Meaghan's POV Kapwa kami naghanda ni Luna sa gaganaping laban. Nagbabalot pa lamang ako ng benda sa may kamao ng tawagin ako. Mabuti na lamang at ipi-pin na lang s'ya kung kaya't inayos ko habang naglalakad. "Handa na ba kayo?" tanong si sir Ryan sa amin. Nakapuwesto kami dito sa gitna ng quadrangle kung saan nasa gilid ang ilang manonood. Tumango lamang kami bilang sagot bago ko ituon ang tingin kay Luna. "Handa ka na bang matalo?" pang-aasar nito. Nginisian ko lamang s'ya at pumorma na pang-laban. Nag-seryoso na rin ito at nag fighting stance kagaya ko. Kapwa matalim ang titig namin sa isa't-isa, tila mga hayop na handang magsakmalan sa oras ng laban. "Shi jak!" go signal ni sir at sinimulan na namin ang laban. Nagb-bounce lamang ako habang inaantay ang gagawing pagsugod n'ya

