Chapter 14
Alas tres na ng madaling araw nang madatnan ni Luke si Meghan sa isang kilalang bar sa Makati. Halos wala ng masyadong tao at pasara narin ang bar, pero si Meghan ay patuloy parin ang paginom at halos awayin na ang bartender nang hindi siya nito bigyan pa ng alak.
“Meghan!” sambit ni Luke sa kapatid saka nito kinuha ang baso na balak ibato sana sa bartender nang tanggihan siya nitong bigyan ng alak.
“Pasesnsya na Sir, pero mukhang lasing na lasing na po kasi si Ma’am kaya hindi ko na siya binibigyan ng alak.” Sambit ng bartender.
“Sige na, ako ng bahala dito, pasensya na.” Tugon naman ni Luke saka muling binalingan ang kapatid.
“K-kuya?” Sambit ni Meghan nang makilala ang kapatid, ngumisi ito saka humarap kay Luke.
“Why are you here? Anyway, samahan mo nalang akong uminom.”
“Meghan, stop. Uuwi na tayo.” Mariing sambit ni Luke, pero umismid lang si Meghan rito saka kinuha ang bote na kanina ay balak niyang ibato sa bartender pero muli itong nainis nang makitang wala na iyong laman.
“Hey! Give me another bottle of whiskey!” Sigaw nitong muli sa bartender pero hindi na siya nito pinansin pa.
“Meghan, let’s go. You’re drunk.” Seryosong sambit ni Luke, saka ito muling bumuntong hininga at hinawakan ang kapatid sa braso para alalayan ito palabas ng bar. Pero hindi pa man sila nakakahakbang ay kumawala si Meghan at galit na binalingan ang kapatid.
“Ano ba kuya! Bitawan mo nga ako! Gusto ko pang uminom!” Singhal nito, saka muling naupo sa stool.
“Meghan, uuwi na tayo!” Muling sambit ni Luke saka ito hinawakang muli sa braso at dinala sa sasakyan. Binuksan nito ang pinto ng passenger side kaya kumawala si Meghan sa pagkakahawak nito sa kanya.
“Kuya, ano ba! Hindi mo ba ako narinig? Gusto ko pang uminom! Bakit hindi ka nakikinig?! Bakit hindi mo ako iniintindi... I want to get drunk, I want to feel numb!” Halos magaralgal at paos nitong sambit, kasabay ng luha nito. Sandaling natigilan si Luke at napatitig dito, ngayon niya lang ito nakita sa ganung kondisyon.
“When I get drunk, I don’t feel the pain here...” Dugtong nito saka hinawakan ang dibdib habang umiiyak. “R-Ridge... Ridge leave me, he never love me, ayaw na niyang ituloy ang engagement... ang sakit, kuya, ang sakit sakit... kuya, please do something... Please...” Aniya, saka ito tuluyang nawalan ng malay dahil sa kalasingan. Agad niyang dinala ang kapatid sa bahay nito para makapagpahinga. Nang maihiga na niya ito sa kama ay tinitigan niya ang kapatid, he has no idea about the pain his sister going through, nangako siya sa mga magulang nila na poprotektahan niya si Meghan at sisiguraduhing magiging masaya ito, pero hindi niya iyon matupad. He felt frustrated. Magdamag niyang binantayan si Meghan dahil sa maya’t maya nitong pagsusuka.
Meghan.
Masakit ang ulo ko nang magising ako, I don’t know how did I get home last night, the last thing I remember, I was drinking hard to feel numb, I want to forget the pain, kaya sinubukan kong magpakalasing, gusto kong makalimot. I know from the start na talo na ako, umpisa palang, hindi pa naguumpisa ang laban ay talunan na ako, pero mas pinili kong lumaban at ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Ridge.
Alam kong hindi ko mapapalitan si Danica sa puso niya, kahit pa na nakalimutan niya ito ay alam kong may bahagi parin sa kanya na hinahanap-hanap ang babaeng iyon. At doon ako nagagalit, she doesn’t deserve him, ako ang nasa tabi ni Ridge nung mga panahong kailangang kailangan niya ng karamay. I made him feel the loved that she can never give, ako lang ang kayang magmahal sa kanya ng ganito kaya hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay ang babaeng iyon parin ang gusto niya. Nakalimot ang isip niya pero ang puso niya ay hindi nakalimot kahit minsan. Mariin akong napapikit ng muling naramdaman ang paninikip ng dibdib ko, I am drowning in pain, I want to escape this misery but I can’t. I can’t let him go, sobra ko siyang mahal.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at humikbi, natigil lamang ako ng may kumatok sa pinto. Kuya Luke enter the room, may dala itong isang basong tubig na may lemon. Agad kong pinahid ang mga luhang kumawala sa mga mata ko at ngumiti rito.
“K-kuya...” Sambit ko. Marahan itong lumapit sa akin saka nito inabot ang basong hawak. He look at me worriedly.
