Benj's POV Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos noon. Dahil saktong pagkabukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang isang napaka-lakas na sipa sa mukha dahilan upang mawalan ako ng malay. "Cat got your tounge?" nang-uuyam na saad ng kaharap ko. Pinanlisikan ko ito ng mata at napapalatak sa harapan niya. "Shut the f**k up," tanging sagot ko rito. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng bumukas ang pintuan at tumambad ang taong hindi ko inaasahang makita. "A-Ate Meaghan," mahinang usal ko habang nakatingin sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin at saka ibinuka ang bibig. "Captain Meaghan," pagdidiin nito sa ranggo niya. Napatahimik ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. "Dr. Xi, is he okay now? I guess my axe kick hits him real hard that it took him 3 days to wake up," tanong nito sa l

