Kat's POV Sikat na ang araw ng dumaong ang bangkang aking sinasakyan. Galing pa ako sa bayan ng Tanay, Rizal upang mang-hunting ng mga high class zombies. "Oh Katarina, mukhang malaki na naman ang makukuha mong dibs ah?" puri ni Adler sa akin. Hawak ko sa kamay ang pugot na ulo ng isang witch, isa sa special zombies na hina-hunting namin. Ang ganitong uri ng zombie ay matatagpuan lamang sa mga liblib na lugar, kagaya ng gubat o sapa kung saan hinalay bago iniwanan ang katawan ng mga ito at makagat ng zombie, at 'yon ay ayon sa pag-aaral na sinasabi ng mga propesyonal dito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nga ba gano'n? Paanong nagmu-mutate sila depende sa nangyari sa kanila? May ilang haka-haka mula sa mga matatanda rito sa kampo na ang mga 'yon daw

