Carsy's POV
Carsy Herod. 24 years old. I've been NBSB for 24 years pero sino ang magaakala na ang ang NBSB ng sobrang tagal ay ikakasal na agad sa kakikilala pa lang na lalaki? At higit sa lahat sa lalaking doble ng edad niya?
Oo, marami ang hindi sang-ayon sa ganung relasyon. Pero para sakin kapag kasi nagmahal ka walang mali. Ang pagmamahal ay walang pinipili kusang nalang nararamdaman at minsan kusa na ding nawawala.
Red Kroser. My 48 years old Fiance. A Billionaire businessman. Father of two. Biyudo.
Yes. Alam kong may anak na siya at hindi lingid sa kaalaman ko na kaedad ko lang ang mga ito dahil kambal ang anak ni Red. Ganunpaman, wala namang mali diba? Tanggap ko ang anak niya at sana ay matanggap din nila ako.
Nakilala ko si Red sa isa sa isa sa foundation na ginanap sa barrio namin.
Nung unang kita ko pa lang sakanya ay hindi ko inaakalang biyudo na ito. Oo medyo may wrinkles na ito pero bakas pa rin ang kakisigang taglay at matipunong pangangatawan.
Mabait si Red kaya nga madaling nahulog ang loob ko sakanya kahit isang buwan pa lang kaming magkakilala. Marupok na kung marupok wala eh mahal ko, kaya nung nagpropose siya agad ay sinagot ko na ito ng oo. It was a romantic proposal in paris.
Ngayon ang huling gabi namin sa paris at nasa kwarto lang kami para magpahinga. Kalalabas lang ni Red na may tapis lang ng tuwalya. May abs pa ito kahit hindi ganun kahulma dahil sa may edad na ito.
Shit! Parang gusto ko nalang maging tuwalya! Lol
" Stop looking at me like that hon. Im getting hard" sabi nito habang kagat labi kong pinagmamasdan itong nagpupunas ng katawan
Lumapit naman ako sakanya para tulungan magpunas. Kinuha ko ang tuwalya para punasan ang mukha nito pababa sa leeg. Pababa sa dibdib.
" Damn hon. Stop before I break my promise for you to be a virgin bride" yun kasi ang pangako niya. He wants me to be a virgin bride kaya nga one month pa lang kami ay nagpropose na siya hindi niya na daw kaya magpigil.
" Silly. You can take me but you chose not to" sabi ko ng nakangiti. He looks so cute pigil na pigil nga at umbok na ang pinagyayabang niya sa tuwalya nito.
" Just be a good girl okay? Can I expect you to do that hon?" Tumango nalang ako at hinintay siyang makahiga. Inilagay ko ang ulo ko sa hubad nitong dibdib.
" Hon. Do you think your son and daughter will accept me?" Mahina kong sabi. Bukas ay uuwi na kami ng Pilipinas at ipapakilala niya na ako sa mga anak nito kaya hindi ko maiwasan mangamba.
" Ofcourse. You're a wonderful woman. Kind hearted. Beautiful. And ofcourse hot." Kumindat pa ito sakin kaya nahamapas ko siya.
Sana nga Red. Sana nga.
______
Philippines
Gabi na ng makadating kami ng Pilipinas. Red is carrying our luggage kasi unti lang din yun. Hindi kasi ako tulad ng iba na dalawa pang bagahe o tatlo ang dala para sa two nights and three days.
Umuwi muna kami sa inuupahan ko. Wala na akong magulang, bata pa lamang ako ay namatay na ang tatay ko. Habang ang nanay ko naman ay kakamatay lang nung nakaraang taon. Mahirap man ay napagtapos ako ng nanay ko sa kursong accountancy. Sa maliit na kompanya lang ako nagtratrabaho at minsan ay nagboboluntaryo sa barrio namin na kung saan nga kami nagkakilala ni red.
" Are you sure about this hon? Hindi kaya mabigla ang mga anak mo kung pagpapakilala mo lang sakin ay doon na ako titira? Ayos lang naman na dito muna ako" sabi ko ng bumyabyahe kami papunta sa inuupahan ko. Inakbayan lang ako nito at hinalikan ang toktok ng ulo ko.
" Yes hon. Para mas mapalapit ka sa mga anak ko bago tayo ikasal sa susunod na buwan" yun ang rason niya kaya gusto niya na ako lumipat. Nagbuntong hininga nalang ako.
