K A B A N A T A 3 4 Penthouse “DIYOS ko kang bata ka! Ano bang naisipan mo at ginawa mo ‘to?! Tulong! Tulong!” Ang boses na iyon mula sa tiyahin ng aking ina na si Nana ang nakapagpadilat ng aking mga mata. Hindi tuluyang rumerehistro sa isipan ko ang dahilan ng pagkakataranta niya pero nang makaramdam ng sakit sa pulso kong nang sulyapan ko ay may hiwa’t umaagos ang sariwang dugo. Napagtanto ko kaagad ang kamaliang nagawa ko. Maling-mali pero hindi ako nakaramdam ng pagsisisi dahil ayoko na. Nakakapagod nang gumising araw-araw at mangulila sa buhay na iniwan ko sa Isla. Nakakapagod na magising ng may luha sa mga mata at makatulog na patuloy pa rin sa pag-iyak. Sumusuko na ako… Hindi ko inakalang ganito pala ako kahina. Akala ko’y magagawa kong mag-umpisa ng panibagong buhay pagda

