Jessie's POV "Don't you dare lay your fingers on my son," napatigil kaming lahat ng marinig iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Dahan-dahan kong inilingon ang ulo at napatda ng tumambad sa amin ang kaniyang seryosong itsura. "D-Dad," utal na tawag ko rito. Tiningnan n'ya lamang ako sandali, pagkatapos ay ibinaling ang matalim na tingin sa ate ni Ruby na nakaamba pa rin ang kamao sa akin. Dahan-dahan n'yang ibinaba ang kamao at namumutlang hinarap ant heneral. Maging si Ruby ay tila nagulat at nagsumiksik sa kapatid dahil sa talim ng titig nito sa kanila. "Dad, why are you here?" tanong ko rito saka dahan-dahang lumapit sa kaniya. "I did not pay and give benefits to your tutor just to let you get hurt by her sister, right?" seryosong sambit nito na nagpalunok sa akin. "Aside from t

