KABANATA 32 Sunshine MALALIM pa rin ang pagkakakunot ng noo ko habang papasakay sa elevator. Papasara na ang pinto noon nang may kamay na pumigil doon. Tumikhim ako at iniwas ang tingin kay Ashton nang tahimik siyang pumasok sa loob. Siniksik ko ang sarili sa gilid ng elevator kahit na nga ba kaming dalawa lang ang nakasakay. Nakabibingi ang katahimikan na namayani sa aming dalawa hanggang sa huminga siya nang malalim at binalingan ako. "I'll take you there...it's late." "Hindi na, kaya ko na ang sarili ko." Pag-iling ko na ang tingin ay nasa numero ng floor na kinaroroonan namin. Huminto iyon at may grupo ng mga doktor at nurse na nagsipasukan dahilan para mapunta sa tabi ko si Ashton. "Omg, ang guwapo!" "Oy, Fanney, onting hiya kasama ang girlfriend oh!" Sasawatahin ko na sana

