K A B A N A T A 51 My wife “Ladies and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Cebu Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Aleje with First officer Pierro and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific your airline of choice.” Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang marinig ang anunsyo na lumapag na pala ang eroplanong sinasakyan namin ni Ashton sa Maynila. “Still sleepy?” Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at humikab ng ilang beses bago ko sinulyapan si Ashton na inaalis na ang seatbelt ko. Yumuko siya at itinapat ang tenga sa tiyan ko. “Nagugutom na ba ang baby ko?” “Oo, gutom na gutom na,” sagot ko para sa anak kong kung kausapin ng ama niya akala mo ay sasagot. Tumawa si Ashton at