“Drink this, marami kang nainom kagabi, makakatulong ito sa hangover mo.” Aniya. I suddenly felt the dryness of my throat and lips dahil narin sa pagiyak.
“Thank you, Kuya.” Sambit ko matapos iyong inumin. Kinuha nito ang baso ang nilapag sa bedside table ko. Umupo ito sa gilid ng kama ko, his seriousness makes me nervous, alam kong galit ito sa akin dahil sa paglalasing ko kagabi. I felt guilty at the same time, parang wala na akong ginawang maganda to make him proud of me. He is always there to clean up my mess.
“Meghan, let’s go to Russia.” Baritonong sambit nito. Bahagya akong natigilan sa sinabi nito pero agad na umiling.
“No, I don’t want to leave, Kuya.” Tugon ko, tiningnan ako nito ng mas seryoso, this is the first time I saw him like that. Pain and anger are visible on his eyes. Mas lalo akong kinabahan. But I remain still, hindi ako pwedeng umalis nalang, ayokong iwan si Ridge. Alam kong malabo pero kahit paano ay may nakikita pa akong pag-asa para sa aming dalawa, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
“We’re going to Russia either you like it or not.” Mas matigas at baritonong sambit nito, muling namuo ang luha sa mga mata ko, bakit niya ba ako pinaaalis? Bakit niya ba pinipilit sa akin ang ayaw ko?!
“Ayoko! Hindi ako aalis, hindi ko iiwan si Ridge! We’re engaged at malapit na kaming ikasal kuya! Kaya bakit ako aalis?!” Halos pasigaw ko ng sambit dito dahil hindi ko mabali ang determinado nitong mga tingin sa akin.
“Ikaw nalang ang may gusto ng engagement na iyan Meghan! I know everything! Hindi totoong engaged kayo ni Ridge at ikaw ang dahilan ng aksidente niyo!” Sambit nito, naiwang nakaawang ang labi ko, halos matigalgal ako sa sinabi nito.
“P-paanong... paano mo nalaman?” Halos paos kong tanong.
“He told me everything, bumalik na ang alaala niya. Kaya wala ka ng dahilan pa para manatili rito. Pupunta tayo ng Russia as soon as possible.” Aniya, saka ito tumayo at akmang lalabas ng kwarto ko pero mabilis akong tumayo kahit na halos madapa ako. Nahawakan ko ang binti ni Kuya Luke saka umiiyak na nagmamakaawa rito.
“Kuya, please! Ayokong umalis, ikakasal kami ni Ridge. Naguguluhan lang siya sa nararamdaman nya dahil nakita niya ulit si Danica, pero kapag nakasal na kami, siguradong marerealize niyang ako ang mahal niya! Kuya parang awa mo na! Mahal na mahal ko si Ridge!” pagmamakaawa ko rito, tiningnan ako nito na parang halos nauubos na ang natitira nitong pasensya at ano mang oras ay kaya ako nitong itakwil bilang kapatid. Lumuhod siya para hawakan ang kamay ko.
“You’re being too much in loved with him na halos nabulang kana sa realidad Meghan, he never and will never be in love with you, dahil si Danica ang mahal niya. Itigil mo na ang ilusyon mong ito Meghan, or else, kalimutan mo ng may kapatid ka.” Aniya, bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. Napahagulgol ako nang maiwan akong magisa, ano bang mali sa pagmamahal? Nagmahal lang naman ako, hindi ba dapat pinaglalaban mo ang isang tao kung talagang mahal mo ito? Bakit lahat nalang ay pinipigilan ako?
Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto, hindi kumain o uminom ng tubig. Wala akong gana sa lahat ng bagay, ilang beses akong kinatok ni Kuya Luke at dinalhan ng pagkain pero ni isa don ay hindi ko ginalaw. I’d rather die kaysa umalis ang iwan si Ridge. I know he love me too, ako ang nariyan noong mga panahong kailangan niya ng karamay, sigurado ako sa mga panahong magkasama kami ay kahit konti may naramdaman man lang siya sa akin. Hindi ako magpapaubaya sa babaeng iyon, mamamatay muna ako bago mangyari iyon. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako, nagising ako sa ringtone ng phone ko. Madilim na sa labas, I don’t know where's Kuya Luke, wala narin sa lamesita ang mga pagkaing inakyat nito. Umupo ako saka kinuha ang phone ko, tumikhim ako at umayos ng pagkakaupo nang makita kung sino ang tumatawag.
“H-hello tita Leonore?” Sambit ko.
“Meghan, where are you? Hindi ko kasi macontact ang phone ni Ridge, did you know where he is?” Tanong nito sa kabilang linya. Hindi ako kaagad nakasagot, this is my last straw to make him mine. I don’t want to do this, but this is the only way para layuan ng babaeng iyon si Ridge.