KABANATA 31

1155 Words

"Ang saya ko," aniya habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan. Nakaupo kaming apat sa buhangin na malapit sa karagatan. Magkatabi kami ni Cassiel habang magkatabi naman ang aking magulang. Magkayakapan sila at hindi nila alintana ang malamig na hangin dahil sa nagliliyab nilang pag-ibig sa isa't-isa. Napapangiti na lang ako tuwing nasisilayan ko ang ligaya sa kanilang mga labi. Sana lang ay hindi ito panaginip dahil natatakot ako na isa lang itong masayang kathang isip na ginawa ng malungkot kong pagkatao. Natatakot ako na baka isang araw ay magising ako at wala na sila sa tabi ko. Natatakot ako na baka sa susunod na bukas ay wala na sila, baka maglaho na naman sila sa himpapawid at lumipad palayo sa akin gaya ng mga ibon. "Ang lalim ng iniisip. Hindi ba puwedeng ipatangay mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD