Meaghan's POV Payapa ang byahe sa buong oras ng durasyon ng paglalayag namin. Ang ilan ay nagkukwentuhan, samantala ang iba ay tahimik lamang na naga-assemble ng mga armas sa tabi. Nandito ako ngayon sa deck at dinadama ang simoy ng hangin. Nakaka-miss... Ang pagsakay sa barko ay isa sa alaala namin noon, noong buo pa ang aming pamilya. Napabuntong-hininga na lamang ako habang inaalala kung bakit ako pumayag dito. Kung ano ang ipinaglalaban ko kahit pa alam kong sa huli ay hindi ito magiging tama. Nandito kami sa isang tago at maliit na laboratoryo sa isla ng Subay. Ngayon lamang ako nakapunta rito at doon natagpuan ang mga taong matagal ko ng hinahanap. "Mom, Jessie," mahinang sambit ko sa kanilang pangalan habang patuloy na lumuluha ang mga mata. This is so not me, kahit kai

