K A B A N A T A 3 0 Daddy “YES TL, pupunta po ako mamaya. Pasensya na po ulit.” Malalim akong napabuntonghininga nang maibaba ko ang tawag ng team leader ko. “Baks, bili muna tayo pagkain nila Nana—oh, anong tawag na naman natanggap mo’t ganyan ang ayos mo?” tanong niya’t maingat na sinara ang pinto ng pediatric ward na kinaroroonan ni Ash. “Wala, si TL, pinapapasok ako. Kakausapin daw ako nila Boss Vic, ‘eh need ko daw pumunta mamaya kasi ngayon, may naka-schedule daw na business trip si Boss bukas,” tukoy ko sa head ng account namin. “Mag-re-resign ka na ba? Hindi ba magsasara na nga ang account n’yo?” Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam, ang gusto ko ngayon mag-focus kay Ash. Pero kailangan ko din naman ng pera—” “Para saan? Ayan na’t bulgar na sa bilyonaryo mong ex ang tungk

