Chapter 3

2503 Words
“Let’s get some stuff, nakausap ko na yung pilot na maghahatid sa atin sa Palawan. We’re leaving at seven.” Baritonong sambit ni Luke nang balikan ako nito sa office niya. Dumeretso kami sa Gallego Hotel pagkagaling sa Hotel ni Mr. Lazaro. Like what he’d promise, gumawa siya ng paraan para mapuntahan namin si Mr. Lazaro. “Okay, thank you ulit, Luke. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.” Sambit ko rito. Ngumiti naman ito saka mabining hinaplos ang balikat ko. “Don’t worry, everything will be fine.” Aniya. Binilinan niya ang sekretarya niya na icancel ang lahat ng meetings niya ngayong araw hanggang weekend. Lalo tuloy akong nahiya rito. Pero wala na akong magawa, dahil narin siguro sa kagustuhan kong makausap si Mr. Lazaro. Saka nalang ako babawi kay Luke kapag natapos na ang lahat ng ito. pumunta kami sa mall para mamili ng ilang gamit at damit dahil wala akong ibang dala bukod sa suot ko. “Danica?” Narinig kong boses ng isang babae sa ‘di kalayuan, nang lingunin ko ito ay bahagyang umawang ang labi ko. It was Catherine, namimilog pa ang mga matang nakatitig sa akin na para bang nakakita ng multo. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Luke mula rito sa fitting area. Nakita kong kausap nito si Brent. Halos hindi ko pa nakilala sa unang tingin dahil mas naging matured ang itsura nito dahil sa stubble sa mukha niya. “Danica! Ikaw nga!” Muling sambit ni Catherine na noon ay nakalapit na sa akin. Muli ko siyang binalingan ng tingin at nginitian ng bahagya. “C-Catherine…” Mahina kong sambit. “Hindi ko akalaing makikita kita ulit. Kumusta kana?” Nakangiti nitong tanong, bakas din ang pagkamangha sa mga mata nito. “Um, I-I’m good. Ikaw? Kumusta na?” Tanong ko rito. She smiled. “I’m okay, ilang beses kong sinubukang tawagan ka pero wala lang akong sapat na lakas ng loob. Danica, I’m really sorry for what happened in the past.” Aniya, saka nito hinawakan ang mga kamay ko. naiilang naman akong ngumiti rito saka binawi ang kamay. “It’s okay now, matagal ko ng kinalimutan iyon. Matagal na iyon, Catherine.” Tugon ko rito. “He’s back.” Sambit nito. Bahagya akong napatitig kay Catherine, hindi ko alam kung anong reaksyon ang pakakawalan ko. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa bara na humaharang sa lalamunan ko, muli kong naalala ang sinabi ni Kaila na engage na si Ridge at Meghan, muli kong naramdaman ang sakit kahit na alam kong hindi naman ito ang dapat kong iniintindi sa ngayon, may mas importante akong problema kaysa sa dalawang iyon. Isang ngiti nalang ang pinakawalan ko, I tried not to give her a glimpse of my unnecessary emotion. “Mabuti naman kung ganun. S-sige, mauuna na ako.” Sambit ko. “Um, wait. Danica, can I invite you to dinner sometimes?” Aniya, muli akong napahinto, ilang Segundo ko pa siyang tiningnan. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. Wala naman akong problema kay Catherine, ako lang talagang nagpasya na lumayo na sa kanila. “Please? For old time’s sake?” Dugtong nito nang makita ang pagaalinlangan ko. Bahagya akong ngumiti saka tumango rito. “Okay.” Tugon ko saka ito tinalikuran at umalis na. Nakatingin sa akin si Brent habang papalapit ako sa kanilang dalawa ni Luke, hindi ko siya tinapunan ng tingin at parang hangin lang na binalewala, nakaawang pa ang labi nito na akmang may sasabihin pero hindi na niya tinuloy. Hindi ko alam kung bakit nandito rin siya, o baka sinamahan niya si Catherine, kung ano man ang dahilan ay