40

1033 Words
Kiel's POV Hindi ko pa naipuputok ang baril nang may marinig kaming kaluskos sa kabilang banda. Bago pa man ako makatingin ay agad tumakbo ang taong iyon ng hindi ko man lang nakikita ang mukha. "Putang ina, may tao! Habulin nyo dali!" galit na utos ni Papa. Agad nagsitalima ang kanyang mga tauhan at sinundad ang pinanggalingan ng taong iyon. "Ano Ezekiel? Hindi mo kaya?! Anak ba talaga kita?! Nakakahiya ka!" pilit nitong binabawi ang baril ngunit nag-matigas ako. "No, Pa. Tigilan nyo na please lang. Bakit n'yo po ba ginagawa ito?" halos maiiyak na tanong ko rito, ngunit pinipigilan ko dahil kailangan kong itama ang lahat. Binigyan ko ng malungkot na tingin si Benjo na ngayon ay nakaupo na sa sahig habang hinahabol ang hininga. Agad s'yang itinayo ng nag-iisang natira na bantay at hinawakan sa likod. "Wala kang karapatan tanungin ako dahil ako ang bumubuhay sayo!" sigaw nito kasabay ng paglagapag ng palad nito sa pisngi ko. Agad kong nalasahan ang dugo sa pumutok na labi kung kaya't pinunasan ko ito. "Binubuhay n'yo ko sa pag patay ng ibang tao! Binubuhay n'yo ako pero kung itrato n'yo ako ay parang pinapatay na rin sa bawat bugbog, pag latigo at pag gutom sa akin mula pagkabata sa madilim na kwadrang iyon!" sigaw ko dito. Tila hindi nito nagustuhan ang narinig ang umambang sasampalin akong muli, ngunit agad ko itong napigilan sa ere. "Iyang pinapapatay n'yo sa akin para patunayan ang sarili ko ay ang taong tumutulong sa akin sa tuwing ako'y pinapahirapan nyo!" hindi ko na mapigilan ang bugso ng damdamin. Tila umahon lahat ng galit na nararamdaman ko mula pa noong mga nakaraang taon at ngayon ay kusa na itong lumalabas. "Wala ka talagang kwentang anak! Akin na 'yan at ako ang tatapos sa buhay nyong dalawa!" pilit nitong inagaw ang baril ngunit mas hinigpitan ko ang hawak dito. Mas naging agresibo ito at natigilan lamang ng kusang pumutok ang baril. Kapwa kami natigilan ng unti-unting tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig. Dahan dahan n'yang tiningnan ang sarili at nakitang nakatutok sa kanya ang baril na naging dahilan ng panghihina n'ya. Nasa ganoon kaming posisyon nang nagsibalikan ang mga tauhan nito na tila nagulantang rin sa nangyari. "Pa!" sigaw ko ng kusa itong mahulog na agad ko namang sinalo. Binigyan ako nito ng malungkot na tingin bago tuluyang ipinikit ang mata. Hindi pa ako nakakakilos ng bigla kaming dinamba ng mga tauhan ni Papa. "Anong ginawa mo kay Don Beauford?!" galit na asik ni Pablo, ang nakaaway ko noong isang gabi. Sinikmuraan rin nila si Benjo bago buhatin at itali sa sasakyan. "A-Anong gagawin n'yo sa kanya?" nanghihinang tanong ko sa mga ito. Agad dumapo ang kamao ni Pablo sa aking mukha kung kaya't nawalan ako ng balanse at nabitawan ang katawan ni Papa. "Kiel! Ingatan mo si Benj, babalik ako! Babalikan ko sya, kayo, pangako!" huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay nang maramdaman muli ang paghampas sa aking likuran. — Nagising akong nilalamig at puno ng sugat ang katawan. Ilang buwan na ring ganito ang aking lagay, hindi ko na mabilang sa tagal. Araw-araw, walang palya ay palagi nila akong sinasaktan, na mas malala pa sa nagawa ng aking ama. Sa pamumuno ng hayop na si Pablo na feeling Don sa pag-uutos kung anong pagpapahirap ang gagawin sa akin. Hindi namatay si Papa, ngunit naging dahilan ang tama nya ng pagkaparalisa ng kalahating katawan n'ya. Naka wheel chair lamang ito at kagaya ng lagay ko ay pinagmamalupitan rin s'ya ng hayop na 'to. "Ano, Don Beauford? Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?" pang-uuyam nito saka tumawa na tila nababaliw. "Ang tagal kong inantay na mangyari ito, at ngayon ay nagagawa ko na! Mga tanga kasi kayo'ng mag-ama! Antayin mo lang na makuha ko ang titulo ng mga ari-arian mo at ididispatya ko na kayo," paglalahad nito ng tunay na motibo n'ya. Hindi kumibo si Papa at tiningnan lang ako. Hindi ko makita ang ekspresyon na inaasahan ko sa kan'ya. Hindi ko mahanap ang galit na sanay akong makita sa mga mata nito. Ilang buwan na s'yang ganoon na talagang ikinalito ko. Ang tanging nababanaag ko sa mukha nya ay lungkot, at pagsisisi? Bakit? Para saan? Napailing na lang ako at dinuraan si Pablo sa mukha kahit nakatali ang aking kamay at paa. Nainis naman ito at agad akong binigyan ng tadyak sa sikmura bago ituon ang tingin sa taong kakapasok pa lamang. "Boss Pablo," ani ng isang alalay n'ya, "nabalitaan kong pinalilikas na tayo ng pamahalaan dahil sa pandemya na ito. Hindi malayo na matunton nila ang lugar na ito at makita ang gawain natin," dugtong nito habang dinaanan ako ng tingin mula ulo hanggang paa na tila nandidiri sa nakikita. "Sige, mag-impake na kayo ng gamit at aalis tayo dito. Pabayaan n'yo na 'yang Ezekiel na 'yan! Etong matandang 'to na lang ang dalahin natin dahil kailangan natin ang pirma n'ya," bastos na turan nito habang itinuro ang tahimik kong ama. "E boss, paano yung isa pa?" takang tanong nito. Napatigil ako at napalingon sa gawi nila. "Sinong isa pa?" takang tanong ko sa mga ito. Inismidan lang ako ni Pablo bago binigyan ng nakakalokong ngiti. "Sino sa tingin mo batang Beauford?" puno ng sarkasmong turan nito bago tuluyang umalis at ibinalibag ng malakas ang pinto. Napaisip ako sa sinambit nya, at tanging isang tao lang ang pumapasok sa isip ko. Benjo... — Pilit kong nilalabanan ang mga zombies na sinadya nilang papasukin sa bahay bago sila tuluyang umalis. Mabuti na lang at nakawala ako sa pagkakatali nila kung hindi ay kanina pa ako nalapa ng mga kakaibang nilalang na ito. Naririnig ko lamang ang tungkol dito noon mula kay Benjo, at hindi ko akalain na makakasagupa ko ang ilan sa mga ito. Ramdam ko na ang panghihina dulot ng gutom at pagod, ngunit parami pa rin sila ng parami pagsugod sa akin. Bibigay na sana ako ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan na ikinatigil ng lahat, lalo na ako. Dahil nasa harapan ko ang isang lalaking kahawig ngunit pinabatang bersyon ni Benjo. Ang laman ng mga kwento n'ya, ang nakababata n'yang kapatid. Si Benjamin Jacox.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD