ng maayos na ang lahat ay inilabas ko ito ng kwarto. Nagulat pa si Ody na siyang kalalabas lang ng kwarto nito at may dala ding maleta.
"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong nito at tila handa ng tumutol sa isasagot ko. Akala ata nito lilipat na ako.
" Malamang sasamahan ka! Diba sabi mo kailangan mo kami ni baby Ramses?" b***h ko pang pagkasabi. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa para sabihing kung totoo ba ako,
Nakasuot din ako ng 3/4 short na above the knee at off shoulder lang na top. Pinusod ko lang ng messy bun ang hair ko at naglagay ng kaunting make up. Ibang iba sa simpleng ako nun pero hindi pa rin ganun kagara
" Are you kidding me?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi nito. Nakasuot naman ito ng Khaki pants at fitted polo shirt na dahilan para makita ang gandang pangangatawan nito.
" Sa tingin mo nagbibiro ako? Kita mo ng nakaempake na ako oh. Kung di ka pa naman maglulumpasay kagabi talaga namang hindi kita sasamahan pero dahil maganda at dyosa ako sasamahan ka namin ni Baby Ramses o diba ang saya" sabi ko at nagtalon talon pa parang bata. Akala ko matutuwa ito pero nanatiling seryoso ito.
" Sigurado ka ba diyan makikita mo si kuya doon. At dahil kaibigan kita kargo di konsensya ko pa kung bigla ka nalang biglang sumigaw ng "itigil ang kasal" " alam ko nagbibiro lang ito kahit na seryoso ang pagkakasabi nito.
" Huwag ka ngang KJ diyan. Nakamove on na ako noh. Isipin mo nalang paano mo susuyuin si Prema! Tutulungan kita!' masayang sabi ko para hindi na ito mag alala
" Fine! Basta huwag kang iiyak iyak sakin kapag nasaktan ka. " Sabi nito at binuhat na din ang maleta namin ni baby.
Kinuha ko na din si baby at ilang gamit pa na natira dahil hindi naman kayang dalhin lahat ni Ody yun.
Sana mapanindigan mo ang sinabi mo Ella! Wala ka ng naratamdaman kay Ulysses!
To be continued