hindi ko na inalam pa. Hindi ko parin siya napapatawad sa ginawa niyang pagtalikod sa kaibigan ko. Tahimik lang ako habang nasa byahe kami ni Luke, I tried my best not to get pissed pero hindi ko magawa. Maalala ko palang ang mga hirap na pinagdaanan ni Kaila, nanggagalaiti na ako sa galit sa lalaking iyon. Bagay na bagay talaga silang magkaibigan, mga walang kwenta. “Are you okay?” Tanong ni Luke habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kalsada. “Yeah, I’m sorry. I was just tired.” Tugon ko. Bahagya naman itong ngumiti saka binaling na ang tingin sa kalsada. Sinandal ko nalang ang ulo sa sandalan at binaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. Gabi narin ng makarating kami sa airport, naghintay pa kami ng halos kalahating oras bago lumipad, we take that time to grab some food. Halos madaling araw na ng makarating kami ng Puerto Prinsesa International Airport. “My secretary booked us in Golden Pearl Resort kung saan naka-booked si Mr. Lazaro.” Sambit ni Luke habang nasa labas ng airport at naghihintay ng masasakyan. “That’s good, perhaps I can talk to him later.” Nakangiti kong tugon dito, ngumiti rin ito sa akin bago nagsalita. “It’s a long day, Danica. You should rest first, saka mo na isipin ang pakikipagusap kay Mr. Lazaro.” Aniya. “I will, thank you Luke.” Halos hindi rin ako nakatulog ng araw na iyon, nakapikit lang ang mga mata ko pero ang diwa ko ay gising na gising pa. Ang dami kong iniisip, bukod sa pakikipagusap kay Mr. Lazaro ay iniisip ko rin ang nangyari kanina. He’s back. I’m not expecting to see him again. At ayoko rin naman dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. It’s been five long years. Iniisip ko paano kung magkita kami? I don’t want to feel the pain again. Basta ayoko. Nagising ako sa tunog ng alarm ng phone ko, agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo at magpalit ng damit na dala ko. Isang isang itim na sleeveless at trouser ang sinuot ko at pinatungan ko ng puting coat. Palabas na sana ako ng kwarto nang tumawag si Luke. “Good morning, are you awake?” “Yeah, I’m ready. Where are you?” “I’m waiting at the lounge, let’s eat breakfast first. Mr. Lazaro will be here in a while.” Aniya, binaba ko na ang phone saka lumabas na ng kwarto at pumunta sa lounge, malayo palang ay natatanaw ko na si Luke. He looks good in a semi formal attire. I smiled at him when he looked back at me. “Let’s go?” Nakangiti nitong sambit nang makalapit ako. Tumango naman ako rito saka kami nagtungo sa restaurant ng resort. Hindi masyadong matao ngayon dahil off season. May mangilan-ngilan lang na mga guest pero bilang lang sa mga kamay. Naupo na kami at umorder ng makakain. “Mr. Lazaro already knew that we are here. I inform his secretary and he agreed to meet us.” Sambit ni Luke habang kumakain kami ng agahan, I’m wondering how he do all of that stuff, but it lifted up my mood. “Sana makumbinsi ko siya dahil kung hindi ay masasayang lang ang punta natin dito.” Tugon ko. he smiled warmly. “I’m sure you will, ikaw pa?” Pabiro nitong tugon, bahagya akong napatawa. Napatingin ako sa may pinto na nasa bandang likuran ni Luke, my smile froze, I saw Mr. Lazaro entering the restaurant behind him is a tall man wearing a three-piece gray suit, looking dominating and sophisticated, seryoso ang mukha nito habang nakikinig sa sinasabi ni Mr. Lazaro. Nanlamig ang buo kong katawan at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. I felt numb, my heart beats faster