All is well.
_______
Red's House
Nasa harap na kami ngayon ng mansion na pamamahay nila Red. Lahat na ata ng dugo ko sa katawan nawala na sa sobrang kaba ko.
" Relax Hon. I'm here for you. " Sabi nito at hinapit ako papalapit sakanya. Ang mga kasambahay na ang kumuha ng gamit namin.
" Manang andito na ba ang mga bata?" Tanong ni Red sa matandang babae roon. Mukhang mabait ito pero nakakunot at nagtataka ang tingin nito sakin ganun din ang ibang kasambahay.
" Ah baka mamaya pa po ang dating. "
" Okay. I want you to meet Carsy, my fiance. I hope you will also treat her like how you treat us. " Pinakilala ako nito sakanila nung una nagulat pa ang mga ito pero nagbow lang din nung huli.
" Sa taas lang po kami manang. Sabihin niyo nalang po kung dumating na ang mga bata." Magalang na paalam ni Red sa matanda. Isa din yan sa nagustuhan ko dito. Marunong rumespeto. Hindi mapagmataas.
" Sige Iho. Magpahinga muna kayo ng nobya mo."
Nang makaakyat na kami sa tingin ko ay kwarto ni Red ay pumasok na kami. Nakahinga naman na ako ng maayos.
" See. It's not that hard hon" sabi nito at sinimulan ng magtangal ng damit.
" Kung alam mo lang Red halos atakihin na ako sa puso noh! " Tinawanan niya lang ako at pinisil ang pisngi.
" Magshower muna ako hon."
" Nagpapaalam ka pa sakin bakit gusto mo samahan kita?" Nakakalokong sabi ko dito
" Nah. It would be the death of me" ganti nito at pumasok na ng banyo. Napailing nalang ako sa laki ng pagtimpi nito. Kasi ako ready naman na ako kung sakali. I love him and he will be my soon to be husband. Kaya I don't find any reason not to give him my virginity.
Nakita ko ang maleta ko sa gilid ng kwarto nagkalkal ako ng damit ko para sa dinner mamaya. I need to be presentable para makapuntos sa mga anak ni Red.
Pinauna ko na si Red sa baba ng abisuhan kami ni Manang na dumating na ang mga anak nito. Magshoshower din muna kasi ako kaya pinauna ko na.
Isang dahilan din ay masabihan niya na ang mga ito bago ako magpakita.
After taking a shower I wore a baby pink lace dress. Nilugay ko lang ang blonde wavy hair ko. Actually brown talaga ang hair ko pinakulay ko lang.
Satisfied with my looks ay kinakabahang bumababa ako ng hagdan.
Nakita ko si Red na napasulyap sakin na siyang nasa ibaba lang ng hagdan habang kausap ang lalaking nakatalikod sakin at babaeng nakatingin na din sakin. I think they are his children.
" Oh there she is. I want you to meet Carsy. Your soon to be step mom" nakangiting sinalubong ako ni Red pero ang lalaking nakatalikod kanina ay humarap sakin na nagbabaga ang mata. Ang babae naman ay nakataas lang ang kilay.
Red's son looks like him pero walang wrinkles at mas dominante ang pagmumukha. Tila lalapang leon. Handsome and rugged sexy. Na isang tingin palang manghihina na ang tuhod mo. Napakagat labi ako sa titig nito na nagpakaba sakin.
Red's daughter is beautiful as I expected her to be. They are 27 years old as what red said. Mas matanda sila sakin ng dalawang taon.
Dahil sa reaksiyon ng dalawa alam kong hindi nila ako nagustuhan. Pangit ba ako para hindi nila ako matanggap para sa ama nila?
" Carsy this is my daughter Redara. " Nakahapit na sa bewang ko si Red habang pinapakilala ako sa anak nitong babae. I extend my hand at laking pasasalamat ko na tinangap naman nito kaya napangiti ako sakanya. But she just have a poker face at bumitaw na din.
" And this is my son Rider" nabaling ang tingin ko kay Redara papunta kay Rider. He is handsome indeed. Parehas sila ni Red na nakabusiness suit. Pero hindi mapagkakailang mas batak at hulma ang katawan ng batang Kroser.
I extend my hand smiling to him calming my self. But his face is seezing danger. Matagal ng nakaextend ang kamay ko pero tinitigan niya lang ang mukha ko kaya hindi ko maiwasang mapahiya at ibinaba nalang ang kamay ko.
" Rider. I ask you to be nice with Carsy. She will be your step mom soon kaya sana ay pakitunguhan mo siya ng maayos." Ramdam ko ang pagbabanta sa boses ni Red.
" I also told you Dad. I will not accept her. She is younger than us for goodness sake! Where did you get this prostitute and gold digger b***h anyway!" Nagulat nalang ako ng biglang sinuntok ni Red si Rider dahilan para matumba si Rider sa lakas ng suntok ni Red at hindi inaasahan.
" Don't insult her like that! " tumayo naman si Rider sapo ang napuruhang pisngi. Nakangisi nito akong tinapunan ng tingin.
" Bakit mali ba ako? Ilan na ba ang nakapasok na mayamang lalaki sayo Carsy at pinatulan mo ang Tatay ko? " Ambang susuntukin nanamn ni Red si Rider ng pigilan ko to. Kahit gusto kong sampalin ang anak ni Red ay pinilit ko nalang intindihin na baka nabigla lang ito na magkakaroon ng ibang asawa ang tatay niya. Inilingan ko lang si Red at binaba ang kamay niya.
" Alam kong ganyan ang magiging tingin niyo sa akin. Pero maniwala kayo. Mahal ko ang tatay niyo. Siya lang ang nag iisang lalaking dumaan sa buhay ko. At kung sa pera naman ay handa akong mag pre-nup para wala akong makuhang kusing sa inyo. " Sabi ko ng direktang nakatingin kay Rider. Hindi ako nagpatinag sa nakakamatay na tingin nito.
" Carsy! I don't want that. Hindi tayo mag preprenup!" Hindi pagsang -ayon ni Red. Binalingan ko to ng tingin.
" Hon. Please understand. Ayaw kong isipin ng ibang tao na pera ang habol ko sayo. Wala kaso sakin ang pre nup. Kung makakasama kita." Sabi ko at malambing na ngumiti dito para mapanatag siyang nagsasabi ako ng totoo.
"Kain muna tayo. Let's talk about this later. " Sabi ni Redara. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang say nito habang si Rider ay mababasa kung ano ang stand nito sa relasyon ng kanyang ama.
" I think that would be better." Red.
Tahimik lang kaming kumakain. Walang bumasag ng katahimikan na tanging kubyertos lang ang maririnig.
Hindi ko malunok ng maayos ang kinakain ko dahil din sa ramdam kong masamang pagtitig sakin na pinilit kong balewalain.
Matapos kumain ay nagkatinginan kami ni Red. Tinatansya kung paano namin sasabihin ang tungkol sa kasal namin na sa susunod na buwan na at ang pagtira namin.
Nagbuntong hininga si Red dahilan para makuha ang atensyon ng dalawa.
"Redara. Rider. Mga anak sa susunod na buwan na buwan na ang kasal namin. Napagpasyahan ko din na dito na titira si Carsy satin tutal malaki naman ang bahay." Nakakabinging ingay ang ginawa ni Rider ng hampasin nito ang lamesa.
" You really are out of your mind Dad! Dito!? Saan siya matutulog? Sa kwarto niyo ni Mom!? Hindi niyo na nirespeto ang alaala ni Mama ! I'm sick of this s**t! I don't want her in Mom's room! " Sabi nito at dabog na umalis. Gusto ko ng maiyak. Inexpect ko na to pero ang sakit pa din pala.
" I don't have a problem with Carsy or you marrying her. But I also feel that Rider is right. Carsy should not step in the boundary of mom's memories. It's either buy a new house or she should sleep in other rooms. Either way its your choice. " Sabi ni Redara at tahimik na umalis din.
" I think they are right Red. Aalis nalang muna ako. " Pigil ang luha kong sabi. Gusto kong panghinaan ng loob.
Lumapit naman ito sakin habang niyakap ako sa likod.
" Shhh. Stay here hon. I'll just prepare the guest room for you hanggang sa makahanap tayo ng lilipatan, okay?" Mahinahong nitong sabi.
Hindi ko na alam. I wish things will get better.
To be continued
Hiii po sana magustuhan niyo to heheh btw lovelotss ❤️