and faster. What the hell is he doing here?! Napatitig din sa akin si Luke nang makita niya kung saan ako nakatingin, maski siya ay bahagyang nabigla rin nang makita si Ridge na kasama si Mr. Lazaro. “Danica, will you be, okay?” Sambit ni Luke, huminga ako ng malalim saka bumalik sa realidad. This is not the right time to be caught off guard, not this time Danica. I needed to talk with Mr. Lazaro for the sake of my company. I fix myself and smiled to Luke. “Yeah, why shouldn’t I.” Tugon ko saka tumayo na at nilapitan si Mr. Lazaro, sumunod din sa akin si Luke. I managed to walk properly kahit na parang nanlalambot ang mga tuhod ko lalo na ng tumama ang malamig na tingin sa akin ni Ridge. “Good morning, Mr. Lazaro.” Bati ko rito. “O, Ms. Jensen, you’re early, akala ko mamaya ka pa darating.” Aniya, nginitian ko ito saka muling nagsalita. Hindi iniinda ang matatalim na tingin sa akin ng lalaking katabi niya. I don’t care about him, hindi naman siya ang pinunta ko rito kaya hindi ko siya kailangan tapunan ng kahit konting pansin. “Actually, we’re already here last night pa, I’m Dr. Gallego.” Sabat ni Luke, saka nakipagkamay dito, ngumiti naman ang lalaki saka ito nakipagkamay kay Luke. “Nice to meet you, Dr. Gallego. But unfortunately, I cannot talk to you right now. I have an urgent meeting with Mr. Buenacera.” Sambit nito saka bahagyang nilingon si Ridge na noon ay malamig at seryoso parin ang ekspresyon habang nakatigin sa akin. Hindi ko alam kung hindi niya ba inalis ang tingin niya sa akin simula pa kanina. It bothers me, there’s something in his gaze, I don’t know, he’s like a stranger. “It’s okay, I’ll wait for you, Mr. Lazaro.” Tugon ko rito. “It’s okay, Mr. Lazaro, Ms. Jensen can join us. She also needs to know about the acquisition of your hotel.” Baritonong sambit ni Ridge saka ito naglakad at naupo sa isa sa mga vip tables. Bahagya mang nagtaka ay sumunod narin ako kay Mr. Lazaro nang sundan nito si Ridge. Pero natigilan ako nang hawakan ako sa braso ni Luke. “Are you sure you’re, okay? Pwede naman ako magpa-schedule ng panibagong meeting, let’s get out of here.” Sambit nito, nginitian ko siya saka tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso ko. “It’s okay, kaya ko. Isa pa, I don’t think na papayag pang makipag-usap sa akin si Mr. Lazaro after this, and this is our chance, Luke.” Tugon ko rito, saka ito tinitigan sa mukha, bakas ang pagaalala nito. Marahil ay nakikita niya rin na pinipilit ko lang maging matigas. But I gave him an assurance that I can do it. Hindi ang biglang pagsulpot ni Ridge ang magiging dahilan ng kaduwagan ko, ngayon ko mas kailangang ipakita na malakas ako at ngayon ko dapat ipamukha sa kanya na nakaya kong wala siya. Wala na ang dating Danica na nasilaw sa yaman niya at nagbulag-bulagan. Sa huli ay sumuko rin si Luke saka ito tumango. “Okay, I’ll just stay here.” Aniya, saka ako nito tinalikuran at muling naupo sa table namin, ako naman ay tinungo na ang table kung nasaan sila Ridge at Mr. Lazaro. “I’m sorry, but Mr. Lazaro, I needed to talk to you about the issue with the deliveries.” Sambit ko nang makaupo na. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin ni Ridge sa akin. I gulp the lump on my throat. His presence makes me uncomfortable. “I told you, Ms. Jensen, my decision is final, at hindi na ako ang dapat na magdedesisyon sa bagay na iyan.” Tugon nito, nangunot ang noo ko. “What do you mean?” “Mr. Buenacera is the new owner of Z Hotel, and he’s the one you should persuade, if you don’t want the contract to be terminated.” Aniya, bahagyang napaawang ang labi ko saka binaling ang tingin kay Ridge na noon ay seryoso ang mukha at deretsong nakatingin sa akin. This can’t be. A/N Nakatayo si Ridge sa harap ng glass wall nito, malalim ang iniisip habang nakapamulsa ang mga kamay. Simula nang makita niya si Danica sa airport ay hindi na ito maalis sa isipan niya, may kung anong tumutuligsa sa kanya. Kahit pa sinabi na ni Meghan ang lahat ng tungkol kay Danica, pakiramdam niya ay may kulang pa. Napalingon ito sa pinto nang may kumatok roon, si Brent. “Did you find her?” Tanong ni Ridge sa kaibigan, ngumiti naman ito saka itinaas ang hawak na envelop. Naupo ito sa couch saka nagsalin ng alak sa baso na nasa lamesa. “All of her information is here. But I’m warning you, sigurado akong hindi ito magugustuhan ni Meghan kapag nalaman niyang pinapahanap mo si Danica.” Sambit nito bago uminom ng alak sa baso at sumandal sa couch. Lumapit naman si Ridge at naupo sa katapat na upuan ni Brent. “I know she’ll understand. I just need to check something.” Baritonong tugon nito saka kinuha ang envelope at binuksan iyon, pagbukas ay nakita niya ang ilang larawan ni Danica kasama ang pamilya nito, si Kaila, at si Luke. Bahagyang nangunot ang noo nito at napatitig sa isang litrato na kasama ni Danica si Luke, masaya at nakangiti ito sa larawan. Nakaramdam siya ng pagkainis sa hindi malamang dahilan. Napansin naman ito ni Brent saka tiningnan ang nasa litrato. “That’s Dr. Luke Gallego, Meghan’s brother.” Sambit nito, inangat ni Ridge ang tingin kay Brent bago muling magsalita. “I know, and I know that he’s the reason why this woman divorced me.” Matigas at baritonong sambit nito. Sandaling natigilan si Brent, pinoproseso ang sinabi ng kaibigan. Alam nito na walang maalala si Ridge tungkol kay Danica, at sinabihan siya ni Mrs. Leonore na mas makakabuti iyon kay Ridge, ngumiti ito saka muling uminom ng alak. “So, what’s your plan? Umamin ka nga sa akin, are you still in love with your ex-wife?” Pabirong sambit ni Brent pero sinamaan lang ito ng tingin ni Ridge. “What the hell are you talking about? I don’t even remember her, I was just curious about her, at kung paano ako nabilog ng babaeng ito noon.” Aniya. Nagkibit balikat lang si Brent saka tumayo na. “Ang sinasabi ko lang, she’s already move on with her life. Ikakasal kana kay Meghan, you should focus on your engagement party. I have to go.” Huling sambit ni Brent saka ito naglakad patungo sa pinto, muli niya pang nilingon si Ridge bago tuluyang lumabas ng opisina nito. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nang makalabas na. “Asshole.” Bulong nito habang nakatingin sa pinto ng opisina ni Ridge bago tuluyang umalis. Habang nasa loob ng sasakyan ay kinuha ni Brent ang phone at tinitigan ang numero ni Kaila na pinakuha niya rin sa private investigator. Naiwan namang magisa si Ridge at nakatitig sa mga dokumentong hawak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, hindi siya mapalagay nang makita niya si Danica kasama si Luke, at lalo pa siyang nairita nang makita kung gaano ito kasaya habang kasama ang lalaking iyon. Napahilamos siya ng palad saka malalim na bumuntong-hininga. Muli siyang napalingon sa pinto nang kumatok ang sekretarya nito. “Come in.” Baritonong sambit nito, pumasok ang sekretarya niya saka siya nito nginitian. “President, Mr. Lazaro is here